Chapter 10
Deal
Malayo pa lang ay tanaw ko na si mama na kausap ang doctor sa labas ng ICU kaya agad na tinakbo ko siya. Nang sandaling makalapit ako ay bigla na lang siyang sumabog at humagulhol nang walang humpay kaya niyakap ko kaagad siya. Si Jax ay nanatili sa likuran ko. Ang akala ko ay ihahatid lang niya ako ngunit nagulat ako nang bumaba rin siya mula sa sasakyan at sumunod sa akin.
"T-Tatiana... ang kapatid mo..." Nanginginig na sambit ni mama kaya bumaling na ako sa doctor.
"Doc, ano pong problema?"
"It's good that you're finally here, Tatiana. I can't explain everything to your mom dahil baka hindi niya kayanin. Your sister Althea needs the operation right away dahil kung hindi ay maaari na niyang ikamatay ang susunod na arrest na mangyayari sa kaniya. Her body can't handle her blood type anymore. Kailangang palitan ng mas compatible na blood type ang lahat ng dugo niya sa katawan niya. Unfortunately, this procedure is not available in our country," paliwanag niya sa akin.
Tumambol nang husto ang dibdib ko. "Ano pong ibig ninyong sabihin?"
"This procedure is only available abroad and it will cost you a million or more. I will only give you a day or two to think about it and to prepare. After that, you can come to my office and tell me your decision. Ngunit mas maganda kung bibilisan ninyo ang pagdesisyon dahil buhay ng kapatid mo ang nakasalalay rito."
Iyon na ang huling sinabi ng doctor bago niya kami iwan. Ni hindi iyon masyadong rumehistro sa utak ko dahil masyadong maraming impormasyon ang tumatakbo sa utak ko ngayon at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa ang dadagdag roon. Ni hindi ko magawang umiyak dahil ako ang pinagkukunan ng lakas ni mama.
"Maupo muna ho kayo," ani ko at inalalayan siyang maupo sa waiting room.
Nahagip ng mga mata ko si Jax na nanatili lang nakatayo sa gilid doon at pinagmamasdan ako. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa nakikita niyang sitwasyon ko nguniti hindi ko na iyon inintindi pa.
"Anong gagawin natin? Wala tayong gano'n kalaking pera, Tatiana. Mamamatay na ba ang kapatid mo?" Tanong niya sa akin at muli na namang humagulgol.
"Huwag niyong sabihin 'yan, ma. Hindi ko hahayaang mangyari 'yan. Huwag na po kayong mag-alala. Ako na ang bahalang maghanap ng pera para sa operasyon ni Thea," pang-aalo ko sa kaniya kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ko hahagilapin ang gano'n kalaking pera.
Kung nasa bar pa sana ako ay maaari kong kitain iyon nang isang gabi lang ngunit wala na ako roon dahil sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko nang maiyak dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngunit tila ubos na ubos na ako nang mga oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Gusto kong isisi ang sitwasyon na mayroon kami ngayon ngunit kanino? I didn't even know what to think first. Pagod na pagod ang utak ko!
Ilang oras pang umiyak nang umiyak si mama hanggang makatulugan na niya ito. Nang magising siya ay saka lang ako nagpaalam dahil masyado nang nakakahiya sa kasama ko na hanggang ngayon ay wala pa ring kibo. Nag aalala ako na baka mas lalo niya akong pagbuntungan ng galit niya dahil sa pang iistorbo ko sa kaniya ngunit tila wala naman siyang pakialam.
"Sino ba 'yang kasama mo? Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni mama nang sabihin kong aalis na ako. Nakita ko pa ang pag tingin nito kay Jax. Napakamot ako sa ulo ko.
"Ah... boss ko siya, ma. Kailangan na naming umalis dahil may importante siyang meeting. Tatawag ako kaagad kapag may nahanap na akong pera. Mag ingat kayo rito," palusot ko at saglit na sinulyapan si Thea sa loob ng ICU.
"Sigurado ka bang may makukuha kang pera? Saan ka naman hihiram? Malaki ang perang kailangan natin, Tatiana," sambit pa niya kaya napangiti ako nang mapait.
BINABASA MO ANG
Leaving Me Untamed
RomansaTatiana Louis Alcantara is dearly called "Aphrodite" at the bar where she works. Innocent yet wild-looking, everyone says. She once believed in fairytale love story and longs for a kinder prince to love her. Until she met the beast of her beauty-the...