Chapter 48

139 3 0
                                    

Husband

"Akala mo ba ay palalagpasin ko ang ginawa mo sa 'min ng mama mo? Halika rito!"

Kasabay ng malakas na sigaw na iyon ni Papa sa 'kin ay ang marahas niyang pag hablot sa buhok ko at halos kaladkarin na ako patungo sa kung saan.

"B-bitawan mo 'ko! Tulong! Ano pa bang kailangan mo sa 'kin?!" Hiyaw ko kahit alam kong walang makakarinig sa 'kin dahil tagong daan ang parteng 'yon papunta sa office building.

Ramdam ko na ang matinding kaba at takot ko ngunit hindi ko hinayaang kainin ako nito at ubusin ang lakas ko. I need to escape from him dahil kung hindi ay hinding-hindi na ako pakakawalan pa ng matandang 'to!

"Bitawan mo 'ko—!"

Hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin ko nang marahas niya akong bitawan dahilan upang bumagsak ako sa lupa. Impit na napasigaw ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa pang-upo at balakang ko nang tumama iyon sa bato.

"Hayop kang babae ka. Kahit kailan talaga ay napakatanga mo! 'Di ba sinabi ko na sa 'yo na huwag na huwag ka nang magpapakita sa 'kin? Gusto mo na nga yatang mamatay ngayon, e!" Matigas niyang sigaw at isang hakbang lang ay lumanding na ang malaki niyang kamay sa mukha ko. Halos matanggal ang ulo ko roon!

"T-tama na! Please! P-papa! Tama na!"

"Saan mo tinatago ang kapatid mo, ha?! Ibalik mo sa 'min si Althea kung ayaw mong mamatay rito ngayon!" Galit na galit niyang sigaw sa akin.

Mabilis kong tinakpan ang mukha ko sa pag aakalang doon na naman niya ako susuntukin ngunit mali ako. Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod niyang suntok sa tiyan ko at ang mga sipa niya sa hita at binti ko. Ramdam ko ang matinding sakit doon! Ni hindi ko magawang makapagsalita at sabihin ang dapat kong sabihin sa kaniya.

"Sumagot ka! Saan no tinatago ang kapatid mo?!"

"Tatiana!"

I heard someone yelled my name. Nang idilat ko ang mga mata ko ay saktong nakita ko ang pag bagsak ni Papa sa lupa habang duguan ang mukha niya. Muli akong tumingala at doon ko nakita ang isang lalaking aambahan na siya muli ng suntok kaya mabilis akong kumilos at hinawakan ang dulo ng pantalon niya. The man tilted his head to look at me. Napaawang ang bibig ko nang makita ko kung sino ito.

"J-Jackson!"

"What the hell is happening here?!" Hiyaw niya at mabilis akong dinaluhan. "Anong—why are you still here?! Akala ko ay umuwi ka na?"

"Ikaw na namang hayop ka!"

Mabilis kong nilingon si Papa nang marinig ko ang sigaw niyang 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong papalapit na ito sa amin at handa nang sugurin si Jackson, ngunit agad ding nasalag iyon ng huli. Papa is down again with his bleeding nose! Nang tingnan ko si Jackson ay nakita ko ang matinding galit sa mga mata niya. His veins on his arms are swollen maging ang kamao nito!

"J-Jackson, huwag!" Hiyaw ko nang tuluyan na niyang sinakyan si Papa at akmang pauulanan na naman ng suntok.

Mabilis akong tumayo at hinuli ang mga kamao niya. "H-huwag, please! Umalis na tayo!"

"You should call the cops, Tatiana! Hindi ka titigilan ng matandang ito hangga't hindi ito nakukulong!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong lugar kaya tuluyan nang sumabog ang emosyon ko.

Ramdam ko ang unti-unting panghihina ng katawan ko dahil sa mga natamong suntok at sipa. Nang tingnan ko si Papa ay nakangisi lang itong nakatingin sa amin habang tila naghihintay ng gagawin ko. I looked at Jackson again and shook my head hesitantly.

"P-please . . . Let's just go," halos bulong ko.

Umigting ang kaniyang panga. I can see hell in his eyes. His anger is welling up like a raging fire at sigurado akong hindi na niya ito mapipigilan pa kapag hinayaan kong sumabog siya rito ngayon.

Leaving Me UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon