Chapter 57

149 4 0
                                    

I fucking gave in

"So, kailan mo balak bumalik?"

Nanatili ang tingin ko sa computer at pilit na pinapasok sa isip ko ang mga nakasaad doon. Ni hindi ko napansin kung anong sinabi ni Lorry.

Pakiramdam ko ay nakalutang ako. I can't even feel anything maliban na lang sa pagod kong utak. Paano kasi, mula nang sinabi ko kay Sir Alex na nag leave muna ako nang isang linggo sa empire ay tinambakan niya ako ng trabaho kinabukasan nang makapasok ako.

Hindi ko alam kung galit pa rin siya dahil sa pagsisinungaling ko.

"Hoy, Tatiana!"

"Fuck! What the hell!" Hiyaw ko nang itulak ako bigla ni Lorry na nasa likuran ko na pala.

"Wow! Gulat na gulat. Samantalang kanina pa tayo nag-uusap," aniya at tumungo sa gilid ko habang nakasakay sa swivel chair niya.

"Ano ba 'yon? May ginagawa ako." Hindi ko na napigilan ang iritasyon ko.

Bumalik ang tingin ko sa computer at hindi na siya pinansin muli. Pero ang babaeng ito, kapag hindi pinapansin ay lalo talagang nagpapapansin!

"Girl, kanina ka pa nakatitig diyan. Na-submit mo na 'yan kay Sir Alex 'di ba? Ano pang binabago mo riyan?" Tanong na naman niya. Napanganga ako nang mapagtanto ko ang sinabi niya.

Bahagyang hinilot ko ang ulo ko at napamura.

"Seriously, you need to freshen up. Nasa pantry sina Serena at Gael. Maglalunch na rin naman," paanyaya niya at hinablot na ang kamay ko kaya wala na akong nagawa.

"What happened ba? Mula nang bumalik ka, wala ka pang nakekwento sa 'min. Pati si Red ay sinungitan mo," pagsisimula niya habang naglalakad kami.

Napanguso ako nang maalala ko ang huling engkwentro namin ni Red kahapon. Hindi ko naman sinasadyang masigawan siya. Nagkataon lang talaga na katatapos lamang ako sermunan ni Sir Alex noon. God! This irritation is eating me up pati na ang mga tao sa paligid ko.

"Hindi ko sinasadya 'yon. I was so tired that time at pineste pa 'ko ni sir," pasaring ko at napairap na lang sa ere.

"Weh? Ayun lang ba ang dahilan? Bakit ka nag leave sa empire? May nangyari ba? Of course there is." Lorry insisted at tinulak pa ang balikat ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maalala na naman ang gabing iyon. It was still fresh! It seems that I can still feel everything in my body. Lahat ng nangyari nang gabing yon ay kabisadong-kabisado ko pa at isa ito sa pinakamalaking dahilan kung bakit pagod na pagod ang utak ko.

It's because I fucking gave in . . .

"I . . . gave in, Lorry," halos bulong ko pero tama lang para marinig niya.

Ramdam ko ang matinding paghampas ng puso ko kaya lalo akong namoblema.

"What? What do you mean you gave in?" Tangang tanong ni Lorry kaya hindi-makapaniwalang tiningnan ko siya.

Matagal kaming nagkatinginan hanggang sa bigla na lang namilog ang kaniyang mga mata at sunod ay nagmura ito nang nagmura.

"Oh, my God! Oh, my freaking God, Tatiana! What the hell were you thinking?! Are you serious?" She reacted in a very OA way kaya halos iwan ko siya roon dahil sa sobrang kahihiyan.

Napa-face palm na lang ako at nagsimula nang maglakad ulit.

"Shit! Seryoso ka talaga? How? Why? What happened? Bakit? Akala ko ba trabaho lang? Damn it!" She continued nagging at me.

Marahas na pinilig ko ang ulo ko nang maalala ko na naman ang senaryong iyon at mabilis na naglakad patungong pantry. Kapag naaalala ko iyon ay nawawala ako sa sarili at parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

Leaving Me UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon