Inspired ata akong gumawa ng update kaso puro short update.
Sorry ha? Pero sana ma-enjoy niyo pa rin ang pagbabasa. :)
---------------
Ewan ko pero pagtapat sa tapat ng subdivision nina Jiro may kakaiba akong naramdaman. Parang may mali na parang nakita ko na siya, na super familiar ng place.
"Dito ang inyo?" 'Di ko napigilang magtanong.
"Oo, bakit?" Magsasalita pa sana ako kaso inunahan na ako ni Sharyl at Riya.
"Mag-iingat ka sa paglalakad Jiro. Baka matalisod." Sabay tawa namin nina mamu, sina Sharyl kasi patawa.
"Oo na. Kayo din po tita, mamu, dadaan na lang po ako bago kayo umalis bukas ng gabi." At ngumiti si mamu, it means yes, he is allowed to go.
"Oh tama na yan, magkikita pa tayo bukas, bye Jiro" at unti unti ko ng sinara ang pintuan at sabay binuksan ang bintana at nag-wave goodbye at nag-wave din siya.
"Oh ipasok mo na yang ulo mo. Baka mamaya maputol, may bukas pa"
O_O napasok ko agad yung ulo ko ay
*boogsh*
" aaaaw" sabay sabay nilang sabi.
"Hindi kaya masakit." At kitang kita na nagpipigil sila ng tawa..
Dumaan kami sa subdivision nina Sharyl sumunod ang kina- Riya at tanging kami na lang naiwan.
"Did you enjoy without Kyle?" Kyle na naman.
"Ofcourse mamu" confident na confident kong sabi.
"Suuuus" sabi ni mama. Ang mama talaga kahit kailan.
"Ma...please, I dont wanna talk about Kyle today. Bahala siya" at nakinig na lang ulit ako, pero wala naman talagang sounds kasi lobat na ang ipod ko.
"May gusto na yan mamu" sabi ni mama kay mamu.
"Hayaan mo, let her feel it. Para naman ma-try niya. To feel the happiness." words od wisdom na naman ni mamu.
"Hinahayaan ko naman po eh, siya lang ang pumipigil sa sarili niya kasi natatakot" Natatakot?!
Am i afraid?!
No! Di ako natatakot.
Hanggang sa makarating na kami sa amin, ako at ang lovelife ko ang pinag-uusapan nila. Umiglip na lang ako dahil ayoko makinig.
Ayokong makinig na takot ako magkaroon ng lovelife.
Hindi ko din alam kung bakit ako ganito pero parang feeling ko ready na ako, pero di pa.
Ewan!
Magulo ang isip ko at ang puso ko.
Dadating naman yan, 'di na kailangang hintayin pa.
----------------
"Shaila, gising na, may bisita tayo." nasa van pa rin ako at parang nakabulas na ang pintuan at may 3 nakatayo sa harapan ko.
Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko.
O_O
"Si Kyle andito." at napatungo si Kyle, di siya makatingin sa akin dahil nahihiya siya. Nag-ayos ako baka tulo-laway pa ako eh.
"Pasok iho" at umuna ng umakyat si mamu at mama at naiwan kaming dalawa.
"Shail--"
"Pasok ka" sabi ko at umuna na akong umakyat
Pagka-dating namin a loob
"So-"
"Upo ka baka mangalay ka sa pagkakatayo sa gate namin" WOOO! Asa ka pang naghintay yan ng matagal Shaila.
"Hindi naman." at sumagot pa, see! Hindi siya naghintay ng matagal for me. assuming ka kasi masyado Shaila.
"Ito nga pala, carbonara. Luto ni mommy." CARBONARA?! Biglang nagpantig ang tenga ko. Basta pagkain, I'm ready. Pero kailangang i-dedma dahil ni Kyle.
"Ilapag mo na lang sa lamesa. Salamat sa pagdala" at umupo ako sa isahan. Umupo na din siya. Nagb-browse ako sa cellphone para kunwari busy.
"Shaila"
"Oh?"Tumingin ako saglit at nakita kong nakatingin din siya.
"Pasensya ka na ha. Hindi ko naman sinasadya eh" sabay tungo niya. Lagi na lang nakatungo kapag nagkakaroon ng kasalanan. Ano bang meron 'tong sahig at lupa namin at lagi niyang tinitingnan.
"Sa totoo lang Kyle" ako na ang nagsimula ng usapan para matapos na. Tumingin siya sa akin.
"Nagtatampo ako sa iyo sa tuwing tatanggihan mo ang invitation namin. Parang ayaw mo kaming makasama ng family ko.
Pero ok lang naman yun wala na sa akin. Siguro nga ganoon nga lang kaya ok lang." at ngumiti ako sa kanya.
Parang pagnakikita ko si Kyle parang nawawala galit ko sa kanya, na para bang walang nangyari.
"Hindi kasi ako makaalis ng bahay kasi umalis na ang kapatid ko, eh hindi naman siya nagpaalam sa parents namin kaya sino na lang aabutan ng parents ko sa bahay. Ok lang na ako ang pagalitan sa amin wag lang kapatid ko." at parang naluluha na siya na, ewan.
Nabigla ako sa sinabi niya. Kaya pala. Lumapit ako sa kanya at hinug siya pero sandali lang.
"Sorry Kyle, hindi ko alam" Na-guilty ako sa mga sinabi ko. Mali pala ang akala ko. Ang ewan mo talaga Shaila kahit kailan.
"Ako ang dapat mag-sorry." dumaan si mamu
"Mamu pasensya na po kung hindi po ako nakasama."
"Ok lang yun nu" at hinug naman siya ni mamu at napangiti si Kyle.
"Tara, kumain na lang tayo ng dinala mong carbonara" yakag ko sa kanya
"Mamu, kayo po? Carbonara? Dala po ito ni Kyle." ngumiti si mamu
"Ayoko, magpapahinga muna ako at ako'y pagod pa." at pumasok na si mamu sa kwarto.
"Anong meron sa inyo at nagluto ang mommy mo ng carbonara?" curious talaga ako.
"Ipinaluto ko sa kanya. Para talaga sa iyo yan. One of the specialty ni mommy." WOW, specialty. Tatalunin kaya nito ang luto ni mama? Tinikman ko at napangiti ako, napatingin siya sa akin.
"Hindi ba masarap? Naku, si mommy talaga" sabi niya ng nagkakamot ng ulo.
"Actually, masarap siya" sabay subo ulit ng marami pa at kumain kami ng kumain.
Parang walang nangyari. Baliw lang talaga ako siguro.
--------------------
"Pasabi sa mommy mo na sobrang sarap ng niluto niya for me. At thank you nag-abala ka pang ipaluto sa mommy mo yung carbonara." ngumit siya. Ay Kyle! Tama na ang pagngiti at baka ako'y humanga sa kaputian ng ngipin mo.
"Wala yun. Salamat at nagustuhan mo, matutuwa talaga si mommy."
nagkaroon ng sandaling katahimikan at
"Mauuna na ako Shaila. Salamat at hindi ka na galit" pinalo ko siya sa braso
"Hindi naman galit, tampo lang. Pero wala na, ok na tayo" at ngumiti ako.
"Ingat ka ha" At naglakad na siya papalayo.
Masarap pala yung feeling na, madami kang kaibigan at sincere talaga sila. Never had this circle of friends before.
-----------
thanks for reading. <3
BINABASA MO ANG
Living In A Crazy World (on-going)
Roman pour AdolescentsProblems, sorrows and pains. They set it aside whenever their together. Livin' their crazy world is their finest thing in life. Cuz livin' in the world with these people is like planting a seed that you'll protect,for them to grow, for them to learn...