Chapter 28

17 0 0
                                    

(Shaila)

"Ma pasok na po ako sa school ha" tumango si mama, nag-aayos na kasi siya ng gamit ni mamu mamaya. Lumapit ako kay mamu

"mamu, I'll be back early. Intay niyo po ako ha." at nagbeso kaming dalawa.

"Talaga, hindi ka naman namin iiwan dahil alam mo na, may dadaanan pa kasi tayo before magpunta ng airport" Alam ko na kung saan..

"Sige po mamu.." at lumabas na ako ng bahay

sumakay ng tricycle

at bumaba sa tapat ng school.

"Manong ito po ang bayad" at iniabot ko na kay manong ang bayad

"Ah wag na ineng, may nagbayad na sa iyo"

"Huh? Manong may nakikita po ba kayo na hindi ko po nakikita?" grabe naman itong si manong oh. May third eye ata ito eh

"Hindi, ako ang nagbayad ng pamasahe mo" at lumabas si Kyle sa likod na upuan ni manong

"ABER ABER, at paano ka naman napapunta dyan?" tanong ko sa kanya. Agang-aga eh, pinapasmile mo ako....

este pinapa-init ang ulo ko..

"Eh nakita ko.. hayaan mo na, minsan lang naman." at lumakad na siya palayo.

Tingnan mo nga naman, hindi pa ako hinintay at talagang nauna..

"Oy, teka lang..."habol ko sa kanya

Pagkahabol ko sa kanya ay lumakad ako ng normal lang..

"oh akala ko inis ka sa akin.." hindi niya ako tinitingnan at sa daan lang siya nakatingin..

"E--"

"Oh ikaw pala yan.." isang kabarkada niya na pangalan ay Niko

"Akalain mo nga naman" si Gavin.

"Na-miss niyo agad ako?" tanong ni Kyle sa kanila. BROMANCE?! KA-DI-RI. Pero nakakatawa sila...sila ni Niko LANG

"Lul. Sabihin mo busy ka lang. Di ka namin napagkikita sa subdivision. Saan ka ba nagpupupunta?" tanong ni Gavin

"Kaya naman pala..." tumingin sa akin si Gavin. Bwisit talaga

"Hi Shaila" sabay wave sa akin nung Niko. Nag-smile ako at

"Hi sa iyo. Una na ako ha, may klase pa kasi ako." paalam ko sa kanila

"Sabay sabay na tayo tutal magkalapit naman tayo ng room." sabi ni Niko sabay siko sa tyan ni Kyle

"Ah, oo tara na?" alok ni Kyle, nag-nodd na lang ako

"alam mo Shaila, itong si Kyle magaling naman sadya ito sa math. Scholar pa nga ito. Bobo lang. Nangongopya pa ng assignment" Scholar tapos nangongopya? Baliw 'tong taong 'to!" si Niko nagkwento..

"Hindi ako scholar sabi eh" tanggi ni Kyle

"Hindi daw, sabihin mo sa tatay mong nagkakakape sa pwet ko" Ang loko talaga nitong si Gavin..

"Scholar ka nga?" seryosong tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya ng sobrang ngiti at tumango

"pakipot ka pa. Eh di parehas lang pala tayo. Apir" biro ko sa kanya, nakipag-apir nga.

"Oh tama na yan. Baka lumalim ang tinginan. Tara na pare at mabubulyawan na naman tayo ng maganda nating guro sa trigo" hinila na sa braso ni Niko si Kyle

"Oh Shaila, una na kami. Mamaya na lang ulit recess ha" paalam nila at ngumiti lang ako.

"Bakit kayo magkakasabay?"

Living In A Crazy World (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon