Chapter 23

38 0 0
                                    

Author: I think this maybe the awaited POV.

----------

(Kyle)

Hindi ko alam pero nung hinawakan ko yung kamay niya nang ilang beses iba ang naramdaman ko. Hindi ko maintindihan. Parang wala lang na meron. Nakakaloko.

"Pre, makinig ka naman. Para may tularan kami pag nag-quiz" pilit sa akin ni Niko.

"Tss" sabi ko. Ang hirap makinig pag ang prof. mo talaga ay hindi maganda magturo

"Pre dali na. Alam mo namang delikado kami dito sa subject nito"

At natuluyan na nga akong makinig. Mabait naman talaga ako sa mga kabarkada ko. Pag kailangan ko sila, tinutulungan naman nila ako. So gay..

Nang umalis ang utol ko sa school na dito. Gumaan yung pakiramdam ko. Magulo at nanggugulo yung utol ko. Hindi naman sa basagulero pero simula nung nawala yung babae na mahal naming parehas, eh nagloko na siya.

Sila kasi lagi ang magkakampi.

Siya lang ang kakampi ni utol pag napapagalitan siya ng mama at dad.

Ewan ko, pero parang wala akong kakampi sa mga kapatid ko.

Oo. Magkakapatid kami.

Pero malayo ang loob nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit.

"Pre, nakikinig ka ba? Kanina ka pa nakatulala." Pansin sa akin ni Niko.

"Pre, chillax. Man-chixs ka na lang gaya ko." yabang ni Gavin sa akin. 

Oo. Kabarkada ko ang hearthrob sa school. Si Gavin Lopez. Lapitin ng chix, at lapitin din ng gulo. Hanga nga ako sa tropa kong 'to kasi hindi naki-kick out sa mga kalokohan sa school na ito. May kinaiiyamutan siya. At sasabihin kong nakakuha siya ng katapat. Pero hindi pa niya nababanggit ang pangalan nung babae. Basta ang sinasabi niya sa amin si Ms. Computer daw.

Anong meron sa computer? Misteryoso din itong si Gavin eh.

GC. Yan minsan ang tawag namin sa kanya. Dahil sa naging ex niya. Pinagsama ang first name niya at first name nung ex niya. Pag nakakarinig siya na tinatawag siya ng ganyan. Natatahimik lang siya. 

G for Gavin and C for Catherine. 

"Hoy Gc, wag mo akong itulad sa iyo ha." asar ko sa kanya at natahimik siya

"Pre, wag mo sabihing 'di ka pa rin nakaka-move on?" gulat na gulat na tanong ni Niko. Binatukan ko nga

"Tang@ ka ba pre. Kita mo ako? Mamomove yang muhka mo pag di ka tumigil." batok ni Gavin kay Niko. Napatawa ako, mga kalokohan talaga nitong mga tropa ko.

"Mga pre, tara ikain niyo na lang yan... May mga ahas na ata sa tyan niyo pati mga utak niyo nilason na eh" natatawa kong sabi at binatukan ako

"Ano ba?!" 

Umakbay sila sa akin

"Basta libre mo, tara" hila hila nila ako papuuntang canteen

--- Canteen

 "Pre alam niyo ba.. Pinahiya ako ni Computer sa library nung isang beses. Pre, kung hindi lang talaga babae yun pagkakamalan ko yun na barako. Barako sa university na ito" tinap naman siya ni Niko

"Pare, muhkang nakahanap ka na ng katapat mo." Inis na inalis ni Gavin yung kamay ni Niko. Muhkang  talagang nakahanap na siya ng katapat.

"Pre... pre..." pangungulit ni Niko kay Gavin.

"Ano ba yun pare?" ako na lang ang sumagot

"Ito yung sinasabi ko sa inyo... Chix diba?" sino naman kaya yung babaeng un?

Living In A Crazy World (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon