After spending too much time at school, here am I again.
hope you enjoy guys! :)
--------------
"Tigilan mo ako Jiro ha. Sabing ayoko ngang maligo." Winiwisikan kasi ako ni Jiro, naliligo na silang lahat maliban sa akin. Nasa side pool lang. Nakalublob ang paa habang tinitingnan sipang mag-enjoy.
" Ang kj mo kasi, ikaw nga ang nag-imbita tapos 'di ka naman pala mags-swimming. What's the sense? " Eh nga kasi! Tsk, kung alam niyo lang.
Well, mamu knows and I guess she did tell mama about it. Kaya hindi na naimik si mama dahil baka lalo akong ma-badtrip.
At iniwan na ako ni Jiro kasi kalaro niya ng volleyball sina Sharyl.
Biglang may humawak ng balikat ko.
"Tama nga naman si Jiro, what's the sense of inviting him. kung ikaw mismo, di ka nags-swimming." At nag-smile si mama. I guess tama ngang i-enjoy ko ito kasi para kay mamu naman ito eh, not for me.
"Oy teka, sali ako" lumusong na ako sa tubig.
"Ayan, eh di kumpleto na tayo." Tuwang tuwang sabi ni Sharyl.
"Eh kasi hindi naman talaga ako kj." At ginulo ko ang buhok ni Jiro.
---------------
(Kyle)
Ano na kayang ginagawa nila?
Nag-eenjoy kaya sila?
Ay nako Kyle Ethan.
Kailan ka kaya lalabas sa lungga mo?
Ano ba itong nangyayari sa akin.
Ano ng balak mo ngayon umamin ka na sa sarili mo na gusto mo si Shaila? And why you so gay this time Kyle?!
----------
(Shaila)
"Oh" nilagyan niya ako ng kanin sa plato ko.
"Muhka ba akong baboy?" Tapos nag-pout ako. Grabe kasing kanin ang nilagay sa akin. Akala mo naman bibitayin na ako mamaya eh.
"Kasi naglaro tayo. Eh baka napagod ka so I was expecting na magugutom ka talaga" pero gutom na nga rin ako. Kain kung kain at lamon kung lamon. HAHAHA
"Ok thank you. Lagyan mo pa ito ng chicken. Tsaka ketchup. Tsaka yan yan yan" natawa siya.
"Hindi daw siya baboy oh" hinampas ko siya sa braso.
"Woah, baka tumapon yung pagkain ko oh. Sayang naman" at tumawa siya, luko-luko talaga itong si Jiro.
"Oh, kain lang kayo ha" sabi ni mamu. Muhkang nag-eenjoy din naman si mamu kahit papaano.
------------------
Hapon na at andito ako sa malapit sa dagat. Naglalakad lakad at nag-iisip isip
"Boo!" ..... "Ay tae ng palaka!" At tumawa ng tumawa si Jiro.
"Kanina pa ang lalim ng iniisip mo ah?" Sasabihin ko ba sa kanya?
"Wala. Nagpapahangin lang talaga ako. Problema naman daw agad?" At tumawa ako kunwari.
"Sus, eh hindi ka naman ganyan eh."
Tumingin ako sa kanya.
At pinagpatuloy niya yung sinasabi niya
"Kasi ikaw yung madaldal, makulit at walang drama sa buhay" Napa-isip ako dun ah
"Oy hindi kaya" at kinurit ko siya sa braso
"A-a-aray.. m-masa-kit" tawa ako ng tawa kasi yung itsura niya, pagkatanggal ko ng kamay ko tumakbo ako.
"Cry baby" tukso ko sa kanya.
"Humanda ka sa akin Shaila..." at naghabulan na kami.
"Gotcha" at tawa kami ng tawa
" bitiwan mo 'kong cry baby ka" at kinaliti niya ako sa bewang ko
"Ahahahaha..tama na jiro ahahahaha.." at muntik na akong mahulog buti't nasalo niya ako, sa beywang.
AWKWARD
"Tara na" ako na ang unang umalis sa pwesto naming super awkward.
-------------------------
Sabado na at uuwi na kami para iayos ang gamit ni mamu for her tomorrow's flight. Ang bilis ng araw, parang kahapon lang nung dumating si mamu at ngayon aalis na ulit siya.
"Wag ka na ma-sad superfriend" hug sa akin ni Sharyl at Riya.
"Buti na lang andyan kayo." At lalo ko pang hinigpitan ang hug sa kanila.
"Oh girls, tara na" tawag ni mama sa amin. Si Jiro ayun, taga-ayos ng mga gamit namin sa likod ng van. Ang hired boy namin :))
Pumunta ako sa likod ng van at sumandal.
"Oh kuya, ok na po ba yan lahat? Siguraduhin niyo lang po ha, kasi mahal ang binabayad namin sa ino" pigil pigil kong tawa.
Natawa din siya at
"Ok na po ma'am, everything is ready. Don't worry ma'am ayos na ayos na po ang lahat" at tumawa kaming parehas.
"Ikaw Jiro, san ka namin ihahatod? Kasi madadaanan daw namin yung subdivision nina Sharyl at Alex." Tiningnan ko siya
"Sige po, turo ko na lang po sa inyo mamaya kapag malapit na po tayo." At sasakay na sana ako ng van ng akbayan ako ni Jiro
"Minsan sa ganitong gathering wag mong sasayangin. Kasi baka ito pala yung moment na dapat ineenjoy na pinalampas mo lang." Ang drama huh?! Sinikmuraan ko nga pero mahina lang.
"Wag ka magdrama DADDY, okay lang po ang ANAK niyo" at sumakay ako ng natawa :))
Kyle is so funny...
wait....
Kyle? eh diba si Jiro ito?
Jiro pala. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko si Kyle eh.
Bakit kaya? Anong meron si Kyle bakit ako nagkakaganito?
---------------------------
Ano ba talagang meron si Kyle na wala si Jiro?
Comment below for your answers. :D
Thanks for reading and sorry for the short update. Akala niyo tapos na dun ano?
Marami pang dapat abangan. :D
BINABASA MO ANG
Living In A Crazy World (on-going)
Ficção AdolescenteProblems, sorrows and pains. They set it aside whenever their together. Livin' their crazy world is their finest thing in life. Cuz livin' in the world with these people is like planting a seed that you'll protect,for them to grow, for them to learn...