Chapter 32

11 0 0
                                    

(Shaila)

"Kay J..."

"Oh anak?! Andito na ako. Uuwi na ba tayo? Tapos na ako tumingin nakakain na nga din ako. Sorry hindi ko na kayo sinama ni Kyle. Kabagal niyo kasi maglakad ni Kyle eh"

So kami pa pala yung may kasalanan? 

"Eh...."

"Pero ok na. Ano? Tapos na ba kayo?" tanong ni mama. Tumingin ako kay Kyle, eh nakain pa kami

"Naku tita, kumain muna po kayo. Madami pa pong pagkain eh. Kain na po" Kaso umiling si mama

"Sige kain muna kayo, may titingnan lang ako dun. Muhkang may maganda dun. Just text me, ok?" then nag nodd ako. At umalis na si mama

Tapos binilisan niya yung pagkain niya

"Uy uy uy! Dahan dahan. Hindi naman tayo nagmamadali eh. Naaliw pa si mama sa paglilibot. Ok na yun. Itext na lang natin mamaya" tapos nagsmile ako then eventually ngumiti na din siya.

(Kyle)

Alam ko naman na si Jiro ang tinutukoy niya.

Eh sino pa ba diba. Dun kasi kami nakain. Nung si Ate ay buhay pa...

(Shaila)

"Hoy! Natulala ka na naman. Ano senti mode on?  Itigil tigil mo nga yan Kyle ha. Sumala sa akin eh ikaw. Muhkang nahawaan na kita. Pero malala yung sa iyo" tapos tumawa ako ng kaunti. Eh kasi naman. Super seryoso eh.

"Hoy magtigil ka dyan ha. Kumain ka na lang dyan. Dali!" Aba aba. At ako pa ang inutusan. Pero fine. Ok fine. Lamon na nga lang ang atupagin ko. Kasi ang foods ay ang only love ko.....

Chos! Kayo naman! Hahaha

Pagkatapos naming kumain nagtake out din siya.

"Para saan?" tanong ko sa kanya

"For mom and my dad and brother" then he smile. Grabe! Napaka-thoughtful niya and sweet. He's really is. Super. That's why like ko 'tong guy na 'to. I mean. Super bait kaya.... ay basta!

" And for you guys..." inabot niya yung isang paper bag

"Cake yan. Hindi ko pinatikim sa iyo yan. Kasi gusto ko si tita makatikim din" then he laugh a bit.

"Sura 'to. Pero ok lang. Salamat ha. Napakasweet mo eh nu. Sarap mong sikmuraan eh" sabay tawa ko

" Sya, akin na. " sabay bawi niya

"Hoy! Binigay mo na ito. Bawal mo ng bawiin 'to"  sabay kuha ko ulit nung cake. Sabay tawa niya. Eh kasi naman hindi na ako nahiya. Ay nako Shaila, mahiya ka naman minsan. HAHAHA

"Itext mo na si mama baka na-iinip na yun" baka nga. Tinawagan ko na

"Ma. Tapos na po kami.... ah, sige po. Dun na lang po? Sure po kayo? ..... sige po papunta na po kami." Ibinaba ko na.

"Ano sabi?" tanong ni Kyle

"Tara na daw sa parking lot. Papunta na daw dun si mama" Tapos yun. Naglakad na kami papunta sa parking lot.

Nang makarating na kami sa parking lot. Syempre sumakay na kami at bumyahe na kami...

Biglang nagsalita si mama

"Kyle, san ka namin ibaba para naman hindi ka na magbyahe." parang nagulat si Kyle. Hindi pa makasagot.

"Huy. Sagot sagot din pag may time" alog ko sa kanya

Living In A Crazy World (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon