Chapter 29

15 1 1
                                    

(Shaila)

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa mga sinabi ni Sharyl.

Ngayon ko lang siya narinig na super seryoso.

Yun na ang pinakaseryoso na sinabi niya ever simula nung nagkakilala kami.

Pero tunay naman yung sinabi niya sa amin ni Riya, ano pa't magkakaibigan kami kung magtataguan din naman pala kami ng sikreto.

"Ok ka lang Riya?" sabay kasi kami umuwi kasi nagpaiwan pa si Sharyl may kailangan ayusin.

Hindi na ako napunta sa library kasi inaayos pa nila ulit kung saan ulit ako mapapalagay. Ang kulit ko daw kasi sa library. Naisu,bong na siguro ako nung librarian sa office.

"Oo naman. Ako pa?!" at ngumiti si Riya

"Shaila..." tumingin ako sa kanya

"Minsan kailangan ng tao na hindi sabihin lahat kasi iniisip niya lang naman ang mga taong maapektuhan" napa-isip ako dun ah

"hindi ko alam Riya" at ngumiti ako at hinug siya

"Kung ano pa yan Riya, maayos din yan." at lalo pa akong hinug ni Riya

"tara na nga. Naka-drama mode on ata ako ngayon eh" napatawa kaming dalawa

"Nga pala, ngayon ang alis ni mamu Gusto mo sumama? Si Sharyl kasi pagkatapos niya sa school pupunta yun sa bahay para magpaalam. Ikaw?" tanong ko sa kanya

"Sige. Punta muna tayo sa amin. Kukunin ko yung binili ko para kay mamu"

"Wow! Nag-abala ka pa talaga."

"Naku, wala yun. Napamahal na naman si mamu sa akin. No biggy" at pumunta na kami sa bahay nila

"Ito bahay niyo?" tanong ko sa kanya, nagnod siya

American style kasi tsaka white and light blue ang kulay. Ang sarap sa mata.

"Pasok ka." yaya niya sa akin.

"Hindi dito na lang ako baka andyan ang mommy at daddy mo nakakahiya" sabi ko pero ang gusto ko talaga ay pumasok kasi muhkang maganda sa loob.

"Hindi yan." At hinila niya ako

"Wa-"

"Oh Riya, where have you been?" mommy niya siguro. Maganda, kamuhka niya, garbo manamit, parang laging may handaan sa kanila eh at naka-ayos. Kaya siguro maganda din si Riya. Feminine na feminine eh.

"School and we're heading to their house. Got to drop by. Mamu, the one I'm telling you po." Nag nod ang mommy niya

"She's leaving and I'll bring the gift we bought" at nag-smile yung mom niya

"Ito ba si Shaila?" nagnod siyp Riya

"Nice meeting you iha." at nagbeso beso kami

"good afternoon po tita"

"Riya and I talk about you all the time and that... Sharyl your another superfriend" and she laugh

napakamot na lang si Riya

"mom" at tumawa na lang yung mom niya

"ok, better get going..." at umalis na kami

Pagpasok namin...

"kwarto mo ito?" manghang-mangha talaga ako sa pagpasok ko pa lang ng bahay nila. Kasi Classy American Style. Diba? Sinong hindi mamangha sa ganung klaseng bahay.

then she nodd

"Grabe itong kwarto mo. Andaming books. Girl na girl ka 'teh" biro ko sa kanya

"Hindi naman"

Living In A Crazy World (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon