CHAPTER 2:

6.1K 96 1
                                    

Kinakabahang napahawak si Dilyn sa kanyang dibdib.

"Cj..."

Tanging nasambit ni Dilyn.

"Dito ka lang at titignan ko,"

"Wag, pakiusap dito ka lang," natatakot na pag pigil ni Dilyn kay Cj.

"Don't worry nandiyan lang sila bayaw sa likuran natin oh!" ani Cj at tumingin pa sa likurang bahagi.

Bumama si Algun at Jocelyn sa kotseng sakay at tinignan kung ano ang nangyari.

Bumaba na rin si Cj.

Kinatok ni Algun ang bintana ng sasakyan na bigla na lang huminto.

"Brod may problema ba?" tanung ni Algun.

Lumapit din si Cj sa kanila.

"Pasensya na po, bigla na lang huminto itong sasakyan ko, hindi ko na ma i start!" sagot ng lalaki na nakatingin kay Cj.

"Ah ganun ba?, tutulungan ka naming itulak ang sasakyan mo upamg mailagay sa gilid ng kalsada para hindi nakaharang aa daanan at tumawag ka ng tutulong sa iyo upang maidala sa talyer!" ani Algun.

Pinag tulungan nga nilang itinulak ang sasakyan ng lalaki.

Nakahinga naman ng maluwag si Dilyn na hindi naman pala mapanganib.

"Oh anu okay ka na ba see wala namang masamang nangyari sa akin!" ani Cj at ginagap ang kamay ni Dilyn.

Napangiti si Cj at napatitig kay Dilyn.

"Ilyn, mahal kita!" madamsaming pag tatapat ni Cj.

"Siguro naman hindi iyon lingid sa kaalaman mo, mahal kita, mahal kita!" ani Cj.

"Pero Cj kwan kasi..."

"ssshhhh... Naiintindihan ko,.hindi ako nag mamadali na malaman ang sagot mo, dahil batid ko kung ano ang nilalaman ng puso mo!" kumpiyansang sagot ni Cj at hinalikan pa ang kamay ni Dilyn.

Natanggal naman ang pag aalinlangan ni Dilyn.

Kaya tinugon niya ng matamis na ngiti ang sinabi ng binata.

"Salamat Cj, sana nga lang kahit anung mangyari or kung halimbawang nakagawa oh may magawa akong kasalanan hindi mo ako kamuhian, wag sanang mag bago ang pag tingin mo sa akin!" ani Dilyn.

Napakunot ang nuo ni Cj sa sinabi ni Dilyn.

"Basta nasa tabi lang kita ay sapat na iyon sa akin," tugon naman ni Cj at pinaarangkada na ang sasakyan.

Nang makarating sila sa Hacienda, sinalubong sila nila Alrea.

"Ate Dilun mukha kang inlove!" tudyo ni Alrea.

"Naku lubayan mo nga ako!" nahihiyang awat ni Dilyn kay Alreah dahil nahihiya siya kina Rapaela na nanduon.

Kalong naman ni Rafael ang anak nila ni Nessah, kinuha naman ni Jocelyn ang anak sa yaya nito at binuhat din.

"Naman nag paparamihan ba kayo ng mga anak dito?" sabat nanaman ni Alrea.

"Ikaw talagang bata ka, pag ikaw nag kaanak baka sunod sunod rin, hindi ka ba natutuwa at marami ka ng pinsan!" sabi naman ni Aj.

"Siyempre natutuwa, parang kaylan lang ako ang paboritong pamangkin ng lahat ngayon may mga pinsan na rin ako!" ani Alrea na biglang nalungkot.

"Hey, what a long face? Siyempre hindi mag babago ikaw pa rin ang star sa lahat ng mga pamangkin namin!" pakunswelo naman ni Randy na ikinatawa ng lahat.

"Ehemmm, mukhang susunod nanaman ang isa sa mga binata ko, aba wag na ninyong patagalin iyan, ng makahabol!" sabat naman ni Mang Mariano.

Pulang pula naman si Dilyn sa sinabing iyon ng ama ni Cj.

Nuon lamang niya napansin na hawak nanaman ni Cj ang kanyang kamay.

"Bayaw kaylan ba ang long table?" tanung ni Algun.

"Hindi pa ako sinasagot bayaw, pag sinagot na ako pakasalan ko na kaagad!" tumatawang tugon ni Cj sabay kindat kay Dilyn.

inirapan lang ni Dilyn si Cj na pigil ang pag ngiti.

"Tama na ang kwentuhan mag sikain muna kayo!" utos ni Carina ang mama nila Cj.

"Sandali lang ha, kukunin ko ang phone ko na naka charge para mag selfie tayo!" ani Cj kay Dilyn.

Lumapit naman kaagad si Arbie kay Dilyn ng makalayo si Cj.

"Naks naman mare, talagang binabakuran ka na ni bayaw ah!" tudyo ni Arbie.

"Wag lang maingay!" kinikilig na sita ni Dilyn.

"Anu sinagot mo na ba?" pangungulit ni Arbie.

"Hindi pa, pero malapit na!" sagot ni Dilyn na may kasamang matamis na ngiti.

CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee RhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon