Nag kakasayahan na nag sipag uwian ang pamilya Alarcon.
Tawa ng tawa si Aj dahil hindi rin pala nakatiis si Cj at itinakas din si Dilyn.
"Hanep wala na talaga ako ako masabi sa inyo sa sobrang bilis, mga kabataan talaga ngayon!" ani Don Mariano na napapailing na lamang.
"Dad, kanino pa ba kasi kami mag mamana, si tito ganun din at lalo ka naman na, kunwari ka pa pero idinaan mo rin sa santong paspasan si mom!" sagot ni Aj sa ama.
Kinurot naman ni Arboe sa tagiliran si Aj.
"Aray may langgam na kumagat," anito ng kurutin ng asawa.
"Langgam ka diyan, anu gusto ito?" ani Arbie na iniamba ang kamao.
"Oh siya mag sitigil na kayo, napagod ako mag hapon at gusto ko ng mag pahinga!" ani Don Mariano.
Sumapit ang dapit hapon, tatlong sasakyan ang nag tungo sa Hacienda. Papasok sana ang mga ito ngunit hinarang ng guard.
"Sino po kayo? At anung kailangan ninyo sa loob?" tanung ng guard.
Pasimple namang ipinakita ng isa sa mga tauhan ang baril nito.
Biglang napalunok ang guard ngunit hindi nag pasindak.
"Kailangan ko makausap ang nag ngangalang Cj Alarcon." sagot ni Gustavo.
"Sandali po at tatawagan ko muna kung nasa loob!" sagot ng guard.
Tumawag ang guard sa Mansyon at si Jocelyn ang nakasagot.
Dahil sa hindi naman sinabi ng guard na mga armado ang mga lalaki ay pinayagan ni Jocelyn na makapasok ang mga ito sa loob.
Nag bibiruan si Algun at Jocelyn ng huminto sa kanila ang unang sasakyan.
At dahil mahangin ng mga sandaling iyon nakita ni Jo na may mga kargada ang mga kalalakihan at ibinulong nito kay Algun.
"Papasukin mo muna ang mga bata, at isara ang mga pinto, kuhanin mo rin yong kargada ko sa loob at mag suot ka ng jacket!" utos ni Algun.
Agad namang tumalima si Jo. Hindi siya nag pakita ng pag papanik dahil baka matakot ang mga naroon, matapos niyang masiguro na hindi lalabas ang mga tao sa bahay ay isinara pa niya ang pintuan.
Tulad ng bilin ni Algun nag suot ng jacket si Jo at may dala ng kargada sa loob niyon.
"Sinu kayo at anung kailangan ninyo?" malumanay na tanung ni Algun.
Dahan dahan namang lumapit si Jo sa asawa at yumakap sa likuran ni Algun,at pasimpleng isinoksok ang baril sa likuran ng asawa.
"Ilabas ninyo si Dilyn Elmo," utos mg lalaki.
"At sinu ka para itusan kami na ilabas ang hipag ko? Wala sila nag tungo sila sa kanilang honeymoon!" ani Jo.
Pasimpleng binilang ni Jo kung ilan ang mga kalalakihan at nahihinuha niyang dose ang mga ito.
Kung lahat ang mga iyun ay may kargada kailangan nilang maging handa ni Algun.
"Hindi ako naniniwala, ilabas ninyo siya kung ayaw ninyong may dumanak ng dugo dito!" galit na sigaw ni Gustavo.
"Wag mo kaming takutin dahil hindi kami natatakot, sinabi ng wala sila dito ng kapatid ko hindi ka naniniwala, sino ka ba?" ani Jo na pilit nag papakahinahon.
Tahimik lang si Algun pinag aaralan ang maaaring ikilos ng mga kalalakihan...
----
"Asawa ko uwi na tayo!" ani Cj kay Dilyn na nakayapos.

BINABASA MO ANG
CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee Rhy
RomanceTeaser "Ang problema ay hindi tinatakasan oh tinatakbuhan, ito ay hinaharap upang masolusyunan" Si Dilyn Elmo, ay naninilbihan sa pamilya Alarcon bilang yaya ng kambal na anak nila Ella at Daniel Gregorio. Maganda, mabait at laging masayahin, at nak...