CHAPTER 12:

4.2K 89 0
                                    

"Makiki kwarto lang ako dahil natatakot ako sa huni ng mga hayop sa paligid, pero hindi ako mskikitabi sa iyo!" ingos ni Dilyn.

Napangiti na lamang si Cj ng alanganin.

Niluwangan nito ang pag kakabukas ng pinto, inilatag naman ni Dilyn sa sahig ang dala niyang kumot at nahiga na.

"Anu pa hinihintay mo diyan bakit nakatayo ka pa sa tabi ng pintuan?" ani Dilyn sa asawa.

"Sa kama ka na lang matulog ako na lang sa sahig!" ani Cj at isinara ang pinto.

"No thanks, okay na ako dito baka kasi maging utang na loob ko pa iyun sa iyo!" sagot ni Dilyn.

"Malamig ang sahig baka sikmurain ka, dito ka na lang sa kama!" giit ni Cj.

Hindi kumibo si Dilyn pagkat antok na antok na talaga siya.
Kung bubuhatin siya ng asawa hindi siya tututol. Nakabusangit na ipinikit niya ang mata dahil wala yatang balak si Cj na buhatin siya at ilipat sa kama kaya tuluyan na niyang ipinikit ang mga mata.
Nang makasigurado si Cj na tulog na ang asawa, binuhat niya ito sa kama at kinumutan.

"Hindi mo.man ako mapatawad ngayon gagawin ko ang lahat manatili ka lang sa tabi ko!" bulong ni Cj kay Dilyn saka tumabi ng natulog sa asawang pakipot, at niyakap ito ng buong puso.

-----

"Gaganti ako, lalong lalo na sa inyo mga Alarcon!" sigaw ni Gustavo.

"Boss paano nangyari yun na hindi ka ang asawa?" inosenteng tanung ng tauhan ni Gustavo.

"Ang walang hiyang Judge Martinez na iyon, babalikan ko siya, matapos kong mag hinganti sa mga Alarcon at mapatay ang Cj at Dilyn na yun!" ani Gustavo na mababakas ang poot.

-----

"Ernesto, siguro panahon na para mag bago ka, hindi Robot ang anak natin, hindi sa lahat ng pag kakataon ay kaya mo siyang manduhan lalo na kung puso na ang pinag uusapan," panimulang sabi ng Donya na nag babantay sa sawa na nasa hospital. Nanatili.muna ito ng ilang araw duon dahil sa pag katama ng bala sa kanyang balikat.

"Nanahimik ka,.alam ko ang ginagawa ko para sa anak natin!" galit na sagot ng Don.

"Ganyan ka naman lagi, akala mo alam mo ang lahat, sabagay may kasabihan nga na ANG SALITA NG HARI KAYLAN MAN HINDI MABABALI, ganyan ka Ernesto,akala mo sa sarili mo Hari ka at kami mga tau tauhan mo!" lumuluha ng sumbat ng donya.

"Sinusumbatan mo na ba ako ngayon ha? Iyan na ba ang naimpluwensyahan sa iyo ng anak mo? Tama ka ako ang Hari sa tahanan natin kays ako.lang ang dapat masunod!" galit na sagot ng Don.

-----

Pag gising ni Dilyn ng madaling araw.

Naramdaman niyang may mabigat na nakapalupot sa kanyang baywang, iminulat niya ang kanyang mga mata ng makita ang kanyang asawa na nakayakap sa kanya at ganoon din siya.

Napangiti siya at isiniksik pa ang sarili kay Cj at ipinikit muli ang mga mata.

Naramdaman naman ni Cj ang kanyang pag gising, lalo namang hinapit nito ng yakap ang asawa.

"Hmmmp, I love you asawa ko!" bulong ni Cj na may ngiti sa labi na naka pikit.

Nagukat naman si Dilyn ng biglang mag salita si Cj.

Patay,paano na ang pag papanggap niya!
Mabilis na gumana ang kanyang isip.

Malakas niyang itinulak si Cj, hindi pa siya nasiyahan inihulog pa niya sa kama.

"Paanong mag katabi tayo ha? Bakit napunta ako sa kama mo at sarap na sarap ka naman sa pag yakap sa akin?" galit kunwaring tanung ni Dilyn.

Sapo sapo ang balakang na tumayo si Cj.

"Ako na nga itong nag mamalasakit ako pa rin ang masasaktan at masama, binuhat kita dito sa kama dahil ayaw ko na sa sahig ka matulog, ayaw ko na pasukin ng lamig yang katawan mo upang maging sanhi ng sakit, kung tatanungin mo naman kung bakit yakap yakap kita marami akong sagot para diyan, dahil gusto ko, dahil sabik na sabik na ako sa iyo, dahil gusto kitang madama at masabing nasa piling ko na ang asawa ko at hindi na kami mag kakahiwalay pa, niyakap kita dahil mahal kita at ayaw ko na mawala ka pa," naluluhang sagot ni Cj na hinihilot ang balakang.

Kinikilig naman si Dilyn at the same time biglang naawa sa asawa.

Nilapitan niya ito.

"Masakit ba? Sorry!" ani Dilyn na napakagat labi.

Bigla na lamang napaluha si Cj at kinabig ang asawa at niyakap ng buong higpit.

"Please patawarin mo na ako, hindi ko.kaya na galit ka sa akin!" nag susumamong pakiusap ni Cj sa asawa.

Lumuluha rin si Dilyn na tumugon sa yakap ni Cj.

Inilayo bahagya ni Cj si Dilyn at tinitigan.

"Hindi ka na galit sa akin asawa ko?"

"Hmmmp, konti na lang!" sagot ni Dilyn.

Tila naman nawala ang pananakit ng balakang ni Cj dahil niyakap niyang muli ang asawa at nag patibuwal sila sa kama kasabay ng malutong na halakhak.

Kapag daka'y nahinto si Cj sa pag tawa ng matitigan nito ang labi ng asawa.
Napapalunok naman si Dilyn at pumukit upang namnamin ang haluk na igagawsd ni Cj sa kanya.

Hinalikan ng buong puso ni Cj ang asawa, na tinugon naman ng isa. Biglang napahinto si Cj at tinitigan ang mata ni Dilyn.

Isang tango naman ang tugon nito na isa lang ang ibig sabihin.

Kaya excited si Cj na hinalikan ng mapusok na halik ang asawang si Dilyn.
Maging si Dilyn ay excited sa mangyayari na igagawad ng asawa.

Dahan dahan itinataas ni Cj ang blouse ng asawa ng...

CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee RhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon