CHAPTER 14:

4.3K 82 0
                                    

Nag tatakbo si Cj, ng kumapit ang tuko sa kanya.

Tawa nang tawa si Jo sa 'di kalayuan habang pinapanood ang dalawa.

Hindi naman malaman ni Dilyn ang gagawin sa pag kataranta.

"So-sorry asawa ko, akala ko ihahagis ko sayo na sabi mo, takot ka pala d'yan?" ani Dilyn.

Nanguha ito ng patpat at pilit na inaalis ang tuko na kumapit sa dibdib ni Cj.

Namumutla na si Cj sa takot.

"Wag kang talon nang talon para maalis," ani Dilyn na nahihirapang alisin gamit ang patpat dahil ang dulo lang nito ang hinahawakan at medyo may distansya din sa asawa sa takot na sa kanya tumalon ang tuko.

Hindi nakatiis si Algun at napag disisyunan na tulungan ang bayaw, pinag sawa muna niya ang sarili sa panonood habang kinukuhanan ito ng video.

"Ako na ang mag aalis!" ani Algun.

Dala nito ang posporo at nag dingas muna ng apoy. Nanlalambot na si Cj at halos panawan ng ulirat sa takot.

Nang mag baga ang patpat inilapit nito iyun sa tuko at tumalon na ang tuko palayo ng ito ay mapaso.

Inabutan naman ng isang basong tubig ni Jo ang kapatid kahit papaano naawa rin ito.

"Teka, paano napunta ang tuko sa tubig? Saan mo ba inilagay ang pain mo? I mean saan mo inpwesto?" tanung ni Jo kay Dilyn.

"Doon oh sa nakahigang puno ng niyog, " sagot ni Dilyn.

Tinignan naman ni Jo at Algun ang itinuro ni Dilyn.

Nag katinginan ang dalawa at sabay napahagalpak ng tawa.

"Eh kaya naman pala, eh wala namang tubig dito, hindi ito naabot ng tubig dagat dahil nakaharang ang ilan pang patay na puno ng niyog na nakahiga." paliwanag ni Algun.

Napatingin si Dilyn kay Cj at ngumiti ng alanganin.

"Sorry asawa ko hindi ko sinasadya!" ani Dilyn na nilapitan ang asawa at niyakap.

"Papatayin mo pala ako asawa ko, konti na lang maiihi na ako!" seryosong sagot ni Cj na ngayon ay nag kakaroon na ng kulay.

"Sorry na nga!" lambing ni Dilyn.

"Basta may parusa ka sa akin!" bulong ni Cj.

"Uy Cj asan na yung palaka ko?" tanung ni Jo ng maalalang tinolang palaka ang gusto.

"Ito ang paminwit, ayan si bayaw ang pag hulihin mo!" ani Cj at ipinasa ang paminwit kay Jo at saka hinawakan ang kamay ng asawang si Dilyn at saka kumaripas ng takbo.

Wala ng nagawa pa si Jo, kaya kay Algun nabaling ang atensyon.

"Oh ito paminwit, gusto ko talaga hon ng palaka at si Cj na lang ang pag lulutuin ko!" ani Jo.

Napapakamot sa ulo si Algun na sumunod sa asawa.

Sa mag hapong pamiminwit ni Algun isang palaka lang ang nahuli.

"Hon sige okay na iyan, halika na at ipapaluto ko kay Cj!" aya ni Jo sa asawa.

Napangiti si Algun ligtas na siya sa pag kakatay ng palaka.

---

"Asawa ko i lock mo yung pinto para hindi makapasok si ate Jo," naniniguradong utos ni Cj sa asawa saka nag talukbong ng kumot.

Kasarapan ng kalaladyaan nilang mag asawa ng may kumatok sa pinto.

"Cj, ito na yong palaka ko oh, paki luto naman oh, alam ko namang masarap ka mag luto kaya sige na oh, alam ko naman na hindi mo ako matitiis eh, bahala ka pag pumangit pamangkin mo ikaw may kasalanan!" pangongonsensya ni Jo.

"Asawa ko, takpan mo yung tenga ko!" nakangisi g utos ni Cj kay Dilyn.

"Asawa ko kahit takpan mo maririnig mo parin, sige na iluto mo na yun palaka!" bungisngis na utos nito.

"A-y-a-w ko," sagot ni Cj.

"Cj, sige na alam ko naririnig mo ako, sige ka baka gusto mong sabihin ko kay Dilyn yung mga pinag gagagawa mo noong wala siya?" banta ni Jo.

Napangunot noo si Dilyn.

"Anu ang ginawa mo noon asawa ko noong wala ako?" tanong ni Dilyn.

Pinag pawisan naman si Cj na malagkit.

"Kwan kasi, muntik na akong maligaw ng landas, halika na labas na nga tayo." ani Cj sa takot na baka isiwalat nga lahat ng kapatid ang pinag gagagawa niya noon.

"Ayan na, asan na yung palaka?" tanung ni Cj.

"Taraaan!" ani Jo at hawak hawak ang paa ng palaka.

"Iisa ipapaluto mo?" hindi makapaniwalang tanung ni Cj.

"Oo gusto ko tinola, damihan mo ng sabaw ha!" utos ni Jo.

Napapalatak na lang si Cj, iniisip niya paano kaya pag si Dilyn na ang nag lihi?
------
."Asawa ko, pag nag buntis ba ako susundin mo rin lahat ng gusto ko?" tanong ni Dilyn kay Cj na ngayon ay nag hihiwa na ng papaya.

Gusto ng mapahagalpak ng tawa ni Dilyn dahil iisang palaka isang timba na yata ang ipansasabaw ni Cj at sa napakalaking kaserola iluluto.

Nakangisi si Cj na bumaling sa kanya.

"Oo naman asawa ko basta ikaw lahat ng naisin at ipagawa mo sa akin susundin ko!" sagot ni Cj.

"Sige asawa ko tatandaan ko yan, nga pala bakit isang timba na yata iyang isasabaw mo eh iisang palaka lang at yang papaya wagas," tumatawang tanong ni Dilyn.

"Ssshhh! Asawa ko wag kang maingay, palalanguyin natin yong palaka, bahala naman na si Bayaw sisirin kung nasaan yung nag iisang palaka para sa asawa niya, ang lagay ba eh ako lang ang nag hihirap sa pag lilihi ni ate?" pilyong ngisi ni Cj.

Tawa nang tawa si Dilyn.

"Eh ako asawa ko, gagawin mo ba sa akin iyan?" panunubok ni Dilyn.

"Aba hindi mahal ko, kahit mahirapan ako okay lang para naman iyon sa iyo eh," sagot ni Cj sabay kindat.

Matapos mailuto ni Cj ang palaka na may isang timba na sabaw tumalilis na sila ni Dilyn nag tago sa underground at isinara ang pinto.

Nakaramdam naman ng pagkagutom si Jo kaya excited na nag tungo sa kusina.

Kinapa niya ang mga katamtamang laki ng mga kaserola ay hindi mainit, napangunot noo siya ng makita ang pinakamalaking lutuan, hinipo nito iyon at napangiti ng maramdamang mainit.

"Hmmmp, lokong Cj na iyun gusto pa akong asarin at dito sa pinakamalaking kaserola iniluto." ani Jo sa sarili.

Ngunit nawala ang ngiti niya ng buksan ito at makitang halos mapuno ng sabaw ang malaking kaserola.

Nanguha siya ng sandok at hinanap ang kanyang palaka. Ngunit puro papaya naman ang kanyang nakikita.

Halos umusok ang bunbunan ni Jo sa inis sa kapatid.

"Cjjjjjj..." sigaw ni Jo.

Humahagalpak naman ng tawa si Cj na nakarinig ng pangalan niya, tawang walang sound ang ginawa niya baka marinig pa ng kanyang ate malakas pa naman ang pakiramdam ni Jo.

Nabatukan ni Dilyn ng wala sa oras ang asawa, noon lamang niya napag tanto na sobra ito sa pilyo.

"Araay naman asawa ko!" daing ni Cj.

"Eh paano ikaw napaka pilyo mo!" nangingiting sabi nito.

"Ganoon pilyo ako?" tanung ni Cj at biglang niyapos ang asawa.

Sa bigla ni Dilyn ay napatili siya ngunit agad namang sinelyuhan ni Cj at bibig nito.

Nakipag laban naman si Dilyn sa kapusukan ng asawa.

Binuhat ni Cj si Dilyn sa kamang naroon at dinaganan, kasabay ng pag halik nanaman nito sa asawa.

Nag uumpisa ng mag init ang mag asawa, at akmang huhubarin na ni Cj ang kanyang pantalon ng bumukas ang pinto

CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee RhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon