CHAPTER 4:

4.4K 89 0
                                    

Nag titili si Dilyn sa ginawa ni Cj.

Tawa naman ng tawa si Cj.

"Lumayo ka sa akin yuck, ang baho mo may tae ka pa sa ulo!" ani Dilyn kay Cj.

"Hahaha! Dito ka lang sisisid ako para mahugasan ko ang buhok ko!" ani Cj at sumisid nga.

Ngunit tila dumikit na duon ang ipot ng ibon kaya naka busangot na lumapit kay Dilyn.

"Samahan mo naman ako, sabunin ko itong buhok ko, yuck!" ika rin ni Cj.

Napahagalpak nanaman ng tawa si Dilyn sa nakitang reaksyon ng mukha ni Cj.

"Teka, tanggalin mo na nga iyang suot mong polo, kay kanda ng katawan mo ikinahihiya mo, ako lang naman ang kasama mo, saka wag ka ng mahiya sa akin, grasshopper day mapapasakin din yan!" tudyo ni Cj na bumalik nanaman ang kapilyuhan.

"Ikaw talaga bastos,saka anung grasshopper day?" ani Dilyn.

"In english ko lang yong BALANG at ARAW hindi mo na alam!" nakangising sagot ni Cj.

"Puro ka kalokohan hindi kita sasamahan, mag dusa ka sa amoy, hindi pa kita sinasagot ano yang sinasabi mong balang araw mapapasa iyo ako?" ingos ni Dilyn na nag susungit kunwari kay Cj.

"Sige mamaya na kita kukulitin, samahan mo na ako, I cant stand the smell, please!" pakiusap ni Cj.

Natatawa si Dilyn na inabot ang kamay ni Cj paahon ng pool.

Nang makakita ng gripo sila Cj at Dilyn nilagyan kaagad ni Cj ng shampoo ang buhok at kinuskos.

Tawa naman ng tawa si Dilyn hindi niya mapigilan ang sarili kaya napapahagalpak siya ng tawa.

"Sige tumawa ka diyan, tignan ko lang kung makatawa ka pa mamaya," pilyong sabi ni Cj ng matapos banlawan ang buhok.

"Lyn dito na lang tayo sa nakahiwalay na pool para solo natin," ani Cj dahil may pool duon na talagang malalim para lamang sa magagalung sumisid sa mga nobya este magagaling lumangoy.

"Ha! Hindi ako marunong lumangoy eh," kaila ni Dilyn.

"Asus, bakit kanina nakalangoy ka, saka sige na para maalis mo na iyang polo ng suot mo!" hirit ni Cj.

Pinag bigyan na ni Dilyn ang kagustuhan ng binata, hinubad nito ang polo saka tumalon ng pool.

Napatulala si Cj, kung kanina napa nga nga siya ngayon gusto na ring tumulo ang laway sa ganda ar kaseksihan ni Dilyn.

"Hoy Mr. ALARCON namaligno ka na yata, oh iyan ang side effect ng tae ng ibon?" tudyo ni Dilyn na nakapag pabalik sa ulirat ni Cj.

Dahil sa sinabing iyon ni Dilyn nakaisip ng kapilyuhan si Cj.

" Ganun pala ha? Humanda ka!" banta ni Cj kay Dilyn.

"Okay, yon ay kung makakahabol ka!" sagot ni Dilyn.

Ang hindi alam ni Cj isang magaling na manlalangoy si Dilyn na nailalaban pa sa Olympic.

Hinihingal na si Cj ngunit hindi niya maabutan si Dilyn.

"Sirena ka ba? Bakit ang bilis mo?"

"Tao ako hindi sirena," ani Dilyn na nangingiti kay Cj.

"Habulin mo ako Cj,wala ka pala eh?" kantiyaw ni Dilyn.

"Pag nahawakan kita, tayo na?" hamon ni Cj.

"Sige kung mahahawakan mo ako?" sagot naman ni Dilyn.

"Sinabi mo yan ha wala ng bawian?"

Nag isip mg taktika si Cj kung paano niya mahahawakan si Dilyn, dahil aminado siyang pag dating sa pag langoy ay talo siya dito kaya malabo na matalo nga niya.

"Araayyy! Sumasakit ang binti ko!" biglang daing ni Cj na halos hindi na maipinta ang mukha.

Natigilan naman si Dilyn at tunignan si Cj.

Bigla siyang kinabahan at dagli dagli itong nilapitan.

"Cj okay ka lang?" nag aalalang tanung ni Dilyn.

"Araayyy..."

Hinawakan ni Dilyn si Cj at aktong hihilain ito upang iahon ng pigilan siya ni Cj sabay yapos.

"Got you! Panu ba yan girlfriend na kita?" nakangising sabi ni Cj.

"Hindi,kasi mandaraya ka, pinakaba mo ako!" naiinis na sagot ni Dilyn.

"Kinabahan ka? Natakot ka ba?" ika parin ni Cj habang yapos si Dilyn.

"Oo naman eh kung bigla ka na lang mangisay dito eh kargo de konsensya ko pa?" pag tataray ni Dilyn.

"Sigurado ka bang iyan lang ang dahilan?" pang huhuli ni Cj at iniharap niya si Dilyn sa kanya.

"Oo!" umiiwas na sagot ng isa.

"Talaga lang ha? Eh kung halikan kita ng kalahating oras ng hindi binibitawan umamin ka kaya?"

"Hano? Kalahating oras? Hindi mo na ako pahihingahin?"

"Umamin kana kasi, mahal mo rin ako?" ani Cj at unti unti ng inilalapit ang mukha sa mukha ni Dilyn.

Napaisip naman si Dilyn kaya kaya nila ang kalahating oras na halikan?

"Dilyn I love you so much!" ani Cj.

At dahan dahang idinadampi ni Cj ang labi sa labi ni Dilyn na tila nananantiya.

"I love you too!" wala sa loob na sabi ng isa, dahil iyon naman talaga ang nararamdaman niya.

Iyon ang naging hudyat ni Cj upang halikan ng malalim si Dilyn.

Kapag daka'y.

"Handa ka na ba sa kalahating oras na halik ng walang bitawan mahal ko?" tanung ni Cj.

Bapapalunok naman si Dilyn, kaya kaya nila?

CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee RhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon