CHAPTER 15:

4.2K 95 0
                                    

Biglang inayus ni Cj ang pantalon ng makita ang kanyang ate na madilim ang mukha.

Hawak nito ang bugkos ng susi na ikinaway pa sa kanya dahil nabasa nito kung ano ang nasa isipan ng kapatid.

"Minsan na nga lang ako mag lambing sa iyo, dahil nag lilihi ako hindi mo pa ako napag bigyan, anu na lang ba yung sundin mo kahit iyon lang dahil ayun ang gusto kong kainin dahil doon ako natatakam, pero anu ang ginawa mo? Sinabi ko na lagyan mo ng madaming sabaw, hindi isang drum!" sigaw ni Jo na may kasamang pag luha dahil sa sobrang inis sa kapatid at sama ng loob.

Napalunok naman di Cj, sa pag kakataong ito seryoso nga si Jo.

"Sorry!" tanging nasabi ni Cj dahil nakaramdam ng guilt.

"Ano pa ang nagagawa ng sorry mo, wala na!" hiyaw ni Jo.

Lumapit naman si Algun at niyakap ang asawa upang pag lubagin ang loob.

"Isa ka pa!" ani Jo kay Algun at itinulak ito.

Tumakbo si Jo palabas, nagkatinginan naman si Algun at Cj.

Napakagat labi naman si Dilyn.

"Puntahan ko muna si Jo!' ani Algun kay Cj.

Wala naman sa loob na naupo si Cj sa kama.

"Halla ayan, nagkasala ka tuloy, alam mo naman kasing nag lilihi puro ka kasi kalokohan!" ani Dilyn kay Cj.

"Ano ang gagawin ko para makabawi?" hopeless na tanong ni Cj.

"Mag liwliw ka na lang ulit!" ani Dilyn kay Cj na niyakap ito ng patalikod.

"Ayaw ko na, baka mamaya tuko nanaman ang maliwliw ko!" maktol ni Cj.

"Bahala ka gusto mo bang tuluyan ng mag tampo si Ate Jo?" pangongonsensya ni Dilyn.

Napabuntong hininga na lamang si Cj. Anu pa nga ba ang magagawa niya kundi ang sundin ang asawa isa pa nakokonsensya rin talaga siya.

Hawak kamay na lumabas si Dilyn at Cj sa underground na iyun upang hanapin si Jo at Algun.

Nakita nila ang dalawa na nakatanaw sa dagat.

Tila sinusuyo ni Algun ang asawa.

Napag pasyahan naman ni Cj at Dilyn na ibinwitan muli ng palaka si Jo.

"Asawa ko siguraduhin mong sa tubig mo ilagay ang pain mo ha, wag sa punong patay baka mamaya hindi na tuko ang mabinwit baka bayawak na?" nangingiting sabi ni Cj. "okay lang yun asawa ko ikaw naman ang sasalo eh," ganting biro ni Dilyn na ikinalaki ng mata ni Cj.

Kaka pwesto nila ng kanilang paminwit ng tuwang tuwa si Cj na may kumagat sa pain niya.

Nang i angat niya malaking palaka ito.

Itinaas niya ang paminwit saka sinalo ang palaka.

"Yesss! Hoooo, ate may tinola kana!" tuwang tiwang sigaw ni Cj.

"Asawa ko, may kumakagat sa pain ko!" agaw pansin ni Dilyn.

"Naku hindi na ako interesado asawa ko, baka mamaya kung ano nanaman iyan?" ani Cj.

"Hindi nga asawa ko may kumakagat talaga hinihila yung paminwit ko!" pamimilit ni Dilyn.

"Eh di itaas mo at saluhin mo!" utos ni Cj saka dumistansya ng konti mahirap na baka kung anu nanaman iyun at ihagis sa kanya.

"Takot nga ako humawak ng palaka ipapasalo mo naman sa akin?" ani Dilyn na medyo naiinis na.

"Oo na sige na itaas mo na!" ani Cj.

Itinaas nga ni Dilyn at laking tuwa nito na mas malaki pa sa palaka na nabinwit ni Cj ang kimagat sa pain niya.

"Yesss! Dalawa na," ani Cj naupa pa ang sigaw kaysa ang saluhin ang palaka kaya ang siste nagulat ang palaka kaya nakabitaw ito sa, nag mamadali naman si Cj sa pag dakma, dakma dito dakma duon, nakipag patintero si Cj sa palaka, at ng medyo malapit na siya dinive niya iyun, swak sapol nadakma ang palaka habang ang kanyang mukha sinapo ang ihi ng palaka.

"Shit! Anu bang kamalasan ito!" ani Cj sa sarili.

Tawa naman nang tawa si Dilyn.

Sinuwerte sa pamiminwit sa pangalawang pag kakataon si Cj at Dily nakahuli sila ng anim na malalaking palaka.

Nakapikit si Dilyn habang pinapanood ang asawa kung paano ito balatan at linisin.

Nasa ganoon silang ayus ni Dilyn ng dumaan si Jo sa harapan nila na parang hindi sila nakita.

Sumenyas siya sa bayaw kung ok na ba ang kapatid nito, umiling lang yung isa.

"Patay asawa ko, malaki ang tampo ni ate!" ani Dilyn.

"Mawawala rin yun pag nakatikim na siya ng tinola ko!" pag yayabang ni Cj pero ang totoo kinakabahan siya.

Naluto na ni Cj ang tinola ng kapatid at ng tawagin na niya ito upang kumain ay ayaw na.

Hindi daw ito gutom samantalang hindi pa kumain mag hapon.

Hindi nag tagal may narinig silang ugong ng chopper at lumabas si Jo.

"Sayo na yang palaka mo, hindi ko na kailangan iyan at aalis na ako rito para hindi ako istorbo sa iyo!" paangil na sabi ni Jo.

Tila napahiya naman si Cj.

Mabilis naman kumilos si Dilyn nag tingin ng malalagyan ng tinolang palaka para ipabaon na lang niya, sa wakas may nakita siya, dagli dagli nitong sinakinan iyun at inihabol sa hipag na paakyat na sana sa chopper at this time si Rhyan naman ang piloto.

"Ate sige na kunin mo na ito, wag ka ng mag tampo, masarap iyan promise!" ani Dilyn.

"Bakit natikman mo ba?"

"Ah- eh hindi pero alam ko masarap iyan!" ani Dilyn pero sa totoo hindi pa siya nakakain ng palaka.

Nakangiti na si Jo na inabot ang tinolang palaka.

Nang makaalis ang chopper inakbayan ni Cj si Dilyn.

"Kinabahan ako dun asawa ko, akala ko hindi niya kukunin!" ani Cj.

"Ikaw naman kasi may kasalanan, tjuoy napauwi sila ng wala sa oras!"

----

"Ernesto, gusto ko ng makita ang anak natin!"

"Mag tigil ka, mula ngayon wala na tayong anak!" galit na galitna wila ni Don Elmo.

Napapaluha na lang ang donya.

----

"Makakaganti rin tayo sa mga Alarcon na iyan, at uunahin muna natin ang babaeng kapatid ng Cj na iyun, dahil marami na iyung atraso sa akin!" galit na wika ni Gustavo.

"Boss, ibayong pag iimgag ang kailangan natin dahil alam n'yo namang matinik anh isang iyon idagdag mo pa ang asawa na kinatatakutan ng lahat ng masasama sa bayan ng Nueva Ecija."

"Pwes ibahin mo ako dahil hindi ako takot sa kanila, kailangan natin mapag handaan ang pag hihiganti ko!" ani Gustavo.

---

"Sir confirm, may ilegal nga na aktibidades ang Gustavo na iyon!" report ng tauhan ni Algun ng makauwi sila.

"At may transaksyon sila ngayon sir, mga ellegal.na armas na manggagaling pa ng U.S," sagot naman ng isa pa.

"Ihanda ang mga bata at sosopresahin natin sila!" utos ni Algun.

CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee RhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon