CHAPTER 19:

4.7K 91 0
                                    

Halos hindi na humihinga si Cj dahil sa takot.

Ngunit ipinikit muna niya ang mga mata pag mulat niya nasa harap na.niya ang yuko na inaamba ng asawa.

"Asawa ko, ito oh sige na talian mo na ito rin yung panali!" ani Dilyn sabay hagis ng panali.

Gusto ng mahimatay ni Cj ngunit pinanlalabanan niya.

"Asawa ko kung mahal mo kami ni baby lalabanan mo yang takot mo para sa amin!" nakangiti ng sabi ni Dilyn.

Noon lamang napag tanto ni Cj na kaya ito ginagawa ng asawa ay upang mawala ang takot niya sa ganitong uri ng hayop.

Nanginginig ang kamay ni Cj at napakalakas ng tambol ng dibdib na inuumang ang tali upang matalian ang naturang tuko, ayaw niyang pumikit baka biglang tumalon ito oh masagi ng kamay niya.

Nakaginhawa siya ng matalian ang tuko, nilapitan naman siya ng asawa at niyakap.

"Nagawa mo asawa ko," ani Dilyn na tuwang tuwa.

Nabawasan naman ang takot ni Cj ngunit lumaki nanaman ang mata niya ng sabihin ni Dilyn na kalagan na ulit.

"What? Asawa ko naman pinatalian mo tapos ipapakalag mo muli ang tali?"

"Sige na asawa ko alam kong magagawa mo!" ani Dilyn.

Napilitan si Cj na sundin ang asawa at masaya siya hindi na ganoon ang takot na nararamdaman niya hindi katilad noong una na kulang na lang ay maihi siya.

Pumalakpak si Jo, kaya naagaw ang atensyon ni Cj at Dilyn.

"Good job hipag," nakangiting sabi ni Jo at nilapitan si Cj at kinapa ang pantalon nito.

"Whats that for?" takang tanung niya sa kapatid.

"Akala ko kasi nakaihi kana?" nakangising sagot ni Jo.

"Anyway nag bago na isip ko, buko na ngayon ang gusto kong kainin," ani Jo. Nangislap naman ang mata ni Dilyn.

"Ako rin!" sabi nito na natatakam.

Napatingin si Algun at Cj sa puno ng niyog at napalunok ang dalawa sa taas nito imposible na maajyat nila.

Napahagalpak ng tawa si Jo sa itsura ng dalawang lalaki.

"Hmmmp, iniisip siguro ninyo na paaakyatin namin kayo nho?" ani Jo.

Hindi naman makaimik ang dalawa dahil baka mapasubo sila ay maisipan nga ng dalawa na paakyatin sila ng buko.

"Hon akina yang baril mo!" ani Jo kay Algun.

Nag tataka naman iniabot ni Algun ang baril sa asawa.

Inasinta ni Jo ang buko at isa isang nahulog hanggang sa nahulog na rin ang isang bugkos.

Umaliwalas ang.mukha ng dalawang lalaki.

"Oh ayan pulutin na ninyo hon, paki balatan na at nauuhaw na kami ni Dilyn!" ani Jo at inakay na si Dilyn sa loob ng bahay.

"Ate kumusta pala sa Nueva Ecija?"

"Ayun nakulong na si Gustavo, druglord pala ang ungas na yun!" ani Jo.

"Buti na lang pala talaga ate nakatakas ako!" ani Dilyn na lubos na nag papasalamat at nakatakas siya kundi baka kung ano.na ang nangyari sa kanya sa piling ni Gustavo.

"Oo nga, pasalamat tayo sa nurse na tumulong sayo!" nakangiting sabi ni Jo.

"Wala ka bang balita sa mga magulang ko ate?"

Natahimik si Jo at napailing.

Biglang nalungkot si Dilyn, dahil na mi miss na niya ang ina, noon nangangarap siya na kung mag kakaroon siya ng baby gusto niya nandoon ang mga magulang ngunit suntok na iyon sa buwan.

"Hey wag ka ng malungkot, maya maya nandiyan na ang mga boylet natin at yong buko juice natin!"ani Jo upang mabawasan ang lungkot ng hipag.

----

"Bayaw noon bang nag lihi si ate anu ang lagay?" ani Cj habang nag babalat ng buko.

Napsngiti naman si Algun.

"Sa totoo lang hindi naman nag lihi ang ate mo noon, hindi siya maselang nag buntis noon ngayon pa lang!" sagot ni Algun.

"Ganoon ba? Gusto ko na palang iuwi si Dilyn sa Hacienda, mahirap na pag may nangyari sa kanya dito anlayo ng hospital,baka ako ang unang mamatay sa takot sa mangyayari sa mag ina ko kung sakali!" ani Cj dahil naalala ng biglang mahilo si Dilyn.

"Kayo ang bahala tutal nakakulong naman na si Gustavo.." ani Algun," bilisan mo na diyan bago pa mag ala Gabriela Silang ang ate mo." dagdag pa ni Algun.

Matapos nakakayod ng buko at makuha ang juice nito ay nag tungo.na sa loob ng bahay si Cj at Algun.

Masayang nag kukuwentuhan ang apat habang umiinum ng juice.

"Nga pala asawa ko, ilagay na natin sa bag ang lahat ng gamit natin at sasama na tayo pauwi ng Hacienda dahil sa kalagayan mo mainam na nanduon tayo!" ani Cj at hinawakan pa ang kamay ni Dilyn.

"Talaga asawa ko? Sige at ililigpit ko na!"

Masayang tumalima si Dilyn dahil excited na rin siyang makita ang mga tao sa Hacienda.

----

Kinakabahan si Dilyn ng pababa ang chopper na kinalululanan nila.

Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mata ng makita ang kanina lang ay iniisip niya ang kanyang ina.

Walang pag aalinlangan na sinugod niya ito ng yakap.

Humagulgol ng iyak si Dilyn at ganoon din ang Donya.

Sinabi rin nito na nasa hospital ang ama.

Kasama si Cj, pinuntahan nila ang Don.

"Dok pwede na po bang pumasok ang dalaw sa loob?" tanung ng Donya sa loob.

"Pwede na po, at makakausap na rin ninyo ang pasyente!" sagot nito.

Dahan dahang pumasok ang mama ni Dilyn kasunod ang huli habang hawak ang kamay ng asawang si Cj.

Napalingon naman ang Don sa gawi nila na noon ay kagigising palang.

"Di- dilyn anak!" sambit ng Don na tumutulo ang luha.

"Daddy..."

"Anak, pa- patawad!" anito na pilit inaabot ang kamay sa anak.

"Daddy." lumuluhang sambit ni Dilyn at agad lumapit sa ama na hilam din ng luha.

"Pa-patawarin mo ako anak ko!" ika ng Don habang hinahagod ang likod ng anak na humahagulhol ng iyak.

"Sssshhh! Mag sisimula muli tayo dady kasama ng baby ko!" nakangiting sabi ni Dilyn na lumuluha parin.

"Oo anak, salamat!" wika ng Don na nakaramdam ng kaligayahan at gumaan ang kalooban. Akala kasi nito lahat ng ginagawa niya ay ikabubuti ng asawa at anak, ngunit batauhan siya ng sagut sagutin siya ng asawa at doon siya labis na nag sisisi.

CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee RhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon