CHAPTER 3:

4.9K 89 1
                                    

Kinabukasan maagang nag tungo si Cj kila Ella upang ipaalam si Dilyn sa mga ito.

Balak niyang ipasyal ang dalaga sa resort sa Talavera na naibabalitang sobrang ganda at malinis pa, ang Apollo resort.

"Sige Cj, pero wag kayong mag papagabi alam naman na ninyo ang panahon ngayon!" ani Ella.

"Are you ready?" tanung ni.Cj kay Dilyn.

"Yup, I'am ready," sagot ni Dilyn na may kasamang kilig.

Hinawakan ni Cj ang kamay ni Dilyn patungo sa sasakyan.

"Nag dala ka ng swimsuit mo?" tanung ni Cj.

"Hindi, wala kasi ako noon eh!"

"Ah ok, bili na lang tayo ng paligo natin sa Talavera." kaswal na sagot ni Cj.

Pag dating nila sa Talavera, pumasok sila sa isang Botique at nag hanap ng swimsuit.

Hindi nagtagal.may namataan si Cj.

Gandang ganda siya sa two piece na nanduon, and even without permission from Dilyn, ay binayaran niya iyon kaagad.

Abala naman si Dilyn nag titingin sa panali ng buhok hindi niya napansin na nakabili na si Cj ng kanyang pampaligo.

"Come, lets go!" aya ni Cj kay Dilyn.

"Sandali hindi pa ako nakabili ng pampaligo ko!"

"No worries nakabili na ako," ngising sagot ni Cj.

"Ha? Saan?"

"Mamaya mo na tignan, sigurado ako kasya at bagay ito sa iyo!" sagot ni Cj at inakbayan na si Dilyn palabas ng naturang botique.

Nakarating sila sa resort sa Talavera ng iabot ni Cj ang swimsuit kay Dilyn.

"Ito na oh, isuot mo na!" nakangiting utos ni Cj ng samahan siya nito na mag bihis sa cr.

Atubili namang tinanggap iyon ni Dilyn.

"Sige, hintayin mo na lang ako dito sa labas!"ani Dilyn at aaka pumasok na sa loob.

Napa nga nga si Dilyn ng makita na two piece ang binili ni Cj.

Hindi niya malaman kung isusuot ba niya iyon oh hindi.

Habang nag hihintay naman si Cj sa labas ng ladies room napag pasyahan rin nito na mag bihis na ng swimming trunk kaya nag tungo siya sa Mensroom.

----

"Hmmmp, naman bakit napaka daring naman itong ibinili ni Cj na pampaligo ko, makalag lang ang tali kita na ang kaluluwa ko," reklamo ni Dilyn sa sarili.

Buti na lamang may dala siyang polo at isinuot na muna niya.

Pag labas ni Dilyn siya ring pag labas ni Cj.

Dahil manipis ang polo na suot ni Dilyn kitang kita parin ni Cj ang kaseksihan nito.

Napa titig si Cj sa kabuuan ni Dilyn na makikita mo ang sobrang paghanga sa klase ng tingin sa dalaga.

"Ikaw ha, kulang na lang wag mo akong pag tapisin sa pag ligo, tignan mo naman binili mo konting hila lang ng tali laglag na!" reklamo ni Dilyn.

Napangisi naman si Cj.

"Sadya iyan dahil gusto ko pag ako ang kasama mo, iyan ang suot mo, para hindi ko.na magawa pang tumingin sa iba!" ani Cj sabay kindat sa dalaga.

Pulang pula naman ang mukha ni Dilyn sa sinabi ni Cj.

"Lalo kang gumaganda pag namumula ka," ani Cj at hinapit ang bewang ni Dilyn at pinakatitigan ang labi ni Dilyn.

Dahan dahang lumalapit ang mukha ni Cj sa mukha ni Dilyn ng biglang parang may pumatak, oh nahulog sa kanyang ulo.

Ang pag halik sana ni Cj kay Dilyn ay biglang naudlot dahil sa basa na nararamdaman niya sa kanyang ulo.

Kinapa niya ito, at may nahawakan siyang malambot.

Tumingala si Cj may nakita siyang apat na ibon sa sanga ng puno na nasa tapat nila.

Napamura ng wala sa oras si Cj ng marealize na tae pala ng ibon ang nahulog sa kanyang ulo.

"Shit! Nahulugan ako ng tae ng ibon!" ani Cj na nakabusangot habang inaamoy ang tae sa kamay nito.

Hindi naman mapigilan ni Dilyn ang mapahagalpak ng tawa sa kamalasang natamo ng binata.

Kung hindi pa kinabagan si Dilyn dahil sa katatawa malamang hindi ito hihinto.

Sa inis ni Cj, kinuha niya ang gamit ni Dilyn at hinawalan ang kamay nito.

Itinakbo niya ito sa may malapit na pool, kasabay ng pag hagis ni Cj sa mga gamit nila sa bangko ay siyang pag talon nila sa tubig.

CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee RhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon