Ganun na lang ang pag namadali ng katulong ng makita ang among si Don Ernesto na bahihirapang huminga.
Tinawag niya kaagad ang donya, nataranta naman ang huli, kahit galit siya dito ay mahal na mahal parin niya.
Kaagad idinala sa pagamutan ang Don.
----
SAMANTALA...
"Gawan mo ng paraan attorny na makalaya ako!" utos ni Gustavo, nasa hospital sila ng mga sandaling iyun dahil sa inalis ang dalawang bala ng baril sa magkabilaang hita ni Gustavo.
"Sa ngayon wala pa tayong magagawa Gustavo!" nakayukong sagot ng abogado.
"Ang mga Elmo sigurado matutulungan tayo ni Don Ernesto Elmo," ani Gustavo na nagkaroon ng pag asawa.
Bapailing naman ang abogado.
"Katatawag ko doon, sigugod sa hospital ang Don dahil inataki sa puso!"
"Shit! Basta gumawa ka ng paraan para makalaya ako," galit na utos nito.
Hindi sila makaporma upang maitakas si Gustavo dahil mahigpit ang mga bantay dahil alam nila na gagawa ng paraan si Gustavo upang makatakas.
------
"Hon, gusto ko ulit ng palaka!" ungot ni Jo kay Algun na halis kagagaling lang sa munisipyo.
"Eh hon, busy pa ako ngayon eh, alam mo naman ba kakahuli lang kay Gustavo marami pang dapat ayusin!" sagot ni Algun.
Tumahimik naman si Jo na wari ay nag tatampo, napapailing na lang si Algun dahil noong unang mag buntis si Jo parang normal lang hindi rin nag lihi, ngayon sa pangalawa nila bumawi.
"Okay, okay! Aayusin ko muna lahat tapos papahatid tayo sa Isla." sagot ni Algun dahil ayaw na ayaw niyang nakikitang malungkot ang asawa dahil mahal.na mahal niya ito.
Umaliwalas naman ang mukha ni Jo at tinakbo niyang niyakap si Algun at pinupog ng halik sa mukha.
-----
ISLA...
"Asawa ko pwedeng palaka na lang wag ng tuko?" ani Cj kay Dilyn. Dahil hindi niya maimagine na ang kinatatakutan niya ay iyun pa ang kanyang huhulihin.
"No..." iling ni Dilyn," basta tuko ang gusto ko!" ngising sagot niya.
Pero sa totoo gusto lamang niyang subukan kung gaano siya kamahal ni Cj at para matulungan na rin na ma overcome ang takot sa naturang hayop.
Excited naman si Jo na makita ang kapatid na si Cj at makakain na rin ng palaka.
"Hon, bilisan mo anu ba ang tagal mo naman?" naiinip na maktol ni Jo sa asawang si Algun na maliligo pa lang.
"Aba naman hon? Kapapasok ko palang dito sa banyo ni hindi pa basa ang buong katawan ko, sandali lang naman po mahal na prinsesa!" reklamo ni Algun.
"Bilusan mo kaya, oh ako na lang mag paligo sa iyo para mabilis!" ani Jo na inuwang pa ang ulo sa pinto ng banyo na bahagyang nakabukas.
"Sige pasok ka I'd love that!" pilyong sagot naman ng isa.
"Ay ewan ko sayo d'yan ka na nga bilisan mo, 5mnts dapat nakabihis kana!" ani Jo at lumabas na ng bahay.
-----
"Asawa ko may nakita ka naba?" tanung ni Dilyn sa asawa bandoon sila ngayon sa mga naka buwal na puno ng niyog.
"Wala ako makita!" sagot naman ni Cj, pero pinapanalangin naman na wala sanang mag pakita sa kanya na tuko.
"Eh hindi ka naman yata nag hahanap eh?" dudang tanung ni Dilyn.
"Asawa ko naman ano pa ba sa tingin mo ang ginagawa ko?" maktol na sagot ni Cj, labag man sa loob napipilitan na silipin ang mga nabuwal na puno.
"Ayyyyy! Ayuuun,ayunn ohhh..." ani Dilyn na tuwang tuwa sa nakita.
Kumabog naman ang dibdib ni Cj at kinilabutan.
"Asawa ko mahal mo ba talaga ako?" lukot ang mukhang tanung ni Cj dahil alam na nito ang tinutukoy ni Dilyn na nakatuwad sa patay na puno ng kung anong kahoy.
"Syempre naman asawa ko.mahal na mahal kita kaya nga pinag huhuli kita ng tuko dahil mahal kita, at dahil mahal kita umpisahan mo ng hulihin yun oh nakakapit sa kahoy!" ani Dilyn.
"Ohh no..."
"Oh yes,bilis na bago umalis!" putol ni Dilyn sa pag proprotesta ng asawa.
"Asawa ko baka hindi yan tuko baka bubuli lsng iyan!" palusot ni Cj sahil hindi niya kaysng ihakbang ang mga paa patungo sa itinuturo ni Dilyn.
"Asawa ko sigyradong sigurado ako, " sagot naman ng isa.
Hahakbang na sana si Cj palapit sa itinuturo ng asawa ng may chopper na parating.
Napatingala si Cj at nakita niya ang kapatid na kumakaway.
"Oh God, hindi pa ako tapos sa pinapagawa ng asawa ko meron nanamang isa?" maktol na sabi ni Cj sa sarili.
"Anu ba an tagal mo naman asawa ko ako na nga ang kukuha, makapag hanap nga ng malaking stick sigurado kakapit iyun doon pero syempre ikaw ang mag lalagay ng tali!" ani Dilyn at nag hanap nga ng patpat.
Gusto ng panawan ng ulirat ni Cj, isa pa ang ate niya na sumisigay.
"Cjjjjj..." ani Jo nakangisi na itong palapit sa kapatid kabababa lamang ng chopper ng tumakbo na ito palapit kay Cj.
"Asawa ko ito na oh," na hawak ang mahabang patpat at nakakapit sa dulo nito amg tuko na kumapit.
Hindi malaman ni Cj ang gagawin, kung tatakbo ba oh susundin ang kagustuhan ng asawang nag lilihi.
Biglang bunghalit ng tawa ni Jo, nahulaan na niya kaagad kung ano ang nangyayari, at nag kahinala na ito na nag lilihi rin ang hipag.
Samantalang si Cj pinag lalabanan ang takot na halos nawalan na ng kulay ang mukha dahil sa putla.
-----
"Doc, kumusta ana asawa ko?" tanung ng mommy ni Dilyn sa doctor.
"Maibam po Mrs. ELMO at naagapan ang pasyente, sa susunod po ibayong ingat na po ang kailangan dahil pag inatake pa po siya alam na po ninyo ang mangyayari!" sagot ng doktor.
Tahimik lang ang Donya na nakinig at tumango sa doktor na sumuri sa asawa.
"Sana naman Ernesto mag bago kana bago pa mahuli ang lahat!" tanging nasabi ng huli sa sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/39808243-288-k772422.jpg)
BINABASA MO ANG
CJ, THE REBELLIOUS By: Lorgee Rhy
RomanceTeaser "Ang problema ay hindi tinatakasan oh tinatakbuhan, ito ay hinaharap upang masolusyunan" Si Dilyn Elmo, ay naninilbihan sa pamilya Alarcon bilang yaya ng kambal na anak nila Ella at Daniel Gregorio. Maganda, mabait at laging masayahin, at nak...