COLETTE'S P.O.V🌻
Lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating agad sa School. Paano ba naman kasi ay late na akong ginising ng ate ko kaya ang ending nagmamadali akong pumasok.
Pagdating ko sa school ay saktong nakapila na ang ibang mga estudyante, naalala ko Flag Ceremony nga pala ngayon.
Agad akong pumila sa line ng mga Grade 9. Hindi ko narin binaba ang bag ko sa classroom namin dahil magsisimula na ang Flag.
Hinanap ko agad si Jesha pero wala ito ngayon, siguro ay late narin siya. Hindi kami mag kaklase ngayong school year. Nakakalungkot lang dahil ako na naman ulit mag isa kahit na magkatabi lang naman ang room namin. Pero parang ang layo namin sa isa't isa.
Nakakasama ko lang ito tuwing hapon kada uwian dahil bago kami umuwi ay bumibili pa kami ng pagkain tapos mag ku-kwentuhan sandali.
Nakabalik ako sa ulirat ng kumanta na ng National Anthem ang lahat kaya tumingin lang ako sa Flag nang hindi kumakanta. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
Maya-maya pa ay natapos na ang Flag pero hindi pa kami umalis dahil may sinasabi pa yung Principal namin sa harap. Hindi ko naman maintindihan kung ano 'yon dahil masyadong maingay.
Napansin ko na magulo pala ang linya dahil nag hahalo na ang mga babae at lalaki. Ba't ba kasi maliit lang ang space ng mga High School? Mga damulag na kaya yung nag aaral dito.
Samantalang yung Elementary mas maluwag pa yung space ehh, ang liliit lang naman nila. Unfair.
Napailing nalang ako sa naisip ko.
Nag palakpakan ang mga estudyante kaya naki-palakpak narin ako kahit hindi ko naman alam ang dahilan. Bakit ba?
Sabay-sabay kaming bumalik lahat sa kaniya-kaniya naming mga classroom.
Sa sobrang dami namin ay na ba-bangga at tinutulak na ako ng iba kaya pasimple ko silang kinukurot at hinihila ang buhok para naman makabawi ako. Ganonin ba naman ako?
Bahagya naman akong natawa sa naisip kong iyon.
🌻এಊ🌷
Pag pasok ko ng room ay agad kong binaba ang bag ko at mabilis na kumuha ng walis tingting dahil baka maubusan nanaman ako at matira pa sakin yung parang walis ng mangkukulam.
Isa pa, kapag nakita kami ni sir na walang ginagawa uutasan niya kaming mag igib para ipang-dilig sa mga halaman.
Yung timba pa naman na gagamitin ay malaki kaya kapag bubuhatin ito ay mabigat na parang si Thor lang ang may kakayahang mag buhat no'n.
Pumunta na ako agad sa labas para mag walis, nakita kong mag isa lang na nag wawalis ang crush kong si John Loyd kaya pasimple akong lumapit sa kanya at nagsimula na ring mag walis.
Hindi naman niya ako pinansin. Buti naman.
Matapos naming mag linis sa labas ay pumasok na kaming dalawa dahil nasa loob na si Sir Torres at ang iba pa naming classmates.
"Good morning class." Bati sa 'min ni Sir kaya binati namin ito pabalik.
Nag start na itong mag turo pero hindi ako nakikinig ganoon din ang iba kong kaklase dahil yung iba ay nag dadaldalan, yung iba ay may hawak na cellphone at proud na binabalandra iyon. Edi kayo na may cellphone.
Nilabas ko nalang yung notebook ko at nagsimula na akong magsulat ng mga nasa black board kahit green naman iyon.
"Psst, Colette" napalingon agad ako ng marinig ko ang pangalan kong tinawag ng kung sino. Mag-susungit na sana ako kaso si John Loyd pala ang tumawag sa akin kaya nginitian ko ito at tinanong kung bakit.
YOU ARE READING
Hola Mi Sol (COMPLETED)
Hayran KurguFORTUNE PLAY SERIES #1💫 May mga taong hindi natin inaasahang makikilala natin at makakasama. Hindi natin alam na ang mga taong iyon pala ay ating nakakasalubong, nakakabanggaan, at nakakausap. We always think that we we'll be alone forever in the d...