RAINE'S P.O.V🌷
Maaga palang ay nasa school na ako dahil ako ang napili ni Ma'am Chelle na isali sa Essay Competition.
Noong una ay ayoko dahil hindi naman ako magaling pagdating sa mga essay, pero dahil mapilit si Ma'am ay sumang-ayon nalang ako. Ngayong Grade 11 ko lang talaga maranasan ang maisali sa isang Essay Contest.
Three days kong ginawa ang essay kong bulok at minemorize ko pa iyon. Hanggang sa dumating na yung araw ng contest.
Nandito na lahat sa isang room ang mga representative sa essay. Kinakabahan ako ngayon dahil mukhang magagaling sa essay ang mga kalaban ko.
Maging si Dane na crush ko ay nandito rin dahil isa siya sa mga makakalaban ko na mas lalong nag palala ng kaba ko. Grade 9 ako ng magustuhan ko si Dane. May kakaiba kasi sa kanya. Black yung buhok nito pero yung do'n sa pinaka harap may maliit na parte na blond.
Iyon na part lang ang binigyan niya ng kulay at ang isang kilay niya laging may hiwa. Akala ko ay sinasadya niya iyon pero nalaman ko na tinahi pala 'yon noong bata pa ito.
Lagi ko ring nakikita noon si Dane na nagpapatawa at syempre, mabilis lang akong ma-attract sa mga ganon. Kumbaga magaan silang kasama.
Noong Grade 10 ako, madalas na nag-peperform si Dane sa stage tuwing may event sa school.
Lagi ko talagang inaabangan yung performance niya dahil palagi itong nagpapatawa. Yung tipong seryoso ang tula niya, then maya-maya pa ay biglang may part na nakakatawa.
Napatingin ako sa harap dahil isa-isa nang tinatawag ni Ma'am Michaela ang name ng bawat representative.
Hanggang sa binanggit na ang name ko kaya ang iba ay tumingin sa akin maging si Dane kaya nakayuko ako ng konti habang nag lalakad.
Sa bandang likod ako mauupo dahil grade 11 na ako, nasa likod ko naman si Dane kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung dahil ba sa essay o sa presence ni Dane. I don't know.
Hanggang sa nag start na, meron lang kaming isang oras para matapos ang essay. 20 minutes ko lang natapos ang akin dahil memorized ko naman na ang sagot ko.
Tumayo na ako para ipasa sa harap ang papel ko kaya bigla silang napatingin sa akin lahat. Gosh ako ba ang unang mag papasa? Umiwas lang ako ng tingin at patay malisya akong pumunta ng harap. Napalingon ako sa likod ng nararamdaman kung may naka-sunod sa akin.
Nagulat ako nang si Dane iyon pero hindi ko pina-halata at mabilis na ibinigay ang papel ko kay Ma'am at bumalik sa upuan.
"Pwede nang lumabas yung mga tapos na" saad ni Ma'am kaya mabilis kong inayos ang mga gamit ko at lumabas na.
🌻এಊ🌷
Ilang weeks pa ang lumipas bago namin nalaman ang naging result sa essay. Akala ko nga ay yung mga nakatanggap lang ng certificate ang ininform.
Kaya nung sabihin nila na ia-announce na nila kung sinong nanalo ay excited pa akong malaman iyon dahil curious lang ako kung nanalo ba si Dane.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Arbie nagulat pa ito ng makita ako. "Congrats, Raine!" Masaya nitong saad kaya kumunot ang noo ko. Natawa naman ito sa naging reaksyon ko. "Bakit pala?" Tanong ko dito medyo nahihiya pa ako.
"Ikaw ang nanalo sa essay girl. Natalo mo si Dane." Natatawa nitong sagot kaya tumawa na lang din ako.
Tulala akong naglalakad papuntang quadrangle ngayon dahil hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi sa akin ni Arbie. Natalo ko si Dane?!!!
Tatlo kaming may certificate. Hindi ko naman kilala kung sino yung isa. Dapat ay isa-isa kaming aakyat sa stage para tanggapin ang certificate para daw makunan kami bawat isa ng picture.
Unang natapos picturan ang 3rd placer kaya tinatawag na si Dane kaso hindi nila ito mahanap. Hindi kaya kasalanan ko kung bakit wala siya ngayon dahil natalo ko siya? Gosh!!!
Kaya ang ginawa ni Sir Gel, ako muna yung pinapunta nito sa stage pero sakto naman na sumulpot din si Dane kaya ang nangyari, pinagsabay na lang kaming inabutan ng certificate at mag-kasamang kinuhanan ng picture.
🌻এಊ🌷
Ilang buwan din ang lumipas nang maging close ko si Dane. Hindi raw ito makapaniwala na natalo siya sa essay. Nasanay daw kasi ito na laging nananalo.
Sinubukan ko ring sumama sa mini workshop niya. Tinu-tulongan nitong matuto sa paggawa ng tula ang mga batang interesado. Kasama niya si Kuya JV. Every 4 PM, nandon sila sa library para mag tuturo.
Simula noon ay may pinag-a-abalahan na ako, hindi na ako laging naka-tambay lang sa classroom namin.
Kasalukuyan akong nag lalakad ngayon para pumunta sa library ng napansin ko yung mga Grade 10 na nakapila sa labas ng room nila.
May mga hawak silang papel na mga naka-shaped. Masaya silang nag ku-kwentuhan at nag aasaran.
Napansin ko yung babaeng nabunggo ko noon sa canteen, tahimik lang ito sa gilid at pilit na tinatago yung maliliit na papel sa kamay niya. Takot na makita ito ng mga katabi niyang chismosa.
Natawa nalang ako sa naisip ko. Hindi ko na inalam pa ang mangyayari dahil kailangan ko ng pumunta sa library dahil malapit nang mag 4pm.
Last day narin ng pasok ngayon dahil bukas ay Lock Down na. Ito din ang huli na makikita ko si Dane dahil hindi ko alam kung kailan ulit ang susunod.
Gusto ko nalang sulitin ngayon.
---------------------------------------
END OF CHAPTER 6🌷
Don't forget to vote and comment!🥀💘
![](https://img.wattpad.com/cover/328658006-288-k600244.jpg)
YOU ARE READING
Hola Mi Sol (COMPLETED)
FanfictionFORTUNE PLAY SERIES #1💫 May mga taong hindi natin inaasahang makikilala natin at makakasama. Hindi natin alam na ang mga taong iyon pala ay ating nakakasalubong, nakakabanggaan, at nakakausap. We always think that we we'll be alone forever in the d...