RAINE'S P.O.V🌷
Isang buwan palang ako bilang isang Grade 12 student ay nag drop na ako kahit na ayaw ng parents ko. Pakiramdam ko ay hindi ko kaya.
Nung mga panahon na iyon ay na hilig talaga ako magbasa ng mga international books. Para akong na-depress noong pandemic. Sinira ko yung buhok ko hanggang sa naging gupit panlalaki ako. Para akong tomboy.
At iyon yung time na ayaw na ayaw kong nakikita ang sarili ko sa salamin. Wala pa sana akong balak mag enroll ulit. Wala pa talaga, dahil gusto kong hintayin yung kapatid ko para sabay na lang kaming pumasok.
Natatakot na naman ulit akong mag isa. Mga panibagong mukha. Pakiramdam ko ay hindi na naman ako belong. Naisip ko din na baka pag may group project mahirapan ako.
Pero nung last day ng online enrollment biglang tumawag ang tito ko at sinabing mag enroll na daw ako dahil sayang yung taong para sa akin kung hihintayin ko pa ang kapatid ko.
Hanggang 10:00PM na lang open ang enrollment at bukas ng umaga ay pasukan na. 9PM na nung nagdecide ako na fill up-an yung form na i-finorward sa 'kin ng kapatid ko. Kahit ayaw ko ay wala narin akong nagawa.
Pero naisip ko, online class naman ang magiging sistema kaya bahala na. Iyon din ang reason kung bakit tuwing retrieval ng module ay si Mama ko ang pinapa-punta ko sa school.
Kaya nagtataka sila Ma'am Chelle kung bakit hindi raw ako nagpupunta sa school at ang dahilan ay yun talaga.
🌻এಊ🌷
Nasa school ako ngayon para mag balik ng mga modules, pero habang naglalakad papuntang room ay nakita ko ang isang babae na nakaupo sa labas ng room at nakapikit ito na para bang may iniisip.
Nang mag mulat ito ng mata ay nagkatinginan kami pero wala naman akong naging reaksyon ng tumingin ito sa akin at ganoon din ito. Binalik nito ulit ang tingin niya sa kawalan.
Pag pasok ko ng room ay nakita ko si Jesha na masayang nakikipag kwentuhan sa mga classmates namin.
Lumapit ako kay Ma'am Chelle at agad silang binati "Good morning po, Ma'am." Greet ko dito, gulat pa silang napatingin sa 'kin dahil hindi sila makapaniwalang ako ang mag babalik ng modules ko ngayon.
"Akala ko ay Mama mo ulit ang mag-babalik ng mga modules mo. Yung isa mong classmate, akala ko din ay ate niya ang magbabalik ng modules niya." Natatawa na sabi sa akin ni Ma'am na ikinatawa ko rin.
Isa-isa ko nang nilagay ang mga modules ko sa kahon pero napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang pangalan ko.
Nakita kong nakatingin sa akin yung babae kanina sa pintuan kaya mabilis itong tumingin sa ibang direksyon at umalis.
Mahina akong natawa sa ginawa niya.
🌻এಊ🌷
Makalipas ang ilang buwan nag-karoon ng face to face classes pero limitado lang ang bilang ng mga estudyanteng papasok.
Ang sabi pa ni Ma'am ito ay para lang sa may gusto kaya hindi na ako nag dalawang isip at agad na nilagay ng name ko sa list na ginawa ni Ma'am sa gc.
Hanggang sa dumating yung araw ng Face to Face classes kaming mga Set A ang nauna. Naging busy kami buong week dahil maraming activities ang pina-gawa sa amin.
Ilang weeks din ang lumipas nang mag-decide si Ma'am Chelle na pag-samahin na ang Set A at Set B dahil nalaman kong lima nalang ang natira sa Set B dahil nag back out na ang iba.
Isa si Colette sa mga natira sa Set B. Nalaman ko lang ang name niya ng tignan ko iyon sa gc namin.
Nagulat ako sa pag-sigaw ng isa kong classmate na lalaki "Ang init!" Reklamo nito kaya napalingon ako sa iba pang mga kaklase kong nagrereklamo din kagaya niya dahil sa init na nararamdaman nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/328658006-288-k600244.jpg)
YOU ARE READING
Hola Mi Sol (COMPLETED)
FanfictionFORTUNE PLAY SERIES #1💫 May mga taong hindi natin inaasahang makikilala natin at makakasama. Hindi natin alam na ang mga taong iyon pala ay ating nakakasalubong, nakakabanggaan, at nakakausap. We always think that we we'll be alone forever in the d...