Chapter 2🌷

123 55 12
                                    

RAINE'S P.O.V🌷

Tahimik lang akong naka-upo ngayon dito mag isa sa loob ng canteen habang kumakain.

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mga huling araw bago ako mapunta dito sa bago kong school na pinapasukan.

— FLASHBACK —

"

Kailangan na nating mangupahan ngayon, para narin malapit kayo sa school ninyo." Sabi ni papa kaya napatingin ako sa kaniya.

Siguro kaya naisipan nilang lumipat na lang kami dahil laging nasisira ang motor namin dahil sa mabatong daan. 

Kasalukuyan kami ngayon na nakatira sa tabi ng bahay ng Lolo at Lola ko dito sa may bukid, para narin itong papunta sa bundok at malayo din kami sa kalsada.

Kinabukasan, nagsisimula na kaming mag impake ng mga gamit namin dahil lilipat na kami ngayon sa nirentahang bahay ng parents ko.

Bukas na rin ang start ng klase kaya dapat ay marating na namin mamaya ang bahay na lilipatan namin.

🌻এಊ🌷

Maaga palang ay nandito na ako sa school namin, at dahil first day ay hinanap ko muna ang magiging room ko. 

Una kong pinuntahan ang Section A na ang pangalan ay 8 Sampaguita, sarado pa ito kaya siguro nasa labas pa at nakatambay ang ibang mga estudyante kaya ganun na rin ang ginawa ko.

Maya-maya pa ay dumating na ang Advisor ng 8 Sampaguita at agad na binuksan ang pinto. Napansin ko na may papel palang nakadikit doon kaya agad akong lumapit para tignan iyon.

Hinanap ko agad yung name ko para makasiguro na dito talaga ang magiging room ko, pero hindi ko iyon mahanap.

Kahit anong basa ko ay hindi ko pa rin mahanap ang apelyido ko ngunit naisip ko din kung dito talaga ang room ko ay mabilis ko lang mahahanap ang pangalan ko dahil ang surname ko ay Abad.

Nang hindi ko talaga mahanap ay umalis na ako dahil nakakahiya, ang tagal ko pa namang nakitambay doon tapos hindi pala iyon ang section ko.

Tulala lang akong nag lalakad. Iniisip ko ngayon kung paano ko sasabihin sa parents ko na hindi ako Section A? Big deal pa naman sa kanila ang mga ganoong bagay.

Simula Grade 1 ay consistent Section A na ako pero ngayon? Hindi na. Siguro ay dahil hindi ako naging honor student nung Grade 7 ako kaya hindi ako napunta sa Section A ngayong school year. 

Naglibot-libot pa ako para hanapin yung name ko hanggang sa nalaman ko na Section C pala ako. 8 Rose. Second to the last. Very sad. 

— END OF FLASHBACK —

Dati akala ko, bangungot ang araw na 'yon. Pero iyon pala ang magiging way para ma-meet ko ang best friend ko na si Ella.

Si Ella ang nag introduce sa akin ng ebooks at Wattpad. Naging favorite ko ang The 4 Bad Boys and Me dahil sa kanya. Iyon kasi ang story na una kong nabasa. 

Maihahalintulad ko yung sarili ko kay Ella dahil malaki ang naging impluwensya nito sa mga ambisyon ko sa buhay.

Especially, ang maging writer dahil sa kaniya iyon. 

Noon, ang mga natitirang malinis na page sa mga hindi na nito ginagamit na notebook ay pagsasama-samahin niya at tatahiin gamit ang yarn kaya mag-mukhang bagong notebook na ulit, pero mas makapal. 

Doon na ito magsusulat ng stories. Number 1 reader niya ako, pati narin ang iba pa naming classmates at schoolmates naadik na rin sa mga sinusulat niya kaya halos hindi ko mahagilap yung notebook niyang iyon kasi ang daming nanghihiram. 

Dikit na dikit kami ni Ella. Magkapitbahay din kami kasi yung nirerentahan namin, katabi lang ng bahay nila. 

Si Ella yung hinihiling ko that time na sana kapatid ko nalang. Siya yung sumbungan ko everytime na napagalitan ako. Siya yung kasabay ko papunta at pauwi galing school. Sa recess, sa lunch.

Gusto kong maging katulad niya, siya yung tipo ng babae na simple lang pero napaka-passionate nito sa mga ginagawa niya. 

Akala ko sabay kaming ga-graduate. Pero kailangan nang umalis ng Lolo ko doon sa binabantayan nilang lupa sa 2018, tenant lang kasi sila sa loob ng mahigit 40 years.

Akala nga raw niya ay doon na sila titira hanggang sa kahuli hulihang hininga niya dahil doon na sila bumuo ng pamilya.

Doon din lumaki ang mga anak nila, doon na rin bumuo ng pamilya ang mama ko.

Pero wala talagang permanent. Ang tanging permanent is change. 

Kaya ang plano ng parents ko, dito sa Pangasinan na ako mag-aaral ng Grade 10.

Ngunit hindi na iyon nangyari dahil may ng bully sa akin, umabot pa sa puntong barangayan. Kaya nagdecide ang parents ko na ilipat na agad ako kahit Grade 8 palang.

Takot akong maiwan pero ako naman pala ang mang iiwan. Iniwan ko si Ella kahit ayoko. Alam kong friendly ito dahil marami ang gusto siyang maging kaibigan.

Ngayon isang grupo na sila na may kanya-kanyang fruit nickname bawat member. May squad name din ang mga ito.

Masaya ako para sa kanya kahit na parang kilala na lang niya ako ngayon. Hindi yung tulad ng dati na Bestfriends talaga.

May letter itong isinulat para sa akin na hanggang ngayon ay nandito pa rin sakin at nakatabi. 

Iilang words lang yung nakasulat doon pero hindi ko kayang itapon kahit na wala nang meaning iyon ngayon.

🌻এಊ🌷

Nakabalik ako sa reyalidad ng mapansin kong dumadami na ang tao dito sa canteen kaya naisipan kong bumalik nalang sa room.

Inayos ko lang sandali ang gamit ko at mabilis na naglalakad palabas pero hindi pa man ako tuluyan nakaka-labas ay may naka-bungguan akong babae.

Agad siyang humingi ng sorry kaya nginitian ko lang ito na parang sinasabing 'okay lang' naisip ko na baka tulala siyang nag lalakad kaya hindi niya ako napansin.

Siguro kagaya ko ay may malalim din itong iniisip at pareho kaming nilulunod sa kalungkutan ng nakaraan o kahit ngayong kasalukuyan.

Kung darating man ang tamang panahon para sa amin sana ay makayanan naming umahon mula sa kalungkutan na dala ng nakaraan.

-----------------------------------------

END OF CHAPTER 2🌷

Don't forget to vote and comment!🥀💘

Hola Mi Sol (COMPLETED)Where stories live. Discover now