Chapter 10 🌷

85 55 14
                                    

RAINE'S P.O.V🌷

Dati akala ko sobrang mahiyain si Colette dahil parang hindi ko siya napapansin na nakikipag-interact sa iba. Pero lagi ko namang nakikita ang mga pictures nila ni Keith at Jesha na dumadaan sa news feed ko. 

Iba't iba ang pose nilang tatlo bagay na hindi ko kayang gawin dahil napakamahiyain ko sa harap ng iba. 

One time, kumanta sila ni Jesha ng song ni Taylor Swift sa room. May dala silang mic at naka-connect ang cellphone sa TV. 

Nahihiwagaan talaga ako kay Colette dahil sa kabila ng pagiging tahimik nito, kaya niyang kumanta in public ng naka-mic. 

Cold ang personality niya, hindi masyadong nakikipag usap sa iba, pero may lakas ng loob siyang gawin yung mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Wala itong pakialam sa kung anong sasabihin ng iba, basta't satisfied siya sa outcome. 

May something sa pagkatao niya na hindi ko madecipher. Something awesome na siguro hindi siya aware na taglay niya iyon.

Sa mga nakaraang week na madalas kong makita si Colette sa school, halos hindi ko siya naka-usap. Pero nag-ngingitian naman kami tuwing nagtatama ang mga tingin namin. 

Pero minsan hindi ko alam kung ngingitian ko siya dahil natatakot ako na baka hindi niya ibalik. May time na nasisindak ako sa aura niya dahil lagi ko siyang nakikitang seryoso. 

Yung kapag wala siyang ngingitian, wala talagang emosyon sa mukha niya.

I was like, 'Oh my gosh! Baka pag kina-usap ko siya at wala namang saysay ang sasabihin ko, baka iwasan lang niya ako ng tingin!? Okay, so para di awkward, hindi na lang ako kikibo everytime na magkatabi o magkaharap kami.

At ganun nga ang nangyari. Nung naka-sama ko siya sa enrollment sa BCC at Lingayen, hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. Or if dapat pa ba akong magsalita? 

Alam mo yung gusto mong kausapin ang isang tao? Pero hindi ka sigurado kaya umaatras ka na lang. Ganoon ang naramdaman ko that time. 

Naisip ko pa nga na baka iniisip niya na maldita ako or masyadong snob. Pero ang problema, hindi ko lang talaga alam kung paano i-approach ang isang tao kung hindi siya ang mauuna na papansin sa akin. 

Nung mga time na iyon, ini-expect ko na magiging ka-close ko si Jesha kasi siya yung lagi kong kinakausap at kinukulit kung kailan ulit kami babalik sa BCC. 

But something unexpected happened, Colette and I. kami ang magkaklase. Kaming dalawa lang. At si Jesha napunta ito sa ibang section.

Nagulat ako nung isang araw, bigla akong kasali sa isang GC. Dati nakikita ko lang sa my day nila Colette at Jesha yung screenshots sa convo ng GC nilang tatlo ni Matt.

Kaya nagulat ako nung may bago silang GC at naisip nilang i-sali ako. Nakakataba ng puso yung simple act na ginawa nila kasi for the first time, mukhang may group na gustong umampon sa 'kin nang hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko. 

For the first time, may friend na nagbigay sakin ng nickname kahit na 'GreatTasteWhite' pa yan. Medyo nagkaka-kulay ang simula ng college life ko dahil sa kanila. 

On the first weeks na nandoon ako sa GC nila, I was observing them. Hindi ko alam kung meron silang idea pero nababasa ko lahat and I care for every conversation.

Hindi lang ako sumisingit minsan dahil alam kong silang tatlo ang original best friends. Kahit walang nagsasabi, alam ko sa sarili ko na saling pusa lang ulit ako. Masyadong negative yung utak ko noon dahil may feelings ako sa isa sa kanila.

I liked him more than I expected. Nag-iiba ang pananaw ko sa mga bagay bagay na related sa kanya. At iyon ang pinaka-ayaw ko sa sarili ko at sa utak ko. 

Hola Mi Sol (COMPLETED)Where stories live. Discover now