Chapter 1🌻

178 55 12
                                    

COLETTE'S P.O.V🌻

Nandito ako ngayon sa likod ng classroom namin— sa labas at mag isang nag wawalis dahil halos lahat ng mga classmates ko ay sama-samang naglilinis.

Masaya silang nag ku-kwentuhan at nag aasaran samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Hindi na bago sa akin ang mga ganitong ganap sa araw-araw na buhay ko dahil nasanay na rin naman ako.

Simula kasi ng makapunta ako dito sa Pangasinan wala na akong naging kaibigan.  May mangilan-ngilan na nakakasama ko pero sa tuwing makakahanap sila ng mas better sa akin ay umiiwas na sila.

I wish I was better to them.
I wish I could make them stay.
But all I can do now is to wish.

Gulat akong napatingin sa likod ko dahil sa biglaang pag sulpot ng isa kong classmate na si Frederick. "Pasok na daw Col, sabi ni Ma'am." Pagka-sabi nito sa 'kin ay agad siyang umalis, kaya binilisan ko na ang pag-wawalis at dali-daling pumasok ng room.

Pagpasok ko ay nakita kong naka-ayos na ang lahat ng upo kaya agad akong pumunta sa upuan ko sa may likuran malapit sa may bintana.

Mas pinili kong maupo dito dahil narin siguro sa hiya. Ayoko namang makitabi sa mga kaklase kong babae dahil may kaniya-kaniya silang kaibigan at alam kong gusto nilang magka-katabi sa upuan.

Hanggang sa nag start na ang klase at tahimik lang akong nakikinig pero paminsan-minsan ay sumasagot ako sa mga tanong ni Ma'am.

Napapalingon naman sa akin ang iba kong classmates kapag sina-sabihan ako ni Ma'am ng "very good", kaya umiiwas na lang ako ng tingin.   

Ilang oras pa ang lumipas nang tumunog ang bell ibig sabihin nito ay recess na.

Mabilis pa sa alas kwatro ng nagsi-tayuan ang mga classmates ko. Ang iba naman ay lumabas na agad kasama ng mga kaibigan nila.

Mabilis kong nilagay lahat ng gamit ko sa bag para makisabay sa narin sa iba ko pang classmates, kahit naman nasanay na akong mag isa ayoko paring maging loner.

Pag labas ay sumunod lang ako sa kanila papuntang canteen. Hindi naman nila ako pinansin dahil busy silang mag kwentuhan habang naglalakad.

Sa tuwing nakikita ko ang mga estudyante na may kanya-kanyang kasama ay hindi ko mapigilang tanongin ang sarili ko sa isip. 

Ano kayang feeling na may kasama ka sa lahat ng bagay? Na may maraming kaibigan? At ano kayang feeling na hindi mo na kailangang maki-belong dahil may mga kaibigan kana rin kagaya nila? Tanong ko sa isip na hindi ko alam kung kailan masasagot. 

Papasok na ako ng canteen nang may maka-bungguan akong babae kaya agad  akong humingi ng sorry, buti nalang at mukhang mabait ito dahil nginitian lang niya ako.

Kung ano-ano nalang kasi ang iniisip ko kaya hindi ko napapansin na nasa reyalidad nga pala ako.

Nakita kong nakapila na yung mga kasama ko at konti na lang ay sila na yung  susunod, samantalang ako nasa likod pa kaya hindi ko mapigilang mapa- buntong hininga dahil mukhang ako nalang ulit mag isa ang babalik sa room.

Matapos bumili ng pagkain ay agad na akong bumalik sa room at tahimik na kumain.

Maya-maya pa ay nag start na ulit ang klase namin pero habang nagtuturo si Ma'am ay lumulutang lang ang isip ko. 

"Okay stand up Mr. Alvarez and read the short story on page 86 titled 'Friendship and Love'"

Bumaling ang atensyon ko sa kaklase ko nang tumayo ito at nag simula nang mag basa.

Friendship and Love
by: Vedantu

Once upon a time, there was a very poor girl, but nobody loved her. The girl lived alone, but she needed to have a friend. After some time, she met a very rich girl who was a very humble person.

They began to talk and soon became very good friends. They were very close friends and had much affection for each other. The poor girl didn't have parents nor a house to sleep in, so the rich girl decided to invite her friend to live in her house as they had a good friendship.

From that moment on, everybody understood that the rich girl had valued her friendship and had shown great affection for her new friend and she was worried about her safety.

The two girls were always together and never argued and lived happily ever after.

Once the rich girl got ill, she suffered from a high fever for long days and thus was admitted to the hospital. She had been suffering from a high fever for a long time. She had got more critical, and doctors said that she was having low hemoglobin in her body and immediately blood needed to be transferred to her body. At that time nobody's blood group matched hers but only the poor girl's blood group matched.

The poor girl didn't even think for a second and gave her blood. Everyone was awed by their love and people were very happy that they had a pure friendship full of love. 

Soon the rich girl was discharged from the hospital and was healthy again. They set an example of true friendship and love, with time their bond became stronger and they enjoyed each other's company. They became more than friends.

"Okay you may now take your seat. So class what is the moral of the story. Anyone?" Tanong ni Ma'am nang matapos basahin ni Ave ang kwento.

Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad na nag taas ng kamay.

"Yes, Colette. Go ahead" saad ni Ma'am.

"For me, the moral of the story is-" tiningnan ko muna isa-isa bago ituloy ang sasabihin.

"True friends are the one who always supports and stands by you in any situation, yung kaibigan na laging nasa tabi mo hindi lang dahil may nagawa siyang mabuti sayo o may utang na loob ka sa kaniya."

"Dahil para sa akin ang totoong kaibigan ay sasamahan ka sa lahat ng bagay. Pasasayahin ka sa tuwing nalulungkot ka. Yung ikaw parin ang pipiliin kahit meron namang mas better sayo."

Napansin kong natahimik silang lahat kaya dahan-dahan akong umupo. Alam kong wala namang connect yung huling sinabi ko, but who cares?

"Yes, you're right Colette. Kaya kung may kaibigan man kayo, treasure them. Dahil may ibang mga tao na hindi nararanasan ang magkaroon ng isang kaibigan and if you have one. You're lucky." Paliwanag ni Ma'am. Ako ata 'yon?

Naka-ngiting tumingin ang mga classmates ko sa kaniya-kaniya nilang mga kaibigan kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.

Alam kong may nakalaan din para sa akin na magiging kaibigan ko balang araw at hihintayin ko 'yon kahit gaano pa katagal.

Hindi man ngayon.
Hindi man bukas.
Hindi man sa susunod na araw.

But I know in God's plan and perfect time.

-----------------------------------------

END OF CHAPTER 1🌻

Don't forget to vote and comment!🥀💘

Hola Mi Sol (COMPLETED)Where stories live. Discover now