Chapter 9 🌻

76 53 12
                                    

COLETTE'S P.O.V🌻

Nasa bakasyon ako ngayon nang biglang nag message sa 'kin si Jesha, kailangan ulit naming bumalik sa school para ipasa na ang natitirang requirements namin para maging official students na kami sa BCC. Wala naman akong magawa kundi ang bumalik na lang ulit. 

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang ang sarili kong isipin na hindi kami ulit mag-kaklase ni Jesha dahil ang section niya ay BEED 1-D, samantalang ako naman ay BEED 1-C.

Kasama ko si ate Raine, same kami ng section. Si Jesha lang talaga ang na-hiwalay sa amin dahil umaga na nang mag take ito ng exam.

Kami naman ni ate Raine ay gabi kami nag take ng exam kaya ang student number ko ay 217 si ate Raine naman ay 220 habang si Jesha ay 344. Malayo na ito sa 'min. Nakakalungkot lang.

Pero kahit ganun ay unti-unti ko na ding tinanggap na hindi naman habang buhay na magkasama kami, okay na sa 'kin na same kami ng school at hindi naman nalalayo yung section naming dalawa.

Isa pa, classmate ko naman si ate Raine kaya swerte parin ako dahil hindi pa rin ako nag-iisa dahil kasama ko naman ito. Naramdaman kong huminto ang Bus na sinasakyan ko kaya agad na akong bumaba, hindi ko namalayan na nandito na pala ako.

Saktong pag-baba ko ay nakita ko si Papa na hinihintay ako kaya mabilis akong sumakay sa tricycle niya.


Bukas pa naman kami pupunta ng school, umuwi lang ako ngayon dahil ayokong mag madali bukas. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nahiga dahil napagod ako sa byahe.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

🌻এಊ🌷

Kinabukasan ay maaga kaming tatlo sa school para magpasa ng mga requirements namin dahil hindi pa daw kami officially enrolled.

Akala ko ay ibibigay lang namin yung mga natitira naming requirements pero hindi pala dahil kung ano-ano pa ang pinapagawa nila sa 'min. 

Anong oras na nang matapos kami kaya kahit tirik na ang araw ay naglalakad pa rin kami papunta sa bayan.

Naisip ko na buti pa si ate Raine palaging ready dahil ito lang ang may dalang payong. 

Ayoko kasing mainitan yung bahay namin kaya iniwan ko doon yung payong ko. Kimi lang dai.

Dumiretso kami sa UNITOP para bumili ng mga gamit namin at makakain. Inabot kami ng ilang oras kaka-libot sa buong market.

Hanggang sa naisipan na naming lumabas dahil napagod na kaming mag libot at pag tripan lahat ng gamit na makita namin doon.

Tumamabay kami sa plaza sandali pero umalis din kami agad dahil maraming namamalimos na basta-basta na lang nang-hahablot ng mga pagkain. Sa huli ay umuwi na lang kami dahil wala narin naman kaming gagawin.

🌻এಊ🌷

Ilang buwan din ang lumipas nang mag simula na kaming mapalapit na ate Raine sa isa't isa.

Siya yung naging sumbungan ko at naging karamay sa tuwing pakiramdam ko nag-iisa na lang ulit ako. Sa kanya ko nararamdaman kung paano magkaroon ng isang tunay at tapat na kaibigan.

Pinaramdaman niya sa 'kin, na sa lahat ng bagay belong ako. Hanggang sa dumating sa buhay ko yung point na, naiyak nalang ako dahil sa wakas may nakakaintindi na sa 'kin.

Isang araw binigyan ako ni ate Raine ng bulaklak na gawa sa papel, at yung time na 'yon napaka-saya ko dahil nakatanggap ako ng isang bagay na pwede kong itago.

Siya lang yung taong nag bigay sa 'kin ng ganoong bagay dahil nasanay ako na, ako lagi ang nagbibigay pero kahit minsan hindi man lang ako nakatanggap ng isang regalo galing sa isang kaibigan.

Dahil sino ba naman ako para makatanggap ng mga ganoong bagay? Hindi naman ako for keeps sa isang tao. Kumbaga sa isang relasyon ako lang yung totoong nagmamahal, dahil takot akong maiwan. Mag isa.

Lahat ng paraan ginagawa ko para hindi ako maiwan o iwanan. Kaya nag effort ako at nagpaka-manhid sa lahat ng bagay kahit minsan masakit sa 'kin. 

Gusto kong hilingin kay Jesha na kahit isang beses lang bigyan niya din ako ng isang regalo, kahit simple lang pero hindi ko magawa dahil ayokong isipin na kaya niya lang ako binigyan dahil hinihingi ko.

Alam kong hindi doon masusukat ang pagiging magkaibigan ng dalawang tao pero masama bang mag hangad ng simpleng bagay? Simula noon ay binigyan ko din si ate Raine ng mga bagay na pwede niya ring itago. 

Habang tumatagal ay nasasanay narin ako na baka hindi ko naman talaga deserve na maging priority ni Jesha dahil hindi lang naman ako yung kaibigan niya.

Kaya kami tumagal na maging mag best friend dahil hindi ko sinanay ang sarili ko na umasa sa lahat. Na iniintindi ko nalang dahil wala naman akong mapapala kahit mag lupasay pa ako. 

Tinanggap ko nalang lahat kahit minsan nakakainggit at nakakatampo.

Ayokong masira yung friendship namin kaya naging okay nalang sa 'kin. Kung ano man ang meron ako ngayon ayos na sa akin iyon dahil alam kong may isang Ate Raine na nasa tabi ko and I was sure enough to say the she filled the emptiness inside me. She’s the sun to my dark and it shines like a beautiful star.

Totoo nga talaga na, God has HIS own plans and I'm so thankful and blessed that HE was kind enough to let me find someone like ate Raine.

-------------------------------------------

END OF CHAPTER 9🌻

Don't forget to vote and comment!🥀💘

Hola Mi Sol (COMPLETED)Where stories live. Discover now