COLETTE'S P.O.V🌻
10AM na nang magising ako kaya mag isa lang akong kumain ngayon, dahil nauna na yung mga kasama ko dito sa bahay.
Simula ng magka-pandemic ay tanghali na akong gumising dahil inaabot na ako ng 3AM kakabasa ng wattpad.
Modular lang ang sistema ngayong Grade 11 kami, kaya okay lang kahit tanghali-in ako ng gising dahil tuwing deadline ko lang naman iyon sinasagutan.
Matapos kong kumain ay nag hugas na agad ako ng pinggan at nag linis ng bahay para mamaya ay tuloy-tuloy ang pagbabasa ko ng wattpad.
Habang nag lilinis ay nakita ko ang iba kong mga gamit noong grade 10 ako kaya napapangiti ako sa tuwing naaalala ko yung araw bago mag lock down.
— FLASHBACK —
Nagwawalis ako dito ngayon sa loob ng classroom namin nang pumasok si Yinona.
"Ang aga mo, ahh." Saad nito ng makapasok. "Hindi ka pa ba sanay?" Tanong kong sagot ko habang natatawa. Tumawa lang din ito at agad na kumuha ng walis para tulungan ako.
Elementary palang kami ay kilala na naming dalawa ang isa't isa pero ngayon lang kami ulit naging mag kaklase.
Palagi kaming mag-kaiba ng section kaya noong nalaman namin na mag classmates kami ngayong school year ay tuwang-tuwa kaming dalawa.
Noong Elementary kami, siya lang yung nakakasama ko, kaya lang ay hindi ito masyadong pala pasok noon kaya kapag wala ito ay palagi lang akong tahimik sa loob ng room.
Nakakatuwa lang dahil ngayon palagi ko na itong nakakasama, parang ito ang pumalit kay Jesha dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami pinalad na maging mag kaklase.
"Nga pala, nagawa mo na yung assignment na pinagawa sa 'tin kahapon?" Tanong nito kaya agad akong tumango sa kaniya.
"Bago ako matulog ginawa ko na. Ikaw ba?" Balik na tanong ko sa dito.
"Gagawin ko palang" tumatawang sagot nito.
Alam kong madali na lang sa kanya ang mag-sagot dahil matalino naman siya.
Maya-maya pa ay dumating na ang iba naming kaklase at tinulungan na kaming mag ayos ng upuan.
Dumating na rin si Amirita, yung isa pa naming kaibigan ni Yinona. Nakangiti itong sumalubong sa 'min.
"Morning!" Bati ko sa kanya nang maka-lapit ito. "Late ka na!" Paalala ni Yinona sa kaniya.
Nakasimangot itong umupo kaya natawa nalang kaming dalawa sa reaksyon niya. "Wala pa naman si Ma'am!" Giit nito kaya mas lalo kaming natawa.
Nakaupo kami sa pinaka-harap at pinag gigitnaan nila akong dalawa. Noong una ayaw ko pang pumayag na sa harap kami maupo dahil hindi ako
sanay. Pero mapilit si Yinona dahil ayaw niyang lumipat hanggat hindi ako pumapayag.
YOU ARE READING
Hola Mi Sol (COMPLETED)
FanfictionFORTUNE PLAY SERIES #1💫 May mga taong hindi natin inaasahang makikilala natin at makakasama. Hindi natin alam na ang mga taong iyon pala ay ating nakakasalubong, nakakabanggaan, at nakakausap. We always think that we we'll be alone forever in the d...