CHAPTER 2

52 4 1
                                    


Napabitaw ako sa kamay niya, naituon ko nanaman yung kamay ko.

"Ouch!" Tinignan ko yung kamay ko, may sugat pala.

"Okay ka lang?! May sugat! Sorry! Sorry!"

Sabi niya habang nakahawak siya sa kamay kong may sugat.

Malapit yung mukha niya sa mukha ko. Parang hihimatayin ata ako.

Hindi dahil sa sugat ko, kundi dahil si Park Jimin ang kaharap ko, hawak ang kamay ko.

"Okay ka lang ba?" At yun na ang huling beses na narinig ko ang boses niya.

-------

Umaga na pala. Panaginip lang pala. Akala ko naman totoo na nakaharap ko si Jimin.

"Good morning!"

Sabi ng isang lalaki pumasok sa kwarto.

What?!!

Lalaki?

Tumingin ako sa paligid!

Teka!

Hindi ko to kwarto!

Nasan ako?

Ano nangyari sakin?

May lalaki?

Nasa kwarto ako?

Ganito yung mga napapanuod ko sa drama, nilalasing yung babae pagkatapos dadalhin sa isang kwarto tapos pagsasamantalahan.

Hinawakan ko yung kumot at tinaklob ko.

"Ahhhhhh! Wag kang lalapit!"

"Wag kang mag-alala hindi kita sasaktan!"

Yung boses niya ang laki!

Oh lord!

Save me!

"Please! Wag kang lalapit!"

"Okay! Hindi na ko lalapit! Kakamustahin ko lang yung kamay mo. Sabi kasi ni Jimin, tignan daw kita, lumabas lang siya saglit."

Kamay ko?

Tinignan ko yung kamay ko.

May bandage.

Teka!

Tama ba narinig ko.

Sinabi niya Jimin.

Agad-agad kong tinanggal yung kumot sa mukha ko at nakita ko ang isang napakagwapong mukha na nasa harap ng mukha ko.

Napatitig ako sa mata niya, ngumiti siya na parang nawala yung mga mata niya.

Oh my god!

Si V!

"Ahhh!"

Napasigaw ako at napa-atras, nauntog yung ulo ko sa headboard ng kama kaya napahawak ako sa ulo ko.

"Hala! Okay ka lang?" Sabi ni V.

"Sino ka?!!!" Sabi ko ng pasigaw sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko.

"Ha? Hindi mo ko kilala?"

Hala!

Patay na!

Ano ng gagawin ko!

Ano ba kasing nangyari!

Bakit ako nandito.

Tumingin ako sa kamay ko.

Bangtan's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon