CHAPTER 7

39 3 0
                                    

(Jimin's POV)

Ang tagal naman lumabas ni Jini.

Kanina pa ko nag-iintay dito.

Huh?

Teka si Jonghun yun ah?

Oh ayan na si Jini palabas na siya.

Lumapit siya kay Jonghun at parang ginulat niya yun.

Naglakad palayo si Jonghun sumunod naman sa kanya si Jini.

Ano bang meron sa dalawang to!

Hindi kaya..

Ahh!

Jimin ano bang iniisip mo!

Binuksan ni Jonghun yung kotse at pinasakay si Jini.

Sa itsura ni Jini ngayon parang masaya siya.

Hindi katulad nung nakita ko siya na nakaupo sa swing duon sa park at nung naglalakad siya pauwi.

Umuwi nalang ako ng dorm.

Susundan ko sana si Jini.

Titignan ko kung maglalakad pa ba siya pauwi pero mukhang di ko na kailangang mag-alala.

Mag-alala?

Hindi!

Hindi naman ako nag-aalala.

Ahh!

Nasisiraan na ata ko ng ulo!

"Nandito na ko!"

Pumasok na ko sa dorm at nandito na silang lahat.

Nakaupo at nanunuod ng tv.

"San ka galing?" Tanong ni J-hope habang nakatingin sa tv.

"Ha? Ah jan lang naglakad-lakad."

"Baka mamaya may makakita nanaman sayong fan. Ma-issue ka na nanaman" sabi ni Rapmon.

Naalala ko nanaman yung muntik ng kumalat na ~Dating Issue~ ko with a fan.

Yung fan na yun nakabanggaan ko sa tapat ng dati naming dorm.

Tinulungan ko siyang tumayo.

Ang hindi ko alam plano niya pala yun.

After a few days may dumating na pictures sa dorm namin at yung itsura nung picture is para ngang nagdedate kami kasi nakatayo kaming dalawa parehong nakangiti at nakahawak ako sa kamay niya.

May letter na kasama yung pictures ang sabi ilalabas daw niya sa internet yung photo kung hindi ko siya i-dedate.

Diba ang weird?!

Hindi ko alam pano nalaman ng fangirl na yun yung dorm namin.

Yun yung naging reason bakit lumipat kami agad-agad ng dorm.

Nung gabi na nakabanggaan ko sa Park si Jini, yun yung gabi na kakalipat lang namin ng dorm.

Natakot ako kasi baka maulit na naman yung nangyari, pero nung nalaman kong hindi kami kilala ni Jini nawala na yung kaba ko at pati nadin ng buong grupo.

Pero ngayon alam kong kilala talaga kami ni Jini dahil imposibleng hindi kilala ng isang rookie ang senior niya.

Ngayon iniisip ko tuloy kung bakit niya yun ginawa.

"Parang safe naman dito eh. Medyo malapit lang din sa BigHit pero tago at bihira lang yung mga pumupunta dito. Parang onti nga lang nakatira dito"

Bangtan's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon