CHAPTER 4

39 4 0
                                        


"Bakit ka ba tumatakbo? May humahabol ba sayo?"

Huh?

Ibang boses na yung narinig ko.

Inangat ko yung ulo ko para makita ko mukha niya.

Oh!

Jin!

Ayy hindi si V!

Ha?

Sino ba to?

"Oy! Okay ka lang?"

Nilapit niya sa mukha ko yung mukha niya.

"Ha? Ah? Okay lang ako."

Teka, hindi siya si Jin o si V.

Pero kahawig niya.

Napaka-gwapo niya.

Jin at V sa iisang mukha?

Hindi ko akalaing ganito ka-gwapo pala pag pinagsama mukha nilang dalawa.

Baka kamag-anak ng isa sa kanila.

"Trainee ka diba?"

Huh?

Ah!

Oo nga pala.

Trainee ako.

"Ahh oo. Ikaw din ba?"

"Oo. Hindi jan yung practice room para sa mga trainee. Duon!"

Lumakad siya papunta sa pintuan na tinuro niya.

"Halika na dito. Mamaya lumabas jan ang President, nakaharang ka sa pintuan niya."

Ha?

President?

Tinignan ko yung pintuan na nasa harap ko.

Nagulat ako office nga ng president kaya nagmadali akong sumunod dun sa lalaki.

"Ako nga pala si Kim Jonghun."

"Choi Jini. Nice to meet you!"

Nag-shake hands kami.

"Tara! Pasok na tayo!"

"Sige."

Pumasok na kaming dalawa ni Jonghun sa loob.

Nagulat ako kasi kakaonti lang kaming nasa loob ng studio.

Apat na babae at limang lalaki yung nakita ko.

Nagsasayaw yung iba, yung iba naman nakaupo at yung iba naman may kanya-kanyang ginagawa.

"Lahat ba sila nag-audition nung nakaraang araw?" Tanong ko kay Jonghun.

"Ha? Hindi. Ikaw lang ang bago dito. Yung mga nakapasa sa audition na sinasabi mo. Nandun sila sa kabilang kwarto."

Ha?

Nakapasa sa audition?

Teka naguguluhan ako.

"Ha? Mali ata tong pinuntahan ko. Dun ako dapat kasama nung mga nag-audition."

Palabas na ko ng pinto ng biglang may pumasok.

"Choi Jini? Nandito ka na pala."

Kilala niya ko?

Ahh naalala ko kung sino siya.

Siya yung producer.

Yung nandun sa audition.

"Ako yung tumawag sayo. Okay guys! Listen! I want you to meet Jini! Siya yung sinasabi ko sa inyo."

Bangtan's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon