CHAPTER 1

85 7 2
                                    


Ilang auditions na yung sinalihan ko. Ilang taon na kong nangangarap na matanggap bilang isang trainee kaya lang palagi nalang galingan ko nalang sa susunod ang naririnig ko.

Siguro hindi nga talaga para sakin ang pagiging idol.

Matagal na kong nagdadasal pero sabi nga merong tatlong possible answer si God sa mga prayers natin; 1. Yes, 2. Not yet, and 3. I have something better in mind.

And maybe ang sagot ni God sa prayer ko is number 3!

Kaya siguro dapat tigilan ko na tong pagpapantasya ko.

Hindi na ko magiging isang K-Pop Idol.

"Aray ko!"

Ano ba naman tong si Ella bigla-bigla nalang manghahampas.

Magkasama kami sa iisang bahay ni Ella simula nung nagcollege kami.

"Tulala ka nanaman! Ano nanamang iniisip mo? Ay hindi mali! Sino na naman iniisip mo? Si Jimin? Si Park Jimin? Ohh eto!" Sabay abot sakin ng isang papel.

"Ano naman to?"

"Audition! Sa BigHit!" Sabi ni Ella.

Kung kailan naman naisip ko ng huminto sa kaka-audition tsaka naman lumabas to!

"Ayoko na! Hindi din naman ako matatanggap! Mapapagod lang ako."

"So you're saying na you're giving up on your Chimchim?"

What?!

I am not giving up on my Chimchim.

NEVER!!!

"Ella, nakakapagod ng mag-audition ng mag-audition! Ilang years na kong practice ng practice. Talo ko pa yung may concert sa kapa-practice ko para lang sa mga auditions na yan. Hindi naman ako natatanggap."

"Woah! Wait! Choi Jini? Ikaw pa ba yan?" Sabi ni ella sabay hampas ko sa kanya ng papel.

"Aray ko naman!"

"Nababaliw ka na! Oo, gusto ko padin naman makita si Jimin. Tignan mo nga tong kwarto na to, kulang nalang pati sa banyo lagyan ko ng mukha niya. Awkward lang kasi, feeling ko binobosohan niya ko pag nasa banyo. Eh! Basta! Ayoko na mag-audition."

"Hay! Look Jini! Last na to oh! Sige, ganito nalang. Ibigay mo na lahat ng makakaya mo dito sa audition na to. Pag wala padin, sige, tigilan mo na ang kaka-audition. Malay mo eto na yung sagot sa prayer mo, sakto pa kasi nandun ang BTS. Ngayon ka pa ba mawawalan ng pag-asa"

May point si Ella.

Ilang taon na nga akong sumusubok na maging isang K-Pop Idol.

Matagal na panahon na yung ginugul ko.

Ngayon pa ba ko gi-give up?

---------
"#09" sigaw nung isa sa mga staffs.

This is it!

Last chance.

It's now or never.

Habang nagsasayaw at kumakanta ko kanina blangkong blangko yung utak ko.

Parang wala na kong nakikita kahit nakamulat mga mata ko basta ang alam ko nagsasayaw ako at naririnig ko yung sarili ko na kumakanta.

"We will just call those who pass the audition. You can all go now! Thank you!"

Haaay!

Eto nanaman ako sa pag-iintay.

Tss...

Bangtan's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon