Parang wala na ata siya.
Lumabas na ko sa cabinet.
Lumapit ako sa pinto ng kwarto.
Sisilipin ko kung may tao.
Binuksan ko ng dahan-dahan yung pintuan ng kwarto ni Jini.
Sumilip ako sa labas, walang tao.
Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at sinara ko yung pinto.
Kailangan ko ng makalabas dito bago pa may makakita sakin.
Papalapit na ko sa pintuan biglang nagring yung phone ko.
Nasan ba! Nasan ba yung phone ko!
"Bakit ka bumalik Jini? May naiwan ka ba?" May nagsalitang babae, galing sa katabi ng kwarto ni Jini yung boses.
Shit! Akala niya siguro ako si Jini.
Nasa bulsa ko lang pala phone ko. Agad kong pinatay yung phone ko.
"Jini." Nagsalia ulit yung babae.
Narinig kong pabukas yung pinto ng kwarto kaya nagmadali na kong lumabas.
Pagkalabas ko narinig ko pang nagsalita yung babae;
"Ano nanaman kayang naiwan nun"Muntik na ko dun ah!
Si Jini!
Isa siyang stalker?
Bakit?!
Pero isa naman siyang rookie at sa Big Hit din siya kaya hindi naman siguro siya stalker.
Napaparanoid lang siguro ako dahil sa nangyari sakin nuon.
Ewan ko!
Hindi ko na alam!
Bumalik nalang ako sa dorm.
Pagbalik ko sa dorm wala ng tao.
Nagpunta na siguro sila sa practice.
Humiga muna ko sa kama para magpahinga salit.
------------
(Jini's POV)
Naglalakad na ko malapit sa may park.
Nakatingin ako sa may swing.
Wala namang tao.
"Jini?" May lumapit saking lalaki.
Pagtingin ko nakita ko si Jungkook.
"H-hi!"
Nakakagulat naman kasi tong mga lalaking to.
Bigla-bigla nalang susulpot sa kung saan-saan.
Bakit ba siya naglalakad mag-isa?
"Ahh! May binili lang ako."
Nakangiti niyang pinakita sakin yung plastic bag na dala niya.
Puro pagkain yung laman.
"Ahh.. Mag-isa ka lang?"
"Oo. Napagod kasi kami kakahanap kay Jimin kanina kaya nagpapahinga muna sila."
Oo nga pala.
Si Jimin.
"Hinanap niyo si Jimin? Bakit?"
Kunyari di ko pa alam yung nangyari.
"Nawala kasi siya kanina. Pag-gising namin wala na siya sa dorm. Tinawagan namin pero pinatay niya yung phone niya kaya hindi namin siya ma-contact. Hinanap namin siya kung saan-saan."

BINABASA MO ANG
Bangtan's Girl
FanfictionBuhay ng isang fangirl na naging isang K-pop Idol. Si Choi Jini ay isang ARMY (Army is the BTS fandom name than stands for Adorable Representative MC for Youth) na nagpanggap na hindi niya kilala ang kanyang favorite K-Pop boy group na Bangtan Boys...