CHAPTER 8

33 3 0
                                    


(Jimin's POV)

Wala kaming practice ngayon.

Kaya nandito kami ngayon lahat sa dorm.

Katatapos lang ng comeback namin.

Ilang weeks nalang magsisimula na yung mga tour namin.

"Nandito na ko!"

Pumasok si Suga.

San naman kaya siya nanggaling.

"San ka galing?" Tanong naman ni Jungkook.

"Sa bahay ni Jini!"

Sa bahay ni Jini?

Tumingin ako sa kanya.

"Mukhang close na ata kayo ni Jini ah? Ayie. Baka iba na yan ah?" Sabi naman ni V.

Anong iba!

Bakit kaya siya nagpunta dun?

Pano niya nalaman yung bahay ni Jini?

Ano pa kayang alam niya kay Jini.

"Wala naman siyang boyfriend kaya ayos lang."

Pano naman niya nalaman yun?

"Sira ka talaga! Bakit gusto mo ba si Jini?" Sabi ni J-Hope.

Tumingin ako kay Suga.

"Hmm. Hindi naman siguro masama kung magustuhan ko siya. Teka, meron ba sa inyong may gusto sa kanya?" Sabi ni Suga.

Ano bang sinasabi niya?

"Ikaw Jin?"

Tinuro niya si Jin.

"Jin? Jini? Parang pangalan palang namin di na bagay. Parang nagustuhan ko lang din sarili ko." -Jin

"Sabagay. Ikaw V?!" Sabay turo ni Suga kay V.

"Bakit? Kaya mo ba ko?" Sagot naman ni V sabay tayo at nagkarate pose pa.

"Hahaha! Biro lang. Wala akong gusto kay Jini. Ikaw ang gusto ko."

Lumapit si V kay Suga at niyakap niya to.

"Baliw!"

Tinulak ni Suga si V at nagtawanan silang lahat.

"Hmmmm. Ikaw Jimin?"

Tumingin sila saking lahat.

Ano bang problema nila?

"Ha?"

"Gusto mo ba si Jini?" Tanong ni Suga.

Ano ba tong puso ko?

Bakit ang bilis ng tibok.

Hindi pwede.

"Jimin!" Tawag ni Jungkook.

"Yaah! Park Jimin!"

Nagulat nalang ako may tumama saking unan.

Binato ako ni V.

"Ha? Wala! Wala akong gusto kay Jini." Sagot ko naman.

Ano ba?!

Bakit ba ko natameme sa tanong ni Suga.

"Good. Okay! Akin na si Jini!" Sabi ni Suga.

Sa kanya na si Jini?

---------
Hindi ako makatulog.

Ano bang namamagitan kay Suga at Jini?

Alam na kaya ni Suga na rookie si Jini?

Lalabas na nga lang muna ako para mag-pahangin.

Umupo ako sa swing.

Bangtan's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon