(Jimin's POV)
"Meron kasing babae na hindi mawala sa isip ko simula nung nakita ko siyang naglalakad na nakatulala. Hindi ko alam pero gusto ko siyang protektahan.."
Ha?
Teka ano ba tong pinagsasabi ko.
Nagcoconfess ba ko kay Jini?
Hindi.
Hindi pwede.
Nagpanggap siya na hindi niya kami kilala as BTS, hindi ko pa alam kung ano ba talagang rason niya.
Tsaka si Suga!
May gusto ata siya kay Jini.
Ayokong mag-away kami ni Suga dahil sa babae.
"Protektahan? Bakit may masama bang nangyari sa kanya?" Tanong ni Jini.
Curious na curious yung itsura niya.
"Hahahahahaha!"
Tumawa nalang ako, tinignan ko si Jini, nagulat siya sa naging reaksyon ko.
"Bakit ba ang seryoso mo? Nagbibiro lang ako. Pwede na ba ko mag-drama? Magaling na ba kong umacting?"
Nagdahilan nalang ako.
Ewan ko kung san ko nakuha tong palusot ko.
Yung itsura ni Jini parang nagalit siya.
"Tara!"
Yayayain ko nalang siya sa malapit na convenient store para kumain ng ice cream.
Tumayo ako at tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sakin.
"Huh? Saan?" Sabi ni Jini.
Nakatingin siya sakin habang naka-upo siya sa swing.
Hindi ko alam pero parang gusto ko nalang siyang titigan magdamag.
"Ahh. Hmm. Basta!"
Tumayo na siya at naglakad na kami papunta sa convenient store.
Bumili ako ng dalawang ice cream at inabot ko sa kanya yung isa.
"Salamat! Wow! Vanilla!"
Nakangiting binubuksan ni Jini yung ice cream.
Ang cute niya.
Para siyang batang binigyan ng candy.
"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakain ng vanilla ice cream?"
Tintignan ko siya habang naglalakad kami.
Pinapanuod ko siyang kumain ng ice cream.
Para talagang bata.
Ang kalat kumain.
"Hindi! Actually, vanilla lang talaga kinakain kong ice cream!"
Pinagpatuloy niya yung pagkain ng ice cream pagkatapos niyang magsalita.
"Ha? Bakit? May allergy ka ba sa chocolate o sa ibang flavor ng ice cream?"
"Hindi! Kasi favorite ko talaga ang ice cream. Kaso nung bata ako, makalat akong kumain ng ice cream, pag chocolate flavor nadudumihan yung damit ko. Pinapagalitan ako ng Mama ko. Pag vanilla, hindi masyadong kita, pag nadumihan. Tsaka ayun, nagustuhan ko na yung vanilla ng soooooobra."
Para talagang bata to si Jini!
Eh hanggang ngayon naman makalat siyang kumain.
Tumingin ako sa kanya, nakita ko may ice cream siya sa may malapit sa lips niya.
BINABASA MO ANG
Bangtan's Girl
FanficBuhay ng isang fangirl na naging isang K-pop Idol. Si Choi Jini ay isang ARMY (Army is the BTS fandom name than stands for Adorable Representative MC for Youth) na nagpanggap na hindi niya kilala ang kanyang favorite K-Pop boy group na Bangtan Boys...