Ano bang gagawin ko!
Hindi ako nakatulog ng maayos sa sobrang pag-iisip ko kung pano bang gagawin ko mamaya pag nakita ako ng BTS at malaman nilang rookie ako.
Tapos ang aga ko pang nagising.
Pupunta nalang ako ng maaga sa Big Hit para humingi ng tulong kay Jonghun.
"Ella! Alis na ko!"
"Huh? Bakit ang aga mo naman? Sandali lang sasabay na ko. May bibilin lang ako." Sabay kaming lumabas ni Ella ng bahay.
Papunta na kami sa practice room ng BTS. Nasaan na ba si Jonghun?
"Excited na ko mapanuod ang BTS!" Sabi ni Suhyeon habang naglalakad kami.
"Ikaw Jini? Hindi ka ba nae-excite? Sana may part sa sayaw nila na ipapakita yung abs noh?" Gusto kong tumawa sa sinabi ni Suhyeon pero parang nasa ibang dimension pa ata yung tawa ko.
Parang gusto ko nalang tumakbo pauwi.
Anong sasabihin ko pag nakita ako ng BTS?
Anong sasabihin ko pag nalaman nilang rookie ako dito at nagpanggap lang ako na di ko sila kilala?
Lumipat sila ng dorm para makaiwas sa mga stalker nilang fans.
Tapos ako nakapasok pa ko sa dorm nila at natulog pa.
"Anong abs ka jan?" Binangga ni Jonghun si Suhyeon galing sa likod.
Etong lalaking to bigla-bigla nalang susulpot.
"Wala kang makikitang abs ngayon! Cancel ang practice ng BTS!" Tumigil kami sa paglalakad.
Oh Lord!
Thank you!
You saved me!
"Ha bakit?" Malungkot na sabi ni Suhyeon.
"Nawawala si Jimin." Sagot naman ni Jonghun.
WHAT?!
Si Jimin nawawala?
"Ha? Pano?" Tanong ko kay Jonghun.
"Tara! Bumalik na tayo sa practice room. Mamaya may makarinig pa satin dito. Hindi pa alam ni Papa yung nangyari."
Oo nga pala.
Papa ni Jonghun ang president kaya alam niya lahat ang nangyayari sa loob ng Big Hit.
Bumalik na kami sa practice room. Umupo kami sa may gilid.
"Pano naman nawala si Jimin?" Tanong ni Suhyeon.
"Wala pang nakakaalam. Wala na daw siya sa dorm pagkagising nung ibang members. Hindi kasi ma-contact si Jimin, nakapatay yung phone."
Saan naman kaya nagpunta yun?
Hindi kaya may masama ng nangyari sa kanya?
Wag naman sana..
After ng practice pumunta agad ako sa park.
Baka sakaling makita ko dun si Jimin, nag-aalala ko sa kanya.
----------
(Jimin's POV)
Manunuod lahat ng rookie ngayon samin.
Si Jini, manunuod din siya.
Ano bang gagawin ko?
Hindi pa alam ng ibang members na rookie si Jini at panigurado nagpapanic na siguro si Jini ngayon dahil alam niyang mabubuko na siya.
Pero okay na nga yon, malalaman ko na kung ano ba talagang rason niya kung bakit pa siya nagpanggap na hindi niya kami kilala.

BINABASA MO ANG
Bangtan's Girl
FanficBuhay ng isang fangirl na naging isang K-pop Idol. Si Choi Jini ay isang ARMY (Army is the BTS fandom name than stands for Adorable Representative MC for Youth) na nagpanggap na hindi niya kilala ang kanyang favorite K-Pop boy group na Bangtan Boys...