Pagka-uwi ko kinwento ko agad kay Ella yung nangyari.
Hindi ko alam kung ano bang nangyayari.
"What?! Oh my god! Jini! Hindi kaya may gusto sayo si Jimin?"
Imposible.
Pano naman siya magkakagusto sakin.
Sino ba naman ako?
"Baliw! Ano ka ba! Bakit naman ako magugustuhan ni Jimin."
"Bakit hindi? Maganda ka. Magaling sumayaw. Magaling kumanta. Mabait."
Puro papuri nanaman naririnig ko kay Ella.
Pero hindi yun enough na reason para magkagusto sakin si Jimin.
Tsaka hindi niya pa nga ako masyadong kilala.
"Wala naman siyang alam sa pagsasayaw at pagkanta ko. Wala naman siyang alam tungkol sakin bukod sa pangalan at itsura ko."
"Baka na-love at first sight sayo! Ayie! Ikaw na talaga."
Love at first sight?
You mean nung nagkabanggaan kami?
Pag-iniisip ko yung itsura ko nun parang gusto ko nalang maglaho sa sobrang kahihiyan.
Plus the fact na nahimatay pa ko.
"Love at first sight? Sa drama nalang nangyayari yun."
"Malay mo naman!"
Eto talagang si Ella.
---------
"Let's take five." Hana said.
Naguguton na ko.
Sa sobrang pagmamadali ko kanina.
Hindi na ko nakapag-breakfast.
May malapit na coffee shop dito.
Naalala ko pa, duon ko unang nakita si Jimin.
Palabas na ko ng building para pumunta sa coffee shop.
"Jini!"
Lumingon ako at nakita ko si Jonghun na papalapit sakin.
"Oh! Ikaw pala! Hi!"
Sabi ko sa kanya habang kumakaway.
"San ka pupunta?"
Tanong ni Jonghun habang sabay kaming naglalakad.
"Dun lang sa coffee shop."
"Ahh! Duon din ako pupunta eh. Tara sabay na tayo!"
"Sige!"
Naka-order na kami at medyo madami na din kaming napagkwentuhan.
Matagal na pala siyang trainee sa BigHit at dapat pala member din siya ng Bangtan Boys kaya lang mas pinili daw ng President na gawin siyang solo artist.
"Wow! Eh kailan ka naman magde-debut?" Tanong ko sa kanya.
"Three months bago kayo mag-debut."
Six months pa kami maghahanda bago kami magdebut.
So siya three months nalang.
Teka lang bakit parang ako yung kinabahan.
"Three months nalang. So, naka-ready na yung debut song mo? Excited na ko para sayo!"
"Oo. Gusto mo bang marinig? Eto oh!"
Iaabot niya na sakin yung earphones. Biglang may tatlong lalaki na lumapit samin.

BINABASA MO ANG
Bangtan's Girl
FanfictionBuhay ng isang fangirl na naging isang K-pop Idol. Si Choi Jini ay isang ARMY (Army is the BTS fandom name than stands for Adorable Representative MC for Youth) na nagpanggap na hindi niya kilala ang kanyang favorite K-Pop boy group na Bangtan Boys...