CHAPTER 3

40 3 0
                                    


(At BTS dorm, Jimin's POV)

Hindi niya kami kilala?

Choi Jini.

Imposible.

May hindi pa ba nakakakilala samin?

Maliban nalang siguro kung hindi siya nanunuod ng tv, hindi siya nakikinig ng radio or ng music o kung wala siyang SNS account. Imposible naman.

"Nakakapagtaka. Sino kaya yung babaeng yun. Bakit hindi niya tayo kilala." -Suga

"Jini. Choi Jini ang pangalan niya."

"Hindi ba mas okay nga yon? Hindi niya tayo kilala. Ibig sabihin wala masyadong manggugulo satin sa lugar na to. Walang nakakakilala sa atin." -Rapmon

"Pero hindi ako naniniwala na hindi niya tayo kilala." -V.

"Tama na nga yan. Hayaan na natin. Mukha namang harmless si Jini at tama nga, mas okay kung wala masyadong nakakakilala satin dito. Mas may freedom tayo." -Jin

-----------
Jini's POV

Wala ata akong nagawa maghapon kundi matulog.

Anong oras na ba?

Mag-7pm na pala.

Nagugutom na ko.

"Ella! Ella!"

Wala ata si Ella.

Wala namang pagkain dito.

Maghapon narin lang naman akong tulog, kakain na nga lang ako ng ramen sa labas ng makapaglakad manlang.

Sa convenient store lang ako bumili ng ramen, instant noodles lang para mas madaling kainin.

Gutom na talaga ko eh.

Dito nadin ako kakain.

Sa table sa labas ng convenient store ako pumwesto.

Nagunat-unat muna ko habang iniintay kong lumambot yung noodles.

"Hi Jini!"

Sabi ng lalaking umupo sa harapan ko.

What the?

Suga?

Min Yoongi?!

Act normal Jini!

Remember, hindi mo siya kilala.

"Si...sino ka?" Magiging favorite line ko na ata to. My gosh!

"Nakalimutan mo na agad ako? Ay oo nga pala, nakalimutan ko magpakilala sayo kanina sa dorm. Ako nga pala si Min Yoongi pero pwede mo rin ako tawaging Suga."

Ano bang sasabihin ko.

Ano bang itatawag ko sa kanya?

Fan naman niya ko, Suga nalang.

Pero di naman niya alam na Fan niya ko so Yoongi nalang?

"Ano bang gusto mong itawag sayo?"

"Pogi? Hahaha. Biro lang. Ikaw bahala."

Bakit ba siya nandito.

Hindi ba siya natatakot na baka may paparazzi na sumusunod sa kanya.

"Ahh sige."

"Hindi mo ba kami kilala? I mean yung grupo namin?"

Pano ko ba ipapaliwanag sa kanya?

No.

Hindi ko kailangan ipaliwanag.

Nagpapanggap nga ako diba?

"Grupo? Ahh kayo? Hindi eh. Pasensya na ah!"

Bangtan's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon