Chapter 03: New Beginnings

40 5 5
                                    

ELISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELISE

Kinaumagahan ay dumating na rin sa wakas ang araw kung saan iba na ang papasukan kong eskuwelahan. Walang kasiguraduhan ang mga mangyayari kaya naman puno ng pangamba ang aking puso't isipan.

"Tawagin mo na nga si Elise. Mahuhuli ka nang dahil sa babaeng iyon, e." Mula sa aking kuwarto ay rinig ko ang boses ni Tita habang inaasikaso niya sina Papa at si Kuya Aiden.

"Hayaan mo na, Rea. Maaga pa naman, e," sagot ni Papa.

"Tama si Papa, Ma," pagsang-ayon naman ni Aiden.

"Tawagin niyo nalang kasi. Ang bagal naman magbihis ng babaeng iyon. Siguro ay ngayon lang iyon nag-eempake ng mga gamit niya."

Upang hindi na magalit pa si Tita ay kinuha ko na ang aking mga gamit na nakalagay sa isang malaking bag, bumaba ng hagdan, at saka dumiretso sa labas ng bahay kung saan naghihintay si Kuya Aiden.

"O ayan na pala siya, e!" wika ni Papa.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kayang pansinin. Mayroon pa ring sama ng loob na matatagpuan sa puso ko na hindi mawala-wala. Hindi ko alam kung bakit iniwan niya na lamang kami ng basta-basta lang ni Mama.

Kung kasama pa sana namin siya noon ay hindi na sana nagpakahirap si Mama. Hindi na sana naganap ang pangyayari noong gabing iyon.

"Pasok na kayo sa kotse. Bilis na!" utos ni Tita Rea. Sumunod kami sa utos niya subalit bago siya umalis ay nagpakita muli siya ng labis na pagmamahal sa pamilya niya.

Para sa akin ay ginagawa niya iyon upang ipakita sa akin na mas masaya si Papa kapag sila ang kasama niya.

"Aiden, nandiyan na ba sa loob ng bag ang mga kailangan mo Kumpleto na ba ang mga gamit diyan? May nakalimutan ka ba?" dagdag nito habang pinagmamasdan at kinakausap si Kuya mula sa labas ng kotse.

"Nandito na, Ma. Kumpleto na ito maniwala ka sa akin," sagot ni Aiden. "Ang dapat po na tinatanong niyo niyan ay si Elise kasi ngayon pa lamang niya mararanasang mag-dorm."

Bigla na lamang nanahimik si Tita. Alam ko namang maging siya ay naiilang kapag kinakausap ako.

"Sige na. Siguraduhin niyong wala na kayong nakalimutan, ha. Bye, Honey. Bye, anak," sagot nito.

Nagsimula nang umandar ang kotse. Kahit hindi ako tumingin sa likuran ay alam kong nakatingin pa rin sa amin si Tita at pinagmamasdan ang pag-alis ng pamilya niya.

"Handa ka na, Elise?" tanong sa akin ni Kuya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ang tanging nagawa ko lamang ay bigyan siya ng isang matamis na ngiti.

"Hay! Huwag kang kakabahan. Ngayong makakasama mo na ako sa isang eskuwelahan ay huwag ka na dapat matakot."

Simula pa noong nag-first year siya sa high school, doon na siya nag-aral sa isang sikat na eskuwelahan sa lungsod. Hanggang sa matapos ko ang junior high school ay hindi ako pinalipat ng paaralan nila Papa at Tita sa kadahilanang ayaw nilang gumastos nang malaki.

Simula noong madalas akong tinatawag sa Principal's Office nang dahil sa mga pambu-bully sa akin ng mga hindi masabi-sabihang mga estudyante ay para bang nagkaroon din ng awa ang dalawa. Hindi ko alam na mayroon pala sila ng mga bagay na iyon.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa isang lugar kung saan bibihira lang ang makikitang bahay. Ang mga bahay ring iyon ay magagarbo at may kalakihan.

Pagdiretso namin sa isang daanang nasa gitna ng kagubatan ay namataan ko ang isang napakalaking eskwelahan. Iyon na ang wakas ng daanan. Ang kasunod ay ang pathway na sa loob ng gate na may iba't-ibang patutunguhan.

"Ang ganda, hindi ba?" tanong sa akin ni Aiden habang hinahanda ang mga gamit naming dala.

"Oo." Hindi ako makapaniwalang pang-mayaman pala talaga ang eskuwelahang pinapasukan ni Kuya. Siguro kung dati pa akong nag-aaral dito ay marami na sana ang mga kakilala ko.

Nakapunta na ako roon noong nag-entrance examination ako subalit doon lamang kami pina-exam sa isang hall. Hindi ko pa nalilibot ang eskwelahan sa mga sandaling iyon.

"Nandito na tayo!" wika ni Papa. Paghinto ng sasakyan ay parang ayaw ko nang umalis. Kakaibang pakiramdam ang pumasok sa aking isipan noong mga sandaling iyon.

"Tara na, Elise! Magugustuhan mo rito!" yaya sa akin ni Kuya habang siya ay bumababa ng kotse.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kaniya. Ayoko rin namang sayangin ang pagkakataong magkaroon ng panibagong buhay sa isang eskuwelahang walang nakakaalam ng sikreto ko.

Naunang pumunta sa gate si Kuya at may iniabot sa gwardiya. Maglalakad na sana ako papunta sa kaniya nang bigla akong napatigil ni Papa.

"Elise, galingan mo, ha," wika niya. Paglingon ko sa kaniya ay nakita ko ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin at ang kaniyang mga labing nagpakita ng isang ngiti.

"Alam kong hanggang ngayon ay galit ka pa sa akin pero sana naman ay patawarin mo na ako. Sa totoo lang ay may dahilan kung bakit ako umalis. Mahal ko pa rin naman kayong dalawa ng Mama mo," dagdag pa nito.

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o may nakain lang na kakaiba si Papa ngayong araw. Kung kailan namang ilang buwan ko siyang hindi makikita at makakasamang muli ay magsasalita siya ng mga ganoong bagay.

Tatagan mo ang loob mo, Elise. Maaaring pinaglalaruan niya lang ang isip mo.

"Tara na, Elise! Pwede na tayong pumasok!" pagtawag sa akin ni Kuya.

Agad kong inalis ang tingin kay Papa at saka tumakbo na palapit kay Aiden.

"Mahal ko kayo, mga anak! See you on Christmas!" pagbati ni Papa bago pa man niya paandarin ang makina ng sasakyan at tuluyan na ngang dumiretso sa pagtatrabahuhan niya.

Namataan ko na lamang ang sarili kong pinagmamasdan ang sasakyan niya hanggang sa ito ay tuluyan nang mawala sa aking paningin. Natauhan lang ako nang bigla na lamang akong tinawag ni Kuya. "Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako," sagot ko sabay lipat ng pagtingin ko papunta sa kaniya.

"Bago tayo pumasok, siguraduhin mong huwag kang magpapasaway sa mga guro. Huwag na huwag mo silang iinisin," pabulong na paalala sa akin Kuya.

Noong sinabi niya ang mga bagay na iyon ay mas lalo pang nag-iba ang awra ng paligid. Hindi ko naman ito naramdaman noong pumasok ako rito.

"Sa mga dormitoryo naman dapat ay kapag sinabing 'lights out' ay matutulog ka na. Huwag ka ring basta-basta na lang gagala sa hallways at corridors kung wala kang pass," dagdag pa niya.

"Estrikto ba ang mga guro rito?" tanong ko.

"Hindi naman talaga sila estrikto kagaya ng iniisip mo. Kailangan lang talagang sundin sila para, alam mo na, magkaroon ka ng 'passing grades' at makapasa ka," sagot niya.

Bumukas na nga ang napakalaking gate na may mga disenyong halaman sa mga bakal na pinagsama-sama upang mabuo ito. Narito na ang sinasabi nilang 'moment of truth.' It's either my life will be better or it will be worse.

The Fury of Alvierra HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon