Chapter 01: Elise Buenaventura

89 9 8
                                    

ELISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELISE

Sanggol pa lamang ay marami na ang nagsasabing espesyal ako.

"Napakasuwerte mo sa anak mong iyan, Hija," sabi ng isang matanda kay Mama habang tinutulak niya ang stroller kung saan ako nakasakay.

"Salamat po," sagot naman ni Mama na kapansin-pansin ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Darating ang panahon na maguguluhan siya subalit balang araw ay matatanggap niya rin naman ang kagalingan niya ng buong puso," dagdag ng matandang babae at saka ako binigyan ng huling tingin bago ito umalis.

Ikinuwento iyon sa akin ni Mama. Mas lumalim pa ang lahat nang dahil sa mga ginagawa ko habang ako ay lumalaki.

"Elise, ano ba iyang tinitingnan mo sa bintana?" Limang taong gulang ako noon at nakaupo sa sofa namin na nakalagay malapit sa may bintana.

"Mama," wika ko sabay turo sa mga batang mas matanda sa akin ng ilang taon. Naglalaro ang mga ito ng bola sa kanilang bakuran. "Mama, mabubunggo yung lalaki."

Sinagot niya ako ng ngiti na para bang hindi naniniwala. "Tara na. Ang mabuti pa ay kumain ka na kasi may pupuntahan tayong dalawa ni Mama," sambit niya.

Ibababa na niya sana ako mula sa upuan nang bigla na lamang kaming nabulantang ng isang malakas na ingay mula sa labas ng bahay namin. Paglipat ng aming mga mata sa bintana ay nakita naming nakahiga ang isang batang lalaki sa gitna ng kalsada at sa harapan nito ay may isang kotse.

Pansin ko sa mga mata ni Mama ang pangamba. Paano ko nga naman nalamang magkakatotoo talaga ang sinabi kong iyon? At isa pa, paano ko nalamang mangyayari talaga iyon?

Paglipas ng maraming taon ay marami pa ang naganap na mga kakaibang bagay sa buhay ko na may kinalaman sa aking mga nakikitang pangitain. Sa una ay tinuring ko itong isang espesyal na abilidad subalit pagtagal ng panahon ay mas ninais ko na lamang na ito ay mawala, lalo na noong dumating ang ika-labing lima kong kaarawan.

"Pasensiya ka na, Elise," wika ni Mama sa akin sa cellphone habang siya ay tumatawag. "Hindi pa rin ako makakauwi ngayon. Marami pa kasi ang tatrabahuhin ni Mama, e."

Dati pa naming pinagplanuhan ang mga gagawin namin sa kaarawan kong iyon. Pinangako niyang uuwi siya.

Napuno ako ng galit, lalo na noong labis akong napahiya sa eskwelahan...

"O, ito," wika sa akin ng isa sa mga kaklase kong babae sa dati kong paaralan. Mayroon siyang iniabot na isang maliit na kahon.

"Ano ito?" tanong ko.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga siya kalapit. Sa kadahilanang ang tingin nila sa akin ay 'weird,' iniiwasan ako ng mga kamag-aral ko.

Wala akong kaibigan. Subalit kahit na ganoon ay nasa top 5 pa rin ako sa klase simula noong nagsimula ako sa high school.

"Happy Birthday!" bati niya. "Regalo ko iyan sa iyo."

Hindi ako umimik. Kahit kailan ay hindi pa ito nangyari sa akin. Tanging ang mga guro ko lang naman ang naririnig kong nagbibigay ng pagbati sa akin sa tuwing sasapit ang kaarawan ko.

Binigyan niya ako ng isang ngiti. "Alam kong parang naiibahan ka sa akin. Naiintindihan ko iyon," wika  niya. "Simula noong Grade 7 pa lang tayo ay hindi na maganda ang inasal ko sa iyo kagaya na lamang ng pangongopya at pagsasabi na wirdo ka, alam ko iyon. Pero ngayong nag-mature na ang isip ko, naisip kong mali pala iyon." Umupo siya sa upuang bakanteng nasa katabi ko.

"Pasensiya na, Elise. Sana ay tanggapin mo itong regalo ko," dagdag pa niya.

Nakita ko sa mga mata niyang sinsero siya kaya naman ay tinanggap ko ito. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti habang binubuksan ko ang kahon na may laman palang isang napakagandang kuwintas na may pendant na gawa sa gintong inukit bilang isang puso.

"Sa akin ba talaga ito? Sigurado ka ba?"

"Hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya. "Lima pa naman kaming nag-ambagan para diyan. Binili namin iyan sa Mommy ni Kyla. Binigyan niya kami ng discount kasi nga nanalo sila sa lotto."

"Nabalitaan ko rin iyon," sagot ko sabay bigay sa kaniya ng ngiti.

"Suutin mo na iyan. Bagay namin iyan sa iyo," sambit niya. Tinulungan niya akong suutin ang binigay niyang kuwintas. Noong suot-suot ko na ito ay kinuha ko ang aking salamin at pinagmasdan ang ganda nito.

"Salamat sa inyo. Palagi ko itong susuotin."

Ang akala ko ay tanda na iyon ng pagkakaroon ko ng mga kaibigan. Iyon pala ay akala ko lang pala iyon.

Isa sa mga pinakamayaman sa eskuwelahan namin ang nagreport na nawawala ang kuwintas niya. Yun pala ay ang kuwintas na binigay sa akin ng kaklase ko ay galing pala sa kaniya.

Dahil doon ay pinapunta ako sa Principal's Office. Hindi lang iyon! Ginawan din nila ako ng fake video na ninakawan ko sa bag niya ang tunay na may-ari at inapload niya rin ito sa internet.

Agad na nag-viral ang video na dinagdagan pa ng mga videos na may kinalaman sa mga nakikita kong mga kakaiba sa aking isipan.

May sakit sa pag-iisip. Tanga. Uto-uto. Wirdo. Iyon ang mga narinig ko sa loob ng isang buong araw na iyon na hindi natigil kahit nasa bahay na ako.

Wala pa rin noon si Mama at pagbukas ko ng social media accounts ko ay naroon ang mga ipinakalat na videos tungkol sa akin. Ang totoo pala ay dati pa nilang plinano na sirain ang kaarawan ko.

Nireport ko na sila sa Prinsipal subalit nang dahil sa siya ang ama ng batang mayaman ay hindi niya ito binigyan ng pansin.

Tinawagan ko na rin ang mga pulis at sinabihan sila tungkol dito subalit hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na sagot at aksiyon galing sa kanila.

Bukod doon ay nakailang miss calls at text message na rin ako kay Mama subalit hindi siya sumasagot.

Sa lahat ng kaarawan ko ay ito na yata ang pinakamasklap. Kahit kailan ay hindi pa ako nagdiriwang ng kaarawan ko na wala si Mama sa tabi ko. Kahit na wala akong kaibigan ay siya ang nagpapakita sa akin na importante ako.

Galit at sama ng loob ang naramdaman ko. Nagpadala ako sa aking emosyon na naging dahilan ng pagwawala ko sa aking kuwarto hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Paggising ko ay binati ako ng mga missed call sa cellphone ko at ang iba doon ay voice mails.

Elise, pauwi na si Mama. Sorry kung ngayon lang ako nag-reply. May dala-dala akong pagkain at mga paborito pa natin ito.

Elise, parang may sumusunod kay Mama. Hindi ko alam pero ang sama ng pakiramdam ko.

Malapit na ako sa bahay. Sinong may gusto ng dumplings?

Sunod-sunod ko iyong pinangkinggan hanggang sa dumating na ang pinakahuli sa lahat...

Elise, p-pasensiya na kung hindi man ako m-makauwi ngayon. H-Happy Birthday pala, anak. Mahal na mahal ka p-palagi ni Mama. Huwag mo sanang kalimutan iyon.

Pawang nanghihina siya noong binabanggit niya ang mga salitang iyon. Bago pa man ito matapos ay mayroong sigaw na maririnig — ang sigaw niyang parang naghihirap.

Bukod doon ay may mga miss calls akong natanggap mula sa hindi kilalang numero. Pag-scroll ko ay may nakita akong text messages nito.

Elise Buenaventura, tama ba? Ang Mama mo, si Athalia Buenaventura, nasa ospital namin ngayon dito sa De Va Hospital. Kung maaari ay pumunta ka rito o kahit sino mang mag-aasikaso sa kaniya.

Si Athalia Trinidad Buenaventura ay binawian na ng buhay. 11:58 p.m. ang time of death. Labis naming ikinalulungkot ang nangyari.

The Fury of Alvierra HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon