Chapter 09: Mutuals

23 3 1
                                    

Mas lumalim pa ang pakiramdam na iyon nang dumating ang isang babaeng ngayon ko pa lamang nakita. Naroon lamang siya sa may pintuan at hindi umalis doon hanggang sa ginabayan siya ng mahiyaing si Athena. Hindi ko inakalang siya ang unang papansin sa bagong saltang iyon.

Masama pa rin ang pakiramdam ko lalo na noong pumasok na siya sa silid-aralan namin.

"Tara na sa loob!" pagyaya rito ni Athena. "Magkatabi lang tayo ayon sa papel na iyon. Ako ang nasa number 7 at ikaw sa number 8."

Bago pa man siya umupo ay naobserbahan kong para bang wala siyang tiwala kay Athena. Para siyang perfectionist na maiging nagsusuri ng upuan niya.

Napansin niya ata ako. Nakatingin siya sa akin!

Biglang nagsipagtahimikan ang lahat nang tumunog na ang bell. Umpisa na nga ng lahat.

"Good morning, class," bati ni Professor Alfred.

"Good morning, Sir."

"Balita ko ay may bago kayong kaklase," sabi pa ng guro sabay tingin sa babaeng kanina ko pa inoobserbahan. "Tumayo ka, Miss, at magpakilala. Kahit diyan ka lang sa upuan mo para naman mas makilala ka pa namin ng mga kaklase ko."

"Ako po si Elise Buenaventura at nanggaling po ako sa De Verra High."

Parang pamilyar sa akin ang pangalan ng babaeng iyon. Hindi ko lang alam kung saan ko ito narinig. At saka... ang boses niya... Nakita ko na ba siya dati?

"Nice to meet you, Ms. Buenaventura. Ayos ka na ba diyan sa upuan mo?" tanong ni Professor dito.

"Okay na po ako dito, Sir," sagot nito.

Oo, may panibago na nga siyang paboritong estudyante at alam namin iyong mga datihan na sa eskuwelahan.

Speaking of class favorite, where could that Miko be? Hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Gusto ba niyang matuluyan na?

"Wala bang absent ngayon?" tanong ni Professor.

"Wala po," ang sagot ng mga kaklase kong hindi napansin ang tahimik na si Miko Baltazar.

"Magaling," sagot ng guro. Matalas ang mga mata niya. Alam kong alam niyang wala pa si Miko. "Ngayong unang araw ng klase, nais ko sana na magbahagi kayo sa akin at sa kapwa niyo estudyante tungkol sa mga naranasan niyo noong bakasyon," dagdag pa nito. Ito na nga ang isang bagay na pinakaayokong gawin lalo na sa mga taong hindi ko naman kalapit.

Ayokong magbahagi na naman ng mga ginawa ko sa buhay. Lalong-lalo na sa paaralang ito.

Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko sa kagustuhan kong makaiwas sa mga bagay na iyon. Hindi pa nga ako nakakalayo nang napansin akong agad ni Professor Alfred.

"At saan ka naman pupunta?" tanong ng Professor.

"V, bumalik ka na rito," wika ni Jeron sa akin. Alam naman niya kung ano ang mangyayari kung magpapakatanga ka sa paaralang ito. Alam niya iyon dahil naging isa na rin siya sa mga nabiktima.

Ayokong humarap sa mga kaklase ko. The girls might be worried for my safery but the boys might be judging me. Mahirap nang uminit ang ulo ko sa unang araw ng pasukan. Marami pa akong buwang tatapusin.

"Vian Domingo, tama ba?" dagdag ng guro.

Kailangan kong makaisip ako ng maipagtatakip na istorya. Hindi ko naman kasi alam kung bakit ako nagpadalang muli sa emosyon ko. Ayokong mapahamak nang dahil sa katangahang ipinakita ko ngayon. Ayokong may madamay muli...

"Pasensiya na po, Sir," wika ko.

"May problema ba?" tanong pa ni Sir.

Bigla ko na lamang naalala si Miko na wala pa sa upuan niya. Bilang isang top student at nang dahil na rin sa mga naranasan ko, natuto na akong maghanap ng mga paraan upang mabuhay.

"Nais ko lang po sanang tingnang muli kung ano ang pangalan ng taong nasa Seat Number 15 sa kadahilanang wala pa po siya. Hindi naman po talaga ako lalabas kasi pwede namang silipin ko lang ang papel nang hindi lumalampas sa sakop ng pintuan natin. Madali lang naman po ang gagawin ko kaya naman hindi na ako nagtangkang abalahin ang masayang usapan ninyo ng mga kaklase ko," dagdag ko na kunyari ay napakahinahon.

"Sige na. Bumalik ka na sa upuan mo," ang wika sa akin ni Sir. Sinunod ko ang sinabi niya at nanatiling tahimik, ayokong magpadala ulit sa emosyon ko.

"Nakalimutan ko palang magpakilala, ah! Para mas makilala mo ako Ms. Buenaventura at para maalala niyo rin ang magandang pangalan ko, ako nga pala si Jerome Smith at ako ang class adviser niyo. Ako rin ang magiging subject teacher ninyo sa Introduction to Philosophy," dagdag ni Professor.

Tingnan natin kung hanggang kailan niya tatratuhin ng ganiyan ang bagong saltang iyon.

"Ngayon ay bibigyan ko kayo ng isang tanong. Anong gusto niyong gawin namin ngayon: ang mag-share kayo sa isa't isa ng mga naranasan niyo noong bakasyon o magsisimula na tayo ng lesson natin?"

"Sir!"

Tsansa ko na ito.

"Mas magandang magsimula na tayo ng lesson natin. Wala naman po akong masasabi sa pinagagawa niyong iyan."

"How about we leave the decision to Ms. Buenaventura since she is our new student?" Nagsilipat na naman sa babae ang mga tingin ng mga kaklase ko. "Ms. Elise, anong mas maganda para sa iyo?"

Hay naku talaga!

"Uhh... Magshesharing nalang po tayo siguro," mahinang sagot nito.

"Nanatili lang ako sa bahay at nanonood ng mga palabas sa cellphone ko," wika ng babaeng iyon.

"Pumunta kami sa mall ng parents ko at nanood ng sine," ang sabi ni Athena. Mabuti pa siya.

"I spent most of time alone and going to my boxing class," wika ko. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Pansin kong nagsibulungan na naman ang mga kababaihan. Malamang ay may kinalaman na naman iyon sa sagot ko.

Tumunog na ang bell bilang hudyat ng panibagong asignatura. "Goodbye, class."

"Goodbye, Sir!"

Kailangan kong sabihin kay Athena ang pangyayaring ito.

"Athena, may sasabihin ako sa iyo," ang sabi ko sa kaniya.

"Ano yun?" tanong ng nagtatakang si Athena.

"Doon tayo mag-usap sa dati nating lugar," mahinang sagot ko sabay hila kay Athena palabas. "Mahirap na sa lugar na ito," dagdag ko sa kaniya nang pabulong.

The Fury of Alvierra HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon