Chapter 11 | Premonition?

27 2 2
                                    

Elise

"Page 46?"

Pansin kong para bang natataranta ang mga kaklase ko. Nararamdam para bang may kakaibang awra sa paligid.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha ng guro namin sa unahan ay nabalot ako ng pagtataka. Namayani sa aking isipan ang mga salitang, "Parang nakita ko na siya dati."

Maigi kong pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung saan subalit ramdam ko na nagkita na kami rati.

Agad niya akong nilapitan na para bang nagmamadali. Hindi ko alam kung mabait din ba siya kagaya ng mga guro sa ibang asignutara.

Pinagpatuloy ko ang paghahanap hanggang sa naramdaman ko na lamang na may humila sa aking libro. Paglipat ng mga mata sa aking unahan ay namataan ko ang guro at hinanap ang pahina mula sa librong pinapabuksan.

Pagkatapos na hanapin ay dumiretso ang libro papunta sa aking upuan na may kasabay na paglatag dito nang may puwersa.

"Pasalamat ka dahil baguhan ka," wika nito sa akin sa kaniyang seryosong boses. "Sa susunod ay matatanggap niyo na kung ano ang mga nararapat para sa mga hindi sumusunod sa sinasabi ko."

Hindi kagaya ng iba ay medyo may kasungitan ang guro kong ito. Hindi ko ba alam subalit ang bigat ng pakiramdam ko sa kaniya.

"Ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa pagdedepensa sa sarili," wika ng guro habang naglalakad palayo sa akin. Naglakad siya ng kaunti hanggang sa bigla na lamang siyang humarap muli sa amin. "Ngayon," dagdag pa niya, "sino ang magde-demonstrate rito sa harapan kung ano ang gagawin kung may biglang humawak ng iyong bag?"

Wala akong kaalam-alam tungkol sa bagay na iyon. It's just the first then, yet there's an on-the-spot demo?

"Sir!" Sabay na nagtaas ng kamay ang tinatawag nilang Vian at pati na rin si Athena.

"Kung ganoon ay pumunta kayo rito sa aking harapan," utos nito.

Maglalakad na sana ang dalawa nang biglang may nadagdag sa sinabi nito. "Ms. del Valle, dalhin mo ang bag mo at ikaw ang magdedemo."

"Athena, good luck," pabulong na papuri rito ng kakarating pa lamang na lalaki.

Nginitian siya ni Athena at saka na siya pumunta sa harapan.

"Mr. Domingo, ikaw ang kumuha ng bag ni Ms. del Valle," utos pa ng guro.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan," pabulong na wika ni Vian kay Athena na para bang malakas ang loob na siya ang mananalo.

"Mr. Domingo, bilis na!" pagsigaw ng guro.

Napuno ng halaklak ng mga kalalakihan ang buong silid.

"At ano naman ang nakakatawa? Sinabi ko bang tumawa kayo?!" pagdiin ng guro.

Agad na tumahimik ang lahat. "Simulan na!" paghudyat nito.

Habang naglalakad papunta sa direksiyon ng isa't isa ay hinakbot ni Vian ang bag ni Athena. Matatangay niya na sana ito subalit umikot si Athena at tinamaan ng kaniyang kanang kamay ang leeg ni Vian. Ito ang dahilan kung bakit napahiga sa sahig ang lalaki.

"Vian!" pag-aalala ng mga kababaihan.

"Ang sakit nun!" bulalas ng mga kalalakihan.

"Ang laki ng pinagbago ng Athena ko. Ngayon ay mas magaling na siya kaysa kay Vian sa Self Defense!" wika ni Erika.

"Nerve-strike?" tanong ng guro. "Magaling!"

Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nagpapakita ng pagbabago sa kaniyang ekspresyon ang guro.

"Ngayon ay maaari ka nang bumalik sa upuan mo," wika pa nito.

"Paano po si Vian?" nag-aalalang tanong ni Athena.

"Hayaan mo siya," sagot ng guro.

Tinuturuan niya ba kami kung paano manakit ng kapwa? Hindi ba niya gagamutin o ipapadala sa clinic ang paralisadong si Vian?

"Athena, ang galing mo!" pagpuri ni Erika sa kaibigan noong ito ay bumalik na nga sa kaniyang upuan.

"Hindi ko naman sinasadyang maparalisa siya," sagot sa kaniya ni Athena. Pansin ko sa kaniyang tinig ang pag-aalala.

"Mr. Hernandez, itabi mo muna ang kaibigan mong ito," utos ng guro sa kaibigan nito.

"Sir, hindi pa po ba natin siya ididiretso sa clinic?" pag-aalala nito.

"Kasalanan niya kung bakit siya nakaranas ng ganiyan," mahinahong sagot ng guro. "Maging silbing aral sana ito sa inyo. Kung ayaw ninyong masaktan, huwag nalang kayo basta-basta na lamang magboboluntaryo. Mag-aral muna kayo!"

"Napakasama niya talaga." Narinig ko ang pagsasalita ng isa sa mga babaeng nasa kabilang row.

Agad na humarap dito ang tingin ng guro na para bang nanlilisik ang mga mata. Hindi man niya inikot ng bahagya ang kaniyang ulo ay kitang-kita ko ang pagtingin niyang iyon.

"Moving on, let us head on to defining what is Nerve-strike," wika nito kahit alam niyang nahihirapan pang kargahin ng kaibigan si Vian papunta sa upuan nito.

Kung kanina ay pag-aalala ang ekspresyon sa mukha ni Athena, ngayon ay parang wala nang nangyari.

Something strange is going on!

"Sinong makakapagsabi kung ano ang ibig sabihin ng Nerve-strike?" tanong ng guro. Inikot nito ang kaniyang paningin subalit walang sumasagot. "Wala?!"

Mas aalab pa sana ang tingin nito nang bigla na lamang nagtaas ng kamay ang bagong dating.

"Yes, Mr. Baltazar?"

"Nerve-strike is a technique used in Martial Arts to make the enemy stunned or paralyzed. It targets the nerves of the other person that makes him/her drop down," sagot ng lalaki.

"Nice job, Miko!" pagpuri rito ng isa sa mga kababaihan.

"Magaling, Mr. Baltazar. Masaya akong malaman na mayroon pa pala akong mga estudyante na may ganang matuto," sambit ng guro. Binanggit niya ang salitang masaya subalit pansin kong hindi naman siya tumatawa o ngumingiti man lamang sa mga oras na iyon.

Nagsimulang gumuhit sa pisara ang guro. Kaunting pagpapalayag ng chalk sa pisara ay natapos din niya ang ginuhit. Napuno ako ng pagtataka lalo na noong nakita ko ang kumpletong guhit.

I saw a sketch of a young woman being hanged up from a tree. Napapalibutan ito ng mga puno at sa may tagong lugar ay mayroong para bang isang taong nakatingin.

"Miss Buenaventura!"

Noong narinig ko ang tinig na iyon ay bigla na lamang akong natauhan. "Miss Buenaventura!"

Hindi ko namalayang tinatawag na pala ako ng guro. Pagtingin ko sa pisara ay ibang guhit ang nakita ko at malayong-malayo sa aking unang nakita. Ito pala ay guhit ng parte ng katawan ng tao kung saan mayroong mga nerve.

Anong nangyayari sa akin?

The Fury of Alvierra HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon