Chapter 10 : Thoughts of Uncertainties

18 2 0
                                    

Vian's POV
 
Dinala ko si Athena papunta sa library. Bihira kong kausapin ang mga kaklase ko kaya naman baka pag-isipan ako ng kung ano-ano ng mga iyon. Hindi ko naman kakausapin nang basta-basta na lang si Athena kung hindi naman importante.

"Anong nangyari? Why did you bring me here?" tanong niya sa kaniyang inosenteng boses.

"Kasi..." Hindi ko ba alam kung bakit pero parang hindi ko na maipaliwanag sa kaniya ang mga pangyayari.

"Dating lugar pala ah?" dagdag pa niya sabay bigay sa akin ng ngiti.

"Uhhh..."

"Sige na, Vian. Anong problema?" tanong niya sabay upo sa upuan sa aking harapan. Ang luntian niyang mga mata ay nabaling sa akin habang isinasanday niya ang kaniyang ulo sa kamay niyang nasa lamesa.

"Actually, it's about..."

Hindi pa nga ako nakakasagot sa kaniyang mga tanong nang bigla na lamang nabaling ang kaniyang paningin at atensiyon sa may parteng likuran ko.

"O!" Narinig ko mula sa may parteng iyon ang boses ng isang pamilyar na tao.

Sa paglingon ko ay nakita ko ang isang maputi, matangkad na lalaki, at medyo singkit ang mga mata. May dala-dala itong mga libro.

"Anong ginagawa niyo rito?" dagdag nito.

Napansin kong nginitian lamang siya ni Athena. Siguro pati siya ay may kaunting inis din sa lalaking iyon.

"Ikaw ang dapat na tangunin namin niyan!" wika ko rito.

"Bago ako pumasok sa classroom natin, nakita ako ng librarian at humingi sa akin ng tulong para ayusin ang ilang libro rito sa loob," mahinahong sagot nito sa akin. "Nagpaalam naman ako sa mga guro natin ngayong umaga. Mamaya ay papasok na rin ako."

"O sige, ikaw ang bahala," mahinang sagot ko rito. Magsisimula na sana akong magsimulang magtanong muli kay Athena nang biglang naramdaman kong may humawak sa aking balikat.

"Salamat pala sa pag-aalala," wika nito sa napakainosenteng boses.

Oo, mabait siya subalit ang hindi ko lang gusto sa kaniya ay minsan may pagka-wirdo siya. Minsan ay parang nasosobrahan na siya sa kabaitan. Marahil ay iyon din ang maaaring maging matinding kahinaan niya.

Nakatitig lamang siya sa akin na para bang naghihintay ng sagot. Sa mga oras na iyon ay hindi ko na alam kung matutuloy pa ba ang usapan namin ni Athena.

"Magta-time na. Papasok ka na ba sa sunod na subject?" tanong rito ni Athena.

Pansin kong uupo na sa tabi ko si Miko kaya naman ay naisipan na ng aking isipang umalis na lamang. Ayokong may ibang nakikinig sa isang seryosong usapan.

Hindi na ako lumingon subalit narinig kong nagsimula na ng usapan ang dalawa tungkol sa mga susunod na asignatura.

Bumalik na nga ako sa classroom at naupo sa aking upuan. Doon ko napansin ang bagong salta na kausap si Erika.

"Bakit naman?" tanong dito ni Elise.

"Basta," sagot ni Erika. Pansin kong parang tumitingin-tingin siya sa bandang likuran niya — sa parte kung saan ako nakaupo.

"Naiintindihan ko," wika ni Elise.

Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawa?

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Athena kasama ang Miko na iyon na may dala-dalang ilang libro.

"Sige na bumalik ka na sa upuan mo," wika rito ni Athena.

Ewan ko ba kung paano niya nagugustuhan ang ugali ng lalaking iyon. Tahimik din siya pero hindi naman kasing-wirdo ni Miko.

"Athena!" pagtawag dito ng kaibigan.

"O, Erika!"

"Saan ka naman pumunta? Bakit hindi mo ako sinama o sinabihan man lang?" tanong dito ni Erika na para bang nagtatampo.

"Uh..." Nabaling ang tingin sa akin ni Athena. Sana ay mapagkatiwalaan ko siya. Kung hindi naman ay may back-up plan akong iniisip.

"Nag-usap lang naman kami ni V," sagot niya sabay upo sa kaniyang upuan.

Sasabihin kaya niya? I mean, she can say it to her best friend but just not on that Elise.

"Nag-usap lang naman kayo ni V?" tanong rito ni Erika na para bang may kaunting kilig sa kaniyang tono.

Alam kong maling makinig sa usapan ng iba subalit wala akong magagawa kung malakas ang mga boses nila habang nag-uusap-usap sa harapan ko.

"Bakit? Bakit ka namumula?" tanong ni Athena.

"Well, you know that Vian's such a big deal in this school. Dati hindi naman kayo close pero ngayon parang nagsisimula na," wika ni Erika.

Pinatahimik siya bigla ng kaibigan habang ito'y nagsasalita. "Tumigil ka nga," pagsita rito ni Athena.

"Pwede bang matanong kung ano ang pinag-usapan niyo?" tanong pa ni Erika.

"Just... Just about academics," rinig kong pagsagot ni Athena.

"Mga matatalino nga naman," pagbiro ni Erika. "Mag-iingat ka, baka matalo ka ni Vian at siya ang pumalit sa iyo na Top 1."

Maybe Erika's wrong. Maybe she's right. Ang pagiging Top 1 student ay maaaring sumpa at maaaring biyaya para sa amin sa paaralang ito.

Ngayong magtatapos na kami ng Senior High School ay kailangan kong i-maintain ang pagiging Top 2 ko. Mas maganda nga kung matatalo ko si Athena.

I was busy staring at the conversations of the two girls sitting in front of me when, all of a sudden, the bell rang. Iyon na nga ang pahiwatig na magsisimula na ang ikatlong asignutara ngayong araw — ang Disaster Readiness and Risk Reduction.

"Good morning," bati sa amin ng pangatlong gurong pumasok sa klase ngayong araw. Walang ekspresyong makikita sa kaniyang mukha at para bang wala siyang interes na makita kami.

"Good morning, Sir," bati namin dito.

Ang propesor na iyon ay si Professor Vladimir Viejo. Siya na yata ang pinakamatagal na guro sa paaralang ito simula pa noong pinatayo ito. Ayon sa naka-record sa kaniyang buhay na makikita sa library ay naging guro na rin siya sa iba't ibang sikat na eskuwelahan.

"Buksan ninyo ang mga libro ninyo sa ika-46 na pahina," utos nito sa amin.

Mabilis kong binuka ang aking libro at hinanap ang pahinang kaniyang pinapahanap. Kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ko at ng mga grado ko.

Isa sa mga kaklase ko ang napansin kong parang natatagalan sa paghahanap. Iyon ay wala nang iba kundi ang baguhang si Elise.

Agad na naglakad papunta sa upuan nito ang guro na nananatili pa rin ang mukhang seryoso.

Lagot ko ngayon...

The Fury of Alvierra HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon