Elise
Nakatutok sa kanila ang aking mga mata nang may narinig akong mga kalabog sa sahig. "Anong ingay na iyon?" tanong ko kay Athena.
"Mga kaklase lang natin iyon na babae," sagot ni Athena na nanatili na lamang nakaupo at nakasirado ang hawak na flashlight.
"Saan sila pupunta? Pwede pa bang lumabas?" Maraming katanungan ang namuo sa aking isipan. Mas lalong namuo ang kakaibang awra sa paligid.
Hinawakan ko ang doorknob at ito ay inikot. Sa oras na bubuksan ko na sana ito ay nakita ko sa kakaunting butas sa pintuan ang mga naglalakad na mga kababaihan. Karamihan sa mga naroon ay mga kaklase ko.
Agad kong isinirado ang pinto upang hindi nila ako mapansin.
"Buti na lang at hindi mo itinuloy," wika ni Athena. "Kagaya nga ng sabi ko kanina, huwag dapat tayong basta-basta nalang mangingialam sa mga bagay-bagay."
Bumalik na ako sa kama at saka umupo. "Bakit nga ba ganoon ang batas dito?" tanong ko sa kaniya. "Mabuti pa ay itanong ko na ng direkta kung ano nga ba ang mga batas sa eskwelahang ito."
"Kung gusto mong malaman ang mga ito, nandoon sa library ang mga sagot. Puwede kang pumunta roon at magbasa," sagot sa akin ni Athena. "Ang kailangan mo lang gawin ay manatiling tahimik lalo na kapag nandiyan ang nagbabantay."
"Bukas ay pupunta na ako doon," sambit ko.
"Mabuti pa ay matulog ka na, Elise," wika niya na may ngiting mapapansin sa kaniyang labi. "Maaga ang pasok bukas at maniwala ka sa akin na walang sinuman dito ang gustong mahuli sa klase."
Inihiga ko ang aking katawan sa malambot na kutson ng kama. Maya-maya lamang ay nakabalik na ako sa mundo ng aking mga panaginip.
"Matulog ka nang mahimbing, Elise." Narinig kong wika sa akin ni Athena bago pa man ako makaidlip.
Kinaumagahan, nagising ako nang maaga upang maghanda ng aking sarili. Sa aking paggising ay nakita ko si Athena na nakasuot na ng kaniyang uniporme.
"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko rito.
"Napaaga ang gising ko ngayon. Iniisip ko kasi na maagang pumasok sa room para may oras pa ako para mag-aral," sagot niya sa akin.
"Pupunta ka na ngayon doon?" pagtingin ko sa bintana ay namataan kong madilim pa ang paligid. Sa may orasan naman ay makikitang alas singko pa lang ng umaga.
"Oo sana kaso ayoko namang iwan kita rito," sagot ni Athena.
"Pumunta ka na doon. Kaya ko namang mag-isa," wika ko. Pansin kong parang mahilig at masipag mag-aral si Athena. Ayoko namang maging sagabal sa gusto niya.
"Sigurado ka ba diyan?" paninigurado niya. "I'm just worried because you don't know this school yet. You might get lost."
"Matagal pa bago ako makatapos," sambit ko sa kaniya nang pabiro. "Bibilisan ko na lang para makasunod ako sa iyo agad."
"Sige. Mauna na ako, ha," wika ni Athena. "Basta kapag may kailangan ka, nandiyan lang sa tapat natin si Erika."
"Sige. Susunod na lang ako maya-maya," sagot ko. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makalabas na siya sa may pintuan. Pagkatapos ay hindi na ako nagsayang ng oras upang maghanda ng aking sarili para sa klase.
I was combing my hair when I noticed something strange. Pinagmasdan ko nang maigi ang salamin at saka nahagip ng aking mata ang isang itim na bagay. Para itong tao na bigla na lamang dumaan palabas ng pintuan na para bang isang multo.
"Athena? Athena, ikaw ba yan?" Binuksan ko ang pintuan subalit wala akong nakitang kahit na sino sa may korido.
Sa mga oras ding iyon ay natiyempohan kong nakabukas ang pintuan ng Room No. 5.
"That's it! I'm going to use the other's comfort room!" Mas bumukas pa ang pinto nang lumabas ang kasamahan ni Erika sa kuwarto niya.
"Mas pabor nga iyon para sa akin, e!" sagot naman dito ni Erika.
Nagkatagpo ang mga mata namin ng kasamang iyon ni Erika. Namataan kong dala-dala niya ang kaniyang tuwalya pati na rin ang isang maliit na bag.
"Uh... Elise, tama ba?" tanong niya sa akin na sinagot ko naman ng isang tango. "May gumagamit pa ba ng c.r. sa kuwarto ninyo?"
"Wala naman," sagot ko naman.
"Pwede bang makiligo?" dagdag niya. "Doon kasi sa amin, may umaangkin ng banyo. Ang tagal-tagal maligo!"
"Kakapasok ko pa lang dito kaya huwag kang -" Hindi na ito natuloy ni Erika nang siniraduhan siya ng pinto ng kasamahan niya.
Pinapasok ko ito sa silid namin ni Athena. Dumiretso siya sa banyo samantalang ipinagpatuloy ko naman ang aking pagsusuklay.
Inalis ko na sa aking isipan ang nakita ko kanina. It's either I'm just hallucinating or I'm just still getting use of this place.
"Nasaan si Athena?" tanong niya sa akin.
"Nauna na siya sa classroom natin," sagot ko.
"Ano?" tanong nito sa tonong para bang nagulat. "Ang aga pa, ah?"
Pumasok bigla sa aking isipan ang mga katangungang hindi ko alam kung ano ang sagot.
"Hindi ba siya pumupunta sa classroom nang ganitong oras? Is there anything wrong?" tanong ko, umaasang masagot niya man lamang ang ilan sa mga katanungang namumuo sa isip ko.
"Maaga siyang pumupunta roon pero hindi ganitong oras. Kung hindi 6:30 ay 7:00 na siya pumupunta roon. Minsan nga ay ako na ang nauuna sa kaniya," pagpapaliwanag ng kasamahan ko.
"Baka may gagawin lang siya ngayong importante," mahinang sambit ko na lamang. Baka naman dadaan muna siya sa library o kaya naman ay gusto niya munang mapag-isa. Hindi ko pa kilala ang buhay ni Athena kaya naman ay pinipilit ko ang aking sarili na huwag basta-basta na lamang manghusga.
"By the way, I'm Clarity Francisco," wika niya, "You can call me Claire for short."
"Uh... Claire, puwede bang magtanong?" wika ko.
"Ask away."
"Maganda ba ang paaralang ito. I mean, is your experience here good or bad?" tanong ko rito.
Bigla na lamang nabalot ng katahimikan ang buong kuwarto. Hanggang sa natapos na akong mag-ayos ng aking buhok ay hindi pa rin siya umimik.
"Claire?" Tinawag ko ang kaniyang pangalan subalit wala akong narinig na sagot. Ang tanging naririnig ko lang ay ang patuloy na pagtulo ng nakabukas na gripo sa loob ng banyo.
"Claire, tapos ka na ba?" Tinawag ko siyang muli subalit wala akong narinig na sagot.
Paulit-ulit kong tinawag ang kaniyang pangalan subalit wala ng sinumang sumasagot. Napansin ko sa siwang na nasa baba ng pinto na para bang walang anino ng tao sa loob.
Nang dahil sa kinain na ako ng pangamba ay dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto. Tinakpan ko na lamang ang aking mga mata ng kamay ko.
Pagkabukas ko ay napatigil akong bigla nang dahil sa aking nasaksihan.
BINABASA MO ANG
The Fury of Alvierra High
HorrorWelcome to your greatest nightmares! ***** The class of Alvierra High is once again open for the new school year. Being the 'bossy kids' of the school, the graduating students' eyes were caught by the newbie, Elise Buenaventura. Adding up into her m...