Chapter 12 | First Twilight

24 2 0
                                    

"Tinatawag kita, Miss Buenaventura!" pag-ulit ng guro.  

Pansin ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso na para bang mayroon itong ipinapahiwatig. "Bingi ka ba, ha?" tanong pa nito.

Ang gusto ng aking isipan ay tumayo na ako subalit ang nais naman ng aking puso ay manatili lamang sa aking pwesto. Kahit gusto ko nang ilayo ag tingin ko sa kaniya ay hindi ko ito magawa. Para bang biglang nanigas ang buo kong katawan.

"Elise, ayos ka lang ba?" pabulong na tanong sa akin ni Athena.

Nakita ko na lamang na kumuha ng mahabang patpat at guro at saka humakbang palapit sa aking kinauupuan. Sa kada paghakbang niya ay rinig ko ang yabag ng kaniyang mga paa. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan lamang ang kilos niya.

Ihahampas niya na sana sa akin ang patpat nang bigla na lamang tumunog ang bell. Kasabay noon ang pagkakabalik ko sa aking katinuan.

Napansin ko na lamang na para akong tumakbo ng napakaraming kilometro. Ang pintig ng aking puso ay para bang hinahabol ng isang hindi malamang bagay.

"Elise?" Namataan ko na lamang si Athena na nakatingin sa akin, pati na rin ang mga kasamahan ko sa silid aralan.

"Huwag po!" Sa takot at pagkataranta ay hindi ko na napigilan pang sumigaw.

"Anong problema?" Pagtingin ko sa aking harapan ay nakita ko ang guro na nakaupo lamang sa kaniyang upuan. He just stayed there while writing something.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ng isa sa kambal na nasa unahan ng aking inuupuan.

Doon ko lamang naisipang parang guni-guni ko lang ang lahat. Imposible namang makabalik siya agad sa upuan niya kung nasa harapan ko na siya kanina.

Walang ano-ano ay tumayo na ang guro kasabay ng pagdating ng panibago. "Goodbye, Sir," wika ng mga kaklase ko.

Isang magandang dalaga ang dumating sa aming harapan. "Good morning, class," pagbati ng guro.

"Siya ang bagong guro natin?" tanong ng isa sa mga kaklase ko sa katabi.

"I guess so," sagot naman ng isa.

"My name is Mikaela Aguilar. I'm new here so I hope that you can treat me well. Don't worry, I'll be kind to you, too," pagpapakilala ng babae.

At the end of our classes, it turned out that most of the teachers were kind and sweet. Everyone of them is good, except for the teacher we have in practicing Self Defense. Pagkatapos ng asignatura namin sa gurong iyon ay wala na akong iba pang nakitang kakaiba.

Sa wakas ay binigyan na rin kami ng oras upang pumunta sa aming mga dormitoryo. I can't wait to see my room and put some decorations there!

"Anong room ka?" Pagtingin ko sa aking likuran ay nakita ko si Athena. Umalis na ang ibang estudyante samantalang kami na lamang ang natira sa loob.

"Sa dormitoryo?" inosenteng tanong ko.

"Oo," pagtawa ni Athena. "Kung hindi mo alam, nandiyan sa School Pass mo ang number."

Mula sa aking bulsa ay kinuha ko ang ibinigay sa akin ni Kuya Aiden kanina. Ang card na iyon ay may mga personal kong impormasyon sa harapan. Noong pinagmasdan ko ito ng maigi ay nakita ko ang numerong 11.

"11?"

"Room 11 ka rin?" tanong ni Athena.

"Iyon ang nakasulat sa parteng Room Number," sagot ko naman.

"Ikaw pala ang bago kong kasama sa kuwarto!" bulalas niya sabay hawak sa braso ko.

Nakisama na lamang ako. Medyo masakit ang pagkakahawak niya subalit naiintindihan ko namang nagagalak lang siya na makasama ako sa isang kuwarto.

Hinayaan ko siyang dalhin ako papunta sa dormitoryo ng mga kababaihan. Medyo may katagalan ang paglalakad namin nang dahil sa pakikipag-usap sa mga kasabay namin hanggang sa maya-maya lamang ay huminto na siya sa harapan ng isang kuwartong may susing nakalagay sa door knob.

"Nandito na tayo!" wika niya.

"If ever something happens, I am just right in front of you, okay?" sambit sa amin ni Erika na isa sa mga nakasabay namin sa pagpunta sa dormitoryo.

"Something happens?" biro ni Athena. "Nothing bad can happen, Erika."

"Tama si Athena," sambit ko naman upang makisama sa kanila.

"Tara na sa loob?" pagyaya ni Athena.

Kinuha niya ang susi at saka inilagay sa kaniyang bag. Magkasama kaming pumasok sa aming kuwarto.

Pagpasok ko pa lamang ay binati kami ng isang kamang  double-decker at aircon na makikita sa malapit sa may bintana.

"Welcome sa bago mong silid!" pagbungad sa akin ni Athena.

Pagkatapos mag-ayos ng mga gamit ay hindi na namin namalayan ang oras. Pagtingin ko sa orasan ay mag-a-alas siyete na.

"Kailangan na nating maghanda!" pagpitik ni Athena. "Kung tumunog na ang bell na wala pa tayo sa Dinner Hall ay hindi na tayo makakapasok doon at makakakain!"

Agad kaming naghanda at hindi na nagsayang pa ng oras upang makapunta sa Dinner Hall na makikita malapit sa Bell Tower ng paaralan.

Sinalubong kami roon ng mga nakahain nang pagkain. "Tayo na lang ata ang hinihintay," sambit ko. Kapansin-pansin na puno na ang hall at may natitira na lamang na dalawang bakanteng upuan sa katabi ng dalawang lalaking kaklase ko.

Pag-upo namin ay nagkaroon ng katahimikan. Siguro ay naghahanap na sila kung sino ang mangunguna ng dasal.

"In the..." Magsisimula na sana ako ng sign of the cross nang ako ay biglang naantala ng boses ng isang hindi pamilyar na tao.

"Maaari na kayong kumain!" wika nito. Kasunod ng kaniyang pagbikas ang pagsisimula sa pagkain ng mga estudyanteng nakapalibot sa akin.

"In the name of the Fa—" Gusto ko na sanang ipagpatuloy ang pagdarasal ko bago kumain nang bigla ko na lamang naramdaman na may humawak sa aking kanang braso.

"Kumain ka na lang!" Pagtingin ko sa aking tabi ay naroon si Vian. Nakatingin siya sa akin na pansi kong hindi nakikipaglokohan.

Sinunod ko na lamang kung ano ang kanilang gusto. Kinuha ko ang aking kutsara't tinidor at nagsimulang isubo sa aking bibig ang napakasarap na kapiraso ng letsyong pinaghatian naming apat sa set.

"Saglit lang kukuha lang ako ng tubig," sambit ng lalaking nasa katabi ni Athena.

"Ako na!" pagboluntaryo ko. Mas malapit ako sa water jug at kukuha rin naman ako ng para sa akin kaya ako na lamang ang nagpresenta.

Tatayo na sana ako nang nakasalubong kong bigla ang paparating kong kaklase. Nakita ko ang pagdulas ng dala-dala niyang baso sa kaniyang kamay na naging dahilan ng pagkakabasag nito sa sahig.

"Hoy, ikaw!" sigaw niya sa akin. Siya rin ang babaeng nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa guro namin kanina na napakasama nito.

"Pasensya na."

"Pasensya?!" dagdag pa nito. "Sa tingin mo ba ikaw ang mababalik ng pasensyang iyan ang nakaraan?"

Gamit ang buong lakas at galit niya ay itinulak niya ako palayo. "Let me alone!"

The Fury of Alvierra HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon