5

52 6 12
                                    

Isang araw, maaga akong gumising at bumangon sa aking hibernaculum

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang araw, maaga akong gumising at bumangon sa aking hibernaculum. Ang aming mga higaan ay gawa sa isang advanced sleeping machine at ito ay tila pormang buto ng isang tanim. Kapag humiga na kami sa aming mga hibernaculum, awtomatikong sumasara ang pinto nito na gawa sa isang makapal na salamin. Nakakahinga kami sa loob dahil naglalabas ito ng oxygen. Nagiging masarap ang tulog ko sa higaang 'to at nagiging dahilan ito minsan para ako'y mahuli sa klase dahil sa ang bagal kong gumising.

     Umalis ako ng bahay at nagtungo ako sa farm. Hindi ko nakita si Mom at Maggie doon sa sala o kahit sa kusina. Sa palagay ko, tulog pa sila ngayon at mukhang ako pa ang nag-iisang gising sa aming bahay. Nang tumingala ako sa himpapawid, nakita kong nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan. Malamig ang panahon at naghahari na ang pagsikat ng araw. Nakalimutan kong tumingin sa orasan doon sa aking kuwarto pero sa tantiya ko ay mukhang alas singko na ng madaling araw.

     Tumingin-tingin ako sa paligid ko, wala pa akong nakikitang mga tao at mukhang tulog pa rin yata ang aming mga kapit-bahay. Napakatahimik ng Division 3. Nakakabingi ang katahimikan. Si Max, ang aking aso, ay mahimbing na natutulog sa veranda ng aming bahay. Sigurado akong naririnig niya ang yabag ng mga paa ko pero wala siyang pakialam o baka kaya sadyang malalim lang talaga ang tulog niya upang hindi niya mamalayan ang mga yapak ko.

     Nang marating ko na ang aming farm, nakita kong gising na pala ang aming mga hayop. Ang mga kabayo ay kasalukuyang kumakain ng damo sa gilid ng bakuran lalo na ang mga kambing, mga baka at ang iba pang mga hayop na may lahing herbivores. Hindi nila magagalaw ang aming mga pananim dahil naglagay kami ng mga bakod sa aming mga garden. Kaming mga taga-division 3, dinidisiplina din namin ang aming mga hayop at inaalagaan namin sila ng mabuti upang hindi magkasakit. Araw-araw namin silang pinapainom ng Bluewater kapag nauuhaw sila at dahil sa tubig na ito, napapansin ko na nagiging maliksi sila at nagiging mabuti din ang kanilang mga kalusugan.

     Si Mom ang madalas nagpapainum sa kanila ng asul na tubig dahil parati kaming wala rito ni Maggie sa aming lugar, pumupunta kasi kami sa Education Hall. Nagkakaroon lamang kami ng klase tuwing lunes, martes at miyerkules pero huwebes ngayon, ibig sabihin nito ay wala na kaming klase hanggang sa linggo kaya ang gagawin ko ngayon ay maglinis sa loob ng piggery kung saan namin kinukulong ang aming mga baboy.

     Pinunta ko ang piggery at pagdating ko, kinuha ko ang walis tingting pati na ang hose. Binuksan ko ang faucet na nakakonekta sa hose at inumpisahan ko na ang paglilinis. Unang-una sa lahat, pinaliguan ko muna ang mga matataba naming baboy gamit ang asul na tubig. Hindi lamang pang-inom ang tubig na ito, maaari din naming gamitin ito upang panligo, panhugas, o kahit sa ano pang paraan. Malaki ang naitutulong ng tubig na ito sa amin at kakaiba din ang kalidad nito bukod sa kanyang kulay; ito ay malamig, masariwa at amoy mabango pero ang problema ay mapait ng kaunti ang lasa nito.

     Matapos ang pagpapaligo ko sa mga baboy, inumpisahan ko na ang paglilinis sa kani-kanilang mga lungga na puno ng kanilang mga dumi. Sa tagal na pag-aalaga ko sa aming mga baboy, nasanay na ang ilong ko sa kanilang mga amoy lalo na sa mga dumi nito kaya binabalewala ko na lamang ito sa tuwing nililinis ko ang kanilang mga kalat sa lungga.

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon