12

25 5 0
                                    

Kinabukasan ay nanood ako ng TV, hindi dahil sa nais kong makinig ng balita kundi dahil sa nais kong panoorin ang ipinalabas na bagong The Perfect Match commercial na kung saan ipinakita nito ang aming mga photoshoots bilang paraan ng promotion sa...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinabukasan ay nanood ako ng TV, hindi dahil sa nais kong makinig ng balita kundi dahil sa nais kong panoorin ang ipinalabas na bagong The Perfect Match commercial na kung saan ipinakita nito ang aming mga photoshoots bilang paraan ng promotion sa mismong show. Ang ganda naming lahat sa behind the scenes ng photoshoot, naaaliw ako sa mga pose ng iba.

     Sa ngayon, nakasuot ako ng puting sleepwear. Mukhang makakahinga lamang ako ng sapat tuwing gabi dahil ito lamang ang oras na maihuhubad sa katawan ko ang masikip at mabigat na gown. Mayamaya, may kumatok sa aking kuwarto at pakiramdam ko, si Kathie ito o baka kaya si Henessy.

     "Maaari kang pumasok," sabi ko sa tao mula sa labas kaya binuksan niya ito at pumasok siya. "Ikaw pala 'yan, Stacey."

     "Para ito sa 'yo. Uminom ka po." Lumapit siya sa akin at ibinigay niya ang hawak niyang isang tasa na may tsaa. Tinanggap ko naman ito at hinipan ko muna upang hindi mapaso ang mga labi ko.

     "Salamat," sabi ko sa kanya at inumpisahan ko nang higopin ito.

     "Pagkatapos niyan ay sumunod ka na sa akin, kailangan mo ng magbihis," aniya at siya ay nanood muna sa TV habang inaantay ako.

     "Nasaan ba si Candice?" tanong ko. Unti-unti ko nang inuubos ang aking tsaa.

     Bumaling siya sa akin. "Nasa dressing room po siya, naghahanap ng magandang kasuotan para sa 'yo."

     "Please, ayoko munang magsuot ng ball gown. Puwede bang ibang gown muna ang susuotin ko? Iyong hindi masikip sa tiyan at kumportable ako," pakiusap ko kay Stacey.

     "Huwag kang mag-alala, iyong ball gown ay para lamang 'yon sa interview at photoshoot. Ngayon ay ibang kasuotan naman ang susuotin niyo," tugon niya.

     "Mabuti naman kung ganun." Napangiti ako at ibinigay ko na kay Stacey ang tasa nang maubos ko na ito. Tumayo na ako at umalis sa aking hibernaculum.

     "Hali ka na," ani Stacey at sabay kaming naglakad papalabas ng kuwarto. Habang binabagtas namin ang corridor, inayos ko muna sandali ang aking magulong buhok. "Ang iba? Gising na ba sila?"

     "Ewan ko po, mukhang gising na yata ang lahat. Sa katunayan ay alas sais pa ng umaga at ako nga ay nasurpresa nang malaman kong gising ka na pala. Akala ko ay huli ka na namang magigising." Tumawa siya ng marahan.

     "Ayoko na kasing mangyari pa ulit 'to baka mapagalitan pa ako ni Madam Charmaine kaya ngayon ay gumising na ako ng maaaga," sabi ko. "May alam ka ba kung ano ang susunod na mangyayari sa show na 'to?" mausisang tanong ko sa kanya.

     "Pasensya, wala akong alam. Si Madam Charmaine lamang ang nakakaalam sa lahat," sagot nito.

     Narating na rin naming dalawa ang dressing room at pagpasok namin sa loob, nakita ko sila Uniece at Chloe. Ginagabayan sila ng kanilang mga maid sa pagsusuot ng isang mahabang gown na hanggang abot sa sahig ang haba nito. Naka-makeup na si Uniece at 'di ko maipagkakait ang pagkakaiba ng itsura niya ngayon na para bang hindi na siya ang aking kapitbahay na nakilala ko mula sa Division 3, ang ganda niya. Nang makita ako ni Chloe, inirapan niya ulit ako sabay ismid ng labi na para bang nakakita siya ng bagay na ikinadismaya niya. Hindi ko lang siya pinansin maliban na lamang kay Uniece.

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon