11

29 5 0
                                    

Lumabas ako ng kuwarto at ako’y lumapit sa balcony

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumabas ako ng kuwarto at ako’y lumapit sa balcony. Tumanaw ako roon sa ground floor at eksaktong nakita ko ang mga matatandang babae na taga-division 2 na dala-dala ang kanilang mga camera at ang iba pang mga kagamitan nito. Wala akong ideya kung anong gagawin nila at ba't narito sila sa palasyo kaya nagtaka ako.

    Ang mga mata ko ay medyo nanlalabo pa ngayon na tila’y binubulag ako ng mga hamog. Kakagising ko lang kasi at ang buhok ko ay magulo pa. Suot-suot ko pa rin ang aking Division 3 uniform. Nais ko na sanang magbihis kagabi kaso sinabihan kami ni Madam Charmaine na huwag munang hubarin ang aming mga uniporme. Hindi ko alam kung bakit pero nakinig na lamang kami sa kanya.

    Araw ngayon ng miyerkules, kinakabahan na ako pero at the same time ay nae-excite na ako sa pag-uumpisa ngayon nang The Perfect Match show. Sigurado akong nakaabang na ang mga tao mula sa aming Division para sa palabas mamayang gabi. Magsisimula na yata ang shooting sa umagang ito kaya mas mabuti pang ayusin ko na ang sarili ko. Ilang sandali, may nakita akong dalawang katulong na lumapit sa akin at kinausap nila ako.

    “Magandang umaga binibini,” malumanay na bati nito sa akin at ang ginawa ko lamang ay ngumiti.

    “Kami po ang itinalaga ni Ma’am Charmaine na magiging maid niyo at simula ngayon ay maaari mo na kaming utusan kung ano man ang mga kailangan mo,” sabi naman ng katabi niya. “Hindi bale, ako nga pala si Stacey.”

    “Ako naman po si Candice,” pagpapakilala naman ng babaeng unang bumati sa akin.

    Si Stacey, mas matangkad pa siya kesa kay Candice. Makulot ang buhok niya at kay Candice ay maikli. Magkaiba rin sila ng kulay sa balat. Mas maputi si Candice at kulay tan si Stacey pero kahit ganun man ang kanilang kaibhan ay parehas pa rin silang magaganda sa paningin ko. Sa itsura ni Stacey, parang kaedad ko lang siya at sa palagay ko ay mas matanda pa si Candice kesa sa kanya.

    “Ikinagagalak kong makilala kayong dalawa.” Isa-isa akong nakipagkamayan sa kanila. “Kung handa kayong tulongan ako at pagsilbihan, maraming salamat.”

    “Walang anuman, iyon naman talaga ang trabaho namin dito,” sabi sa akin ni Candice.

    “Malapit nang mag-alas otso, hali ka’t sumunod ka sa amin. Dadalhin ka namin sa Dressing Room,” ani Stacey bago sila sabay na tumalikod sa akin at ako ay agad na sumunod sa kanilang dalawa.

    “Tulog pa ba ang iba?” tanong ko habang kami’y naglalakad sa mahabang corridor. Ang tunog ng bawat yabag ng aming mga paa sa sahig ay umuulyaw sa tahimik na pasilyo.

    “Gising na po silang lahat at sila'y nakapagbihis na. Nasa ground floor na nga sila ngayon. Ikaw na lang po yata ang hindi pa.” Marahang tumawa si Stacey sabay sulyap sa akin.

    “Teka, anong oras na ba?” Napabilis tuloy ang mga kilos ko. Isa talaga sa mga pinakaayaw ko ay 'yong mahuli ako sa oras.

    “Alas syete po, ilang minuto na lamang ay mag-alas otso na,” tugon ni Stacey.

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon