15

25 5 0
                                    

Muling sumanib ang kasiglaan at kasiyahan sa lahat ng kababaehan lalo na ako at si Henessy sa kadahilanang mag-uumpisa na sa gabing ito ang pinakahinihintay namin-ang Assembly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Muling sumanib ang kasiglaan at kasiyahan sa lahat ng kababaehan lalo na ako at si Henessy sa kadahilanang mag-uumpisa na sa gabing ito ang pinakahinihintay namin-ang Assembly. Makakaharap na namin ngayon ang mga lalaki sa pagkakataong 'to kaya lahat kami ay hindi matahimik sa kaka-chika tungkol sa kanila. Si Henessy, preparado na raw siya kung sino ang kanyang unang kikilalanin at iyon ay si Keanu. Ako, handa na rin ako kung sino ang una kong kikilalanin sa gabing 'to.

     Marami sa mga kasamahan ko ang nag-uusap tungkol sa kani-kanilang blind date at base sa aking naririnig, hindi na raw sila makapaghintay na makilala ang mga lalaking nakausap nila sa date na iyon. Pati ako, ganun na rin ang nararamdaman ko at hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ang aking isipan kung sino ba kaya sa kanilang mga lalaki ang nakausap ko kahapon. Hindi pa niya alam ang aking pangalan at tiyak ako na hindi pa din niya nakikita ang mukha ko pero sana ay hanapin niya ako kasi hahanapin ko rin siya. Hindi pa kasi sapat ang usapan naming dalawa sa blind date. Ano kaya ang kanyang pangalan? Ano kaya ang itsura ng mukha niya?

     Dinala kami ni Madam Charmaine sa dining room at ipinaupo sa mga upuan. Ang mga cameras sa buong silid ay nakahanda na. Ang mga masasarap at nakakatakam na mga pagkain ay nakahanda na rin sa lapag ng mesa. Magkatabi kami ni Henessy at ilang sandali, ngayon lamang sumagi sa isipan ko si Kathie. Nakalimutan ko pala siya. Ngayon ko lang napagtanto na wala siya sa aming pagtitipon at ako tuloy ay nag-alala. Dapat narito siya sa pinakamahalagang gabing ito upang makilala niya ang aming mga suitors. Baka siguro ayaw pa niyang lumabas dahil hindi pa ata naibsan ang kanyang sama ng loob pagkatapos ang nangyaring away nila ni Chloe kaninang umaga.

     Speaking of Chloe, wala rin siya sa hapag-kainan ngayon at wala akong ideya kung nasaan siya. Parehas silang dalawa na nawawala. Mas lalo akong nag-alala dahil baka may posibilidad na gumagawa na naman sila ng kalokohan doon sa women's room. Naku, huwag naman sana. Ayokong masira nila ang okasyon na 'to.

     "Puwede ba akong tumayo at umalis sandali?" tanong ko kay Henessy.

     "Bakit? Naiihi ka ba?" tanong naman niya.

     "Hindi." Umiling ako. "Nais ko lang hanapin si Kathie, baka kung ano ng nangyari sa kanya."

     "Lyz, mag-uumpisa na ang Assembly. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang live show at papasok na rito mamaya ang mga lalake sa ating dining room kaya mas mabuti pang manatili ka nalang dito at hayaan mo na si Kathie," tugon niya sa akin.

     "Nag-aalala kasi ako para sa kanya," sabi ko, hindi napapanatag ang sarili.

     "Huwag kang mag-isip ng ganyan, magiging okay din 'yon," aniya.

     Nakita ko ang mga matatandang babaeng taga-division 2 na kasalukuyang isinaayos ang anggulo ng mga cameras na nakalagay sa mga mahahaba at gumagalaw na tripods. Mukhang nalalapit na nga ang pagsisimula ng Assembly at papanoorin na naman kami ngayon ng mga tao mula sa Divisions. Habang kami ay naghihintay, pinagmasdan ko ang mga babaeng nakaupo sa harap ko at lahat sila ay magaganda dahil sa todong makeup na inilagay sa kanilang mga mukha.

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon