18

23 5 0
                                    

Nasa dining room ako para kumuha ng tubig at uminom, nauhaw kasi ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa dining room ako para kumuha ng tubig at uminom, nauhaw kasi ako. Ilang minuto na lamang ay mag-uumpisa na ang ballroom dance at ang mga tao ay naroon na sa sala habang ang mga matatanda na taga-division 2 ay inihahanda na ang mga cameras para sa live show.

     Sandali akong nanatili sa aking kinatatayuan at matagal kong tinitigan ang laman ng hawak kong baso, ang Bluewater na kahina-hinala at nakakapangilabot na ngayon sa mga paningin ko. Matagal na akong umiinom ng tubig na 'to at wala naman akong nararamdamang kakaiba. Hindi ko man naisip na suriin ito at dahil na rin sa rasong ipinagbabawal ang pag-eksperimento nito. Tatlong araw ko nang inaanalisa ang pagkamatay ni Chloe hanggang sa ako ay umabot ngayon sa mapanganib na plano: Paano kaya kung ititigil ko na rin ang pag-inom ng Bluewater at titiiisin ko ang uhaw sa loob ng dalawang araw o kaya mas higit pa?

     Gusto ko kasing obserbahin kung ano ang mga mangyayari sa akin. Gusto kong tiyakin kung totoo nga ba ang mga sinasabi ni Madam Charmaine sa bunga nang ginawa ni Chloe. Kakayanin ko ba kaya? Maaaring ikakamatay ko ito pero ito lang yata ang tanging paraan ko para tuklasin kung ano ba talaga ang meron sa tubig na 'to. Wala akong matututonan kung 'di ako gagawa ng kapahamakan. Ito na ang huling oras na hihinto na ako sa pag-inom ng Bluewater.

     Inilagay ko na ang baso sa lalagyan matapos akong uminom ng tubig saka ako umalis ng dining room. Tumungo ako sa sala at lumapit ako kay Henessy na kasalukuyang kinakausap ang babaeng taga-division 1. Hindi ko ito kilala pero marahil ay kaibigan niya ang babaeng 'to. Nakita ko ang mga musicians na nakaupo na sa kanilang mga upuan at nakahanda na rin ang kanilang mga instrumento. Ang iilang mga babae ay naroon pa sa mesa, naghahapunan. Sabi sa akin kanina ni Pauline, ang babaeng taga-division 1, bulontaryo lamang daw ang pagsali sa Ballroom Dance at nasa sa 'yo na kung sasayaw ka ba o hindi. Depende na rin sa kung kaninong babae ang isasayaw ng sampung suitors.

     Hindi ko kinahiligan ang pagsasayaw at isa pa, hindi din ako marunong nito pero niyaya ako ng dalawang suitors: si Tristan at si Scott. Si Tristan ang pinili ko at susubukan ko na lamang. Nang marating ko na si Henessy, binati ako ng babaeng kausap niya at binati ko rin siya pero nagpaalam din ito pagkatapos. Hindi siya nagtagal, umalis na ang babae at tumungo sa grupo ng kanyang mga kaibigan.

     "Diyos ko, kaloka." Pinandilatan ako ni Henessy habang hawak-hawak niya ang isang baso ng wine. Ipinagtaka ko ang kanyang reaksyon.

     "Bakit?" tanong ko.

     "Ay naku, may bagong chismis. Si Diana, 'yong babaeng kausap ko ngayon, pinagkaiinggitan daw siya nila Rosemarie at Kimberly dahil mas madalas daw silang nagkaka-bonding dalawa ni Brayden na para bang inaangkin na raw niya ito at hindi na ibinibigay pa sa iba pero sa totoo ay si Brayden naman daw ang palaging lumalapit kay Diana," sagot ni Nessy sa akin.

     "Ganun ba, baka in love na si Brayden sa kanya kaya wala na siyang oras pa para makihalubilo sa ibang babae," sabi ko.

     "Ewan ko pero baka nga." Nagkibit siya ng balikat. "Kung totoo man 'yan ay maiinggit na rin ako. Mabuti pa si Diana, may lalaki ng in love na sa kanya. Sana ako rin."

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon