10

39 5 0
                                    

Ang mga babae ay naghiwa-hiwalay at nagsigala sa buong palasyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang mga babae ay naghiwa-hiwalay at nagsigala sa buong palasyo. Pinahintulotan kasi sila ni Ma'am Charmaine na maglibot kung saan-saan upang makilala namin at matunton ang bawat sulok ng palasyo pero mahigpit niya kaming pinagbawalan na pumunta sa basement room at pumasok sa mga pribadong kuwarto. Kami ay mapaparusahan kung susuwayin namin ang mga 'yon.

     Sa ngayon, hindi ko alam kung nasaan na si Kathie. Marahil ay kasama niya ngayon ang mga babaeng taga-division 2. Naglakad ako ng mag-isa sa corridor na ngayon ko pa lamang nadaanan. Hindi ko alam kung saan ito papunta basta lakad lang ako ng lakad. Sa totoo ay nakakaloka ang mga pasikot-sikot rito sa palasyong ito. Ang daming mga pasilyo na halos malilito ka na lamang kung saan ang tamang daanan papunta sa exit.

     Kanina ay naririnig ko pa ang ingay ng mga babae roon sa kabilang corridor pero habang ako ay palayo na ng palayo sa kanila, unti-unti na ring nawawala ang mga boses nila sa aking mga tenga. Ibig sabihin nito ay narito na ako sa lugar ng katahimikan at ako na lamang ang nag-iisa. Wala ng kasama pa. Natatakot na tuloy ako pero hindi dapat ako makaramdam ng ganito dahil maliwanag naman ang paligid at malapit ako sa mga bintana. Nakikita ko ang malawak na field sa labas. Upang hindi ako matakot sa nakakabinging katahimikan, nagmasid na lamang ako sa mga painting na ngayon ko pa lamang nakikita sa dingding. Inaliw ko na lamang ang sarili ko sa panonood ng mga gawaing-sining.

     "Lyz!" boses ni Kathie ang narinig ko mula sa aking likuran kaya nilingon ko agad siya at sandali akong huminto sa paglalakad. Tumatakbo siya patungo sa akin.

     "Kath," sambit ko. Mas gumaan ang damdamin ko nang makita ko siya.

     "Kanina pa kita hinahanap," aniya habang hinihingal. Huminto na siya sa kakatakbo nang marating na niya ako. "Ba't ka nandito? Dapat sumama ka sa mga babae roon."

     "Um, gusto ko lang muna mapag-isa." Nagkibitbalikat ako nang masabi ito.

     "Hindi ka dapat gumagala ng mag-isa, gaga. Baka mapano ka pa," concern ni Kathie sa akin at ilang sandali ay bigla niyang inabot ang braso ko. "Hali ka, punta tayo sa labas. Napaka-boring dito sa loob ng palasyo."

     "Tara," payag ko agad sabay ngiti kaya tumakbo kaming dalawa sa corridor at hinanap namin ang daanan palabas.

     Nang matagpuan na namin ang hagdanan patungo sa ground floor ay dali-dali kaming bumaba at tumungo sa backdoor. Si Kathie ang nagbukas ng pinto at paglabas naming dalawa, nakaramdam ako ng kaginhawahan at kalayaan. Ang sarap ng simoy ng hangin at ang init ng araw na dumampi sa balat ko. Natanto ko ngayon na kapag ako ay nasa corridor ng palasyo, para akong mahihimatay sa isang nakapaloob na lugar. Ang hirap makahinga, nakakatakot at para akong naiipit sa pagitan ng mga dingding.

     Ewan ko ba ba't ganun ang nararamdaman ko basta ayoko sa mga confined spaces. Nagdudulot ito ng anxiety sa akin. Ang kamay ni Kathie ay nakahawak pa rin sa aking braso kaya muli na naman niya akong hinila at nagpunta kami roon sa isang kakaibang garden na puno ng mga pasikot-sikot na daanan. Pabilog ang porma ng matatangkad na hardin at nagmistula itong mga pader.

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon