22

24 5 0
                                    

Agresibo akong umakyat sa hagdanan patungo sa ikatlong palapag habang ang mga palad ko naman ay kating-kati ng masampal ang dalawang bruhang naging dahilan sa bugso ng galit ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agresibo akong umakyat sa hagdanan patungo sa ikatlong palapag habang ang mga palad ko naman ay kating-kati ng masampal ang dalawang bruhang naging dahilan sa bugso ng galit ko ngayon. Malakas ang bawat kalampag ng aking mga hakbang at nakaismid na ang aking labi sa inis.

     Sumusunod sa akin si Henessy, sinusubukan niya akong pakalmahin dahil nag-aalala siya para sa akin at sa kung ano man ang mangyayari pero sa puntong ito ay nawalan na ako ng pakialam sa kanya. Nilamon na kasi ako ng galit. Ayon sa batas, ang paninira ng mga kagamitan sa iyong kapwa o sa taga-ibang dibisyon ay isa itong kalapastanganan, diskriminasyon at ilegal na maaaring ikakukulong mo. Binabastos ako ng dalawang hinayupak na 'to kaya kabastusan rin ang ipapakita ko sa kanila.

     Nang marating ko na ang aking kuwarto, eksaktong paalis na rin sana sila Xyrielle at Shilouh subalit nahinto agad silang dalawa nang mahuli ko rin sila. Nakita ko ang aking mga Division 3 uniform na nagkalat sa sahig. Ang iilan ay nagkapunit-punit at ang iba ay nadumihan. Ang rosas na ibinigay ni Scott sa akin ay sira-sira na rin. Pinagpuputol nila ang mga petals nito. Labis akong nasaktan nang matagpuan ko ang nangyari sa bulaklak na iniingatan ko pero mas humigit pa doon ang sakit nang matagpuan ko rin ang necklace na niregalo sa akin ni Scott, ang gintong kuwentas na ngayo'y putol-putol na katulad nang kung paano din nila sinira ang rosas ko.

     Nanlabo ang aking mga paningin nang mamuo ang luha sa aking mga mata pero hindi ako malungkot, inis na inis ako at tinutubuan ako ng sungay sa aking ulo. Gusto kong manakit.

     "Ang kapal ng mga mukha ninyo!" bulyaw ko sa kanila at 'di ako nagdalawang-isip na sumugod para labanan silang dalawa.

     "Oh my god, Lyza! Pakiusap, huwag kang gumawa ng gulo!" pigil sa akin ni Henessy pero hindi ako nakinig sa kanya.

     Sinampal ko ng malakas si Shilouh sa pisngi at sinabunot ko naman ang nakatirintas na buhok ni Xyrielle. Hinila ko siya at kinaladkad na parang bag. Napasigaw siya sa aking ginawa at sinubukan pa niyang pigilan ang aking kamay dahil alam kong nasasaktan na siya sa mahigpit kong pagbunot sa kanyang buhok na ngayon ay nagulo na.

     "Bitiwan mo ako, baliw!" singhal ni Xyrielle sa akin habang naiiyak na siya.

     Walang awa ko siyang hinambalos sa dingding at pinagsasampal. Hindi ko napansin ang pag-atake sa akin ni Shilouh at bigla niyang dinakma ang likod ng gown ko, hinila niya ako ng may puwersa na siyang ikinatumba ko sa sahig at ako ay napahiga. Hindi sana ako matisod kung hindi ako nakasuot ng heels kaya naisipan kong hubarin agad ito. Bilis na pumatong sa akin si Shilouh at binigyan niya ako ng mga malalakas na sampal sa mukha. Kung saan-saan na tumatama ang mga sampal niya sa akin. Nasaktan ako sa ginawa niya.

     "Hindi sana tayo aabot sa ganito kung hindi niyo pinatay si Chloe! Napakademonyo niyo!" galit na sigaw ni Shilouh sa akin at sinakal niya ako ng tuloyan sa leeg.

     Hindi napigilan ni Henessy na sumali sa away kaya sinugod niya si Shilouh at sinabunot niya ang buhok nito. "Sumusobra ka na! Sinasaktan mo na 'yong kaibigan ko!" bulyaw nito at dinaklot pa ni Nessy ang sleeve ni Shilouh upang kaladkarin ito palayo sa akin.

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon